Offer

20 2 0
                                    

Chapter 1

"Naku Hadley, Binigyan ko na kayo ng palugid. Malulugi din ako sa ginagawa niyo" Usal ni Aling Puring, siya ang may-ari ng bahay na inuupahan namin ni Papa ngayon.

"Next week po Aling Puring, May sweldo na ako dun. Makakabayad na po ako sainyo, bigyan niyo lang po kami ng kaunti pang palugid." Kahit labag sa loob ko ang magmakaawa ay kailangan kong gawin 'to, walang wala din kami ngayon at tanging pambili lang ng gamot ni Papa ang hawak kong pera.

Tinignan ako ni Aling Puring, tila pinapakiramdaman kung nagsasabi ako ng totoo. Bumuntong hininga ito bago tuluyang tumango, napangiti ako at nakahinga ng maluwag.

"Maraming salamat po!" Nakangiting usal ko. Dinuro niya ako gamit ang abaniko niya.

"Next week ah? Pag di kayo nakabayad by next week pasensyahan tayo Hadley." Usal ni Aling puring bago tuluyang umalis.

Napabuntong hininga ako at isinara na ang gate. Nang makapasok ako sa bahay ay nadatnan ko si Papa na nagbabasa ng diaryo. Nilapitan ko siya para magmano, nginitian niya ako at hinila sa tabi niya para maupo.

"Si Aling puring ba ang kausap mo kanina?" Tanong ni Papa, agad akong napailing at natawa.

"Hindi po, wala po akong kausap kanina." Natatawang usal ko. Tinignan niya lang ako na tila hindi nasa-satisfy sa sagot ko.

"Anak" tawag niya saakin at hinaplos ang buhok ko.

"Pag may Problema ka, Sabihin mo saakin. Wag mong angkinin lahat ng problema" Usal ni Papa.

Sandali akong natahimik sa sinabi ni Papa. Mas gu-gustuhin ko pang solohin ang problema kaysa sa sabihin kay Papa. Ayokong mag-alala pa siya, Baka mapaano pa sa siya.

Hinawakan ko ang medyo nangungulubot niyang kamay at nginitian siya. "Pa, kaya ko po" Ngiti ko.

But he looks so bothered, alam kong nag-aalala siya sa kalagayan ko pero mas inaalala ko siya.

"Siya nga pala Pa, may dala po akong ulam." Usal ko at nakangiting iwinagayway ang supot na dala ko.

Kumuha ako ng mangkok para ilagay ang adobong ibinigay saakin. Sapat na sa aming dalawa yun ni Papa kasi hindi naman ako masyadong kumakain ng marami.

Binuksan ko ang kaldero upang mag hain na din ng kanin ngunit nagitla ako ng makitang walang laman yun.

Napatingin ako kay Papa na papunta na saakin. "Hindi pa pala kayo nagsasaing." natatawang usal ko at tumungo na sa imbakan ng bigas upang kumuha ng bigas. Nang makita ko ang imbakan ng bigas ay doon ako napatigil.

"Hindi ko nabanggit sayo na wala na tayong bigas." Sabi ni Papa. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at tumingin kay Papa.

"Makikiusap ako kay Aling Kina, Kukuha muna ako ng bigas sakanya--"

"Gastusin mo na yang kinita mo sa paglalabada, wag mo na akong alalahanin anak. May pera pa naman ako roon--"

"Pa, ako na po ang bahala. Sige na po mag stay ka nalang po muna dito. Hintayin niyo ako." Nakangiting usal ko at hinawakan pa ang kamay niya. Napabuntong hininga si Papa bago tumango.

Bago pa ako lumabas ng bahay ay muli kong tinignan si Papa na nakatingin din saakin, Nakangiti ito at hinihintay akong makalabas.
Nginitian ko din siya at kinawayan na.

Dalawang kanto ang pagitan ng tindahan ni Aling Kina mula sa bahay na inuupahan namin.

"Sige na po Aling kina, Kahit isang kilo lang po" Pakiusap ko kahit labag sa loob ko ang makiusap. Napataas ang kilay ni Aling Kina, she crossed her arms.

A time to heal |ON GOING|Where stories live. Discover now