(4) Four

2.5K 116 10
                                    

Pagdilat ng mga mata ko. Nasa... nasa... Wait nasaan nga ba ako?

Inikot ko ang mga mata ko sa paligid at ang nakita ko ay si Rudolf at si Nico. Ewan nakaupo lang naman sila sa sulok tapos nag-uusap hindi ko lang alam kung anong pinag-uusapan nila malayo ako sa kanila eh. At saka mukhang seryoso.

Nakita ako ni Rudolf na mulat na ang mga mata.

"Ate Mika!"agad siyang tumayo at nilapitan ako.

"Ok ka na ba ate Mika?"

"Oo Rudolf ok na ok na ako" uupo sana ako kaso nafeel kung masakit ung ulo ko.

"Dahan-dahan lang Mika baka maalug ung utak mo at malimutan mo kung gaano ka kaganda" pabirong bigla ni Nico. Nagsmile naman ako kasi na appreciate ko naman ung pagbibiro niya.

"Mas maganda ka pala pag-naka ngiti eh" sabi ni Nico.

"Hindi ka rin lang pala pilosopo mangbobola ka din." Napansin ata ni Rudolf na iba ung atmosphere naming dalawa ni Nico. Ayon nakisabat siya sa amin.

"Ate Mika ano bang nangyari?"

"Accidente kasi natumba ung inuupuan ko kaya un natumba ako nauntog ung ulo ko sa kung anong naka baranda sa pinagbagsakan ko"

"Ahhh---" tipid niyang sagot.

"Teka nga lang pala paano ung inorder niyo at saka ung kasama natin na iba?"

"Pina take out na lang namin kasi nataranta kami nung buhat ka ni Nico tapos duguan na ung noo't mukha mo. Ung iba pumasok na sa kanya kanya nilang classe"

"Ahhh...."

Pero ano ako binuhat ni Nico? Salaki kung babae nabuhat niya ako? Nabigatan kaya siya? Paano niya kaya ako binuhat? Princess style o piggy back? Tsk. Nakaka curious naman oh. But wait nga lang---

Bat ba masyado akong nacocorious sa mokong na ito?

"Arrgghh! Awww" nalimutan ko may sugat pala ung ulo ko.

"Bakit ate Mika may masakit ba sayo?" pag-aalala ni Rudolf.

"Wala naman may naisip lang ako bigla. Di ba five o'clock ung classe mo? Five na di ka ba papasok?" Hello kung sasabihin ko na masakit ung ulo ko maslalong mag-aalala itong si Rudolf baka hindi pumasok pagmagkataon.

"Hatid na lang kita wag nalang ako papasok."

"Hala sira ulo toh mamaya malaman ng parents mo yan pagalitan ka. Ako pa ang masisisi kaya pumasok ka na total andito naman tong kaibigan mong si Nico so ok lang ako."

"Pero-?"

"Hep! Kailangan mong pumasok Rudolf. Sige ka pag-hindi ka papasok hindi na kita kakausapin, magtatampo ako sayo, hindi na din kita papansinin--" hindi pinatapos ni Rudolf ung mga sinasabi ko kasi ayaw niyang magalit ako sa kanya. Ewan ko sa lalaking toh lagi akong binubuntutat mula nung nakilala ko siya one year ago.

"Oo na ate papasok na ako. Pero Nico make sure na ihahatid mo si Mika" si Nico tumango lang.

"Sigurado ka ah?" tumango ulit si Nico.

"Sure?" Hay ang kulit talaga ni Rudolf.

"Oo yan suss. Dali pasok kana mamaya malate ka pa eh" sabay kamot ako ng ulo.

Pagkaalis na pagkaalis ni Rudolf nagpaalam ako sa doktor sa clinic ng school since sa school clinic nila ako itinakbo na kung pwede ay uuwi na ako pumayag naman ung doktor basta wag lang daw ako magbabagod or magpuyat this day.

She's a Fake Girlfriend  #Wattys2019 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon