Chapter 12
Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya, gusto ko humingi ng tawad pero di ko magawa. Mali yung naitanong ko dapat pala pinag-isipan ko muna.
"Wala kang kapatid?" Narinig kong sabi niya kaya napatingin ako.
"Wala, isa lang ako." Nakarinig kami ng katok sa pintuan kaya napatingin ako.
"Ako na ang magbubukas." Tumayo na ako at pumunta sa pintuan. Nakita ko si Anthésha.
"Oh bumalik ka?"
"Naboboring ako sa bahay. Papasukin mo na ako di ako manggugulo sa inyong dalawa, bilis." Problema nito bakit nagmamadaling pumasok?
"Ilock mo ang pinto." Napakunot noo ako kaya siya na ang naglock at dumiretso siya sa kusina, ako naman sa sala.
"Let's go to your kitchen, kumain ka muna." Sumunod na lang ako sa kanya dahil di ko pa rin magawang kausapin siya.
Pagdating ko sa lamesa ay di pa man ako nakakaupo sakto namang may kumatok sa pintuan kaya pumunta ako doon at binuksan ito.
"Good morning, you're Hadley right?" Tumango naman ako at ngumiti sa kanya, alam ko naman na kung sino ito kaya pinapasok ko na at nang makitang nasa kusina ang pakay niya dumiretso na ito doon.
Nakita ko naman ang pagkabalisa ni Anthésha nang makita si Tyruss. Anong problema ng dalawang ito? Baka mamaya may mangyari pang war dito, kawawa naman ang apartment na ito kung magkatoon pero mas kawawa ako baka mapalayas ako.
Umupo si Tyruss sa tabi ni Anthésha, kaya wala akong choice kundi umupo sa tabi ni Cresthor.
Nakakahiya naman na kape at tinapay lang naioffer ko dito sa lamesa, malay ko ba na magkakaroon ng mga bisita dito, kung nagsabi lang sila baka nagpahanda pa ako.
Napatingin ako kay Anthésha na nakatingin lang sa may bintana kung nasaan ang lababo, umaakto siya na parang wala siyang katabi. Mukhang malala ang pagtatalo nito ah? Sarap talaga ng buhay pag single, ok lang naman kung liligawan ako ni Cresthor— wth?! Iniling ko na lang ang ulo ko at uminom sa mug ng kape ko. Naramdaman ko pa ang pagkapaso ng dila ko kaya napanguso ako.
Sobrang tahimik, sa pagkakaalam ko kanina pa dumaan yung anghel. Nakaisip naman ako ng kalokohan kaya hinampas ko ang lamesa ng kamay ko na ikinabigla nila, kingina ramdam ko yung sakit ng kahapong di magbabalik, doon ko lang narealize yung katangahan ko kasi sinaktan ko sarili ko pero ok lang nakagawa naman ng tunog. Tinignan ko sila bago magsalita.
"Ay sorry ang tahimik naman kasi, problema natin? Naputulan kayo ng dila? Baka tirhan ng multo itong apartment sa katahimikan niyo and wait kayong dalawa ano ba yang problema niyo ha?" Napatingin naman sa akin yung lovebirds bago sila magkatinginan at si Anthésha ang pumutol ng titigan nila.
Nabigla ako ng nilapit ni Cresthor ang mukha niya sa akin, napapikit naman ako dahil halos maduling na ako sa lapit niya, ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko at naghihintay ng kung ano ng biglang napadilat ako ng bumulong siya sa tenga ko.
"Do you think I will kiss you?" Naestatwa ako ng marinig siyang tumawa sa tenga ko, wait? Tumawa? Bakit ang hot naman tumawa nito ha? Ang swerte ko namang nilalang naisahan ako ng kumag na ito. Ramdam ko ang hininga sa leeg niya na nagbigay ng bultaheng init sa aking katawan bago siya magsalita.
"Let them fix their problem, let's go to your room." Nakarinig naman kami ng tikhim mula sa dalawa kaya naitulak ko si Cresthor dahilan para tumawa siya ng mahina at umiling.
"Mukhang may namamagitan ah? Anong pinaguusapan? Magiging ninang ba ako—" agad ko naman siya hinagisan ng tinidor na di ko pa nagagamit at nailagan niya naman yun, sayang lang.
YOU ARE READING
A time to heal |ON GOING|
Hayran KurguSa mundong puno ng kamalasan, may isang napakaswerteng darating na hindi natin inaasahan. Hadley Brezyla Fortandale, napakagandang dalaga ngunit kabaligtaran ng kanyang pinagdadaanan sa buhay. Pinagbagsakan ng langit at lupa. Napakalalim ng sugat n...