Sweven

5 2 0
                                    

Chapter 10

"Hadle—" Napatingin ako kay Anthésha at nabigla siya ng may kausap pala ako.

"Ah pasensya na aalis na muna—" Hindi na natapos ni Anthésha ang sasabihin dahil biglang may lumapit na nurse kay Cresthor at nagmamadali ito. Bago siya umalis ay tinignan muna niya ako at napailing na lang bago nagmamadali na sumunod sa nurse.

Napabuntong hininga ako at nagpasalamat sa mga dumating para tigilin ang tensyon sa pagitan namin.

Sa totoo lang may rason naman ako pero iba kasi pag kaharap ko na siya, nauumid ang dila ko, isama mo pa yung mga mata niya na nagsasabi na delikado at hindi siya basta-bastang tao.

"Huy! Tulala ka nanaman?" Bumalik lang ako sa katinuan ng iwinagayway niya sa harap ko ang supot, nakalimutan ko nagpabili pala akong pagkain dito.

"Ibigay mo na yan doon kay pulis para makauwi na tayo." Napatawa ako sa kanya at nagtataka naman siya sa inakto ko.

"Tanga hindi siya pulis, engineer siya." Di ko na siya hinintay pa magsalita at pumasok na ako sa room kung nasaan si Enzo.

Mukhang malalim ang paguusap nila ng kaibigan niya at nang maramdaman nila ang presensya ko ay napatingin sila sa akin.

"A-Ahm di ko alam kung paano ako makakabayad sa pagligtas mo ng buhay ko pero sana tanggapin mo itong pagkain para bumalik yung lakas mo." Napangiti naman siya sa akin at kinuha ang supot na dala ko.

"Wala kang kailangan na bayaran sa akin, palagi ka lang mag-iingat. Kung wala pala ako doon baka napaano ka na. Mabuti na lang at matapang ka." Napangiti naman ako at tumango sa kanya bago magpaalam.

"Salamat ulit sa kabutihan mo, ayaw ko pa man umuwi ay kailangan dahil may gagawin pa ako. Mauna na ako." Tumingin din ako sa kaibigan niyang si Dexter at tumango lamang ito sa akin.

Pinuntahan ko na si Anthésha, pinipigilan niya lang yung antok niya kaya nung makita niya ako ay nagpasalamat siya dahil makakauwi na rin daw siya sa wakas.

"Di nga ako nagkamali, mabait nga talaga yung magbabarkadang yun." Nagsalita si Anthésha habang nakasakay na kami sa tricycle pauwi.

"Akala ko katapusan ko na kanina, di ko na alam kung paano umisip ng matino na pati yung mga importanteng bagay sa akin ay muntikan ng matangay ng dahil sa nangyari, buti na lang dumating si engineer." Tumingin siya sa akin at parang may malalim na dahilan yung titig niya sa akin na parang kinakantsyaw ako.

"Kung anong pumapasok sa isip mo, wala akong kinalaman diyan at walang namamagitan sa amin ni Enzo." Kinurot niya ako sa tagiliran dahilan para hampasin ko yung kamay niya.

"Ikaw may sabi ah, wala akong sinasabi sayo o baka naman may namamagitan sa inyong dalawa? Bakit naman yun agad magaala superman para sagipin tayo diba, o baka ikaw lang talaga?" Nagtaas kilay pa siya bago naghintay ng sagot ko.

"Wala nga ang kulit naman nito at saka malay ko ba? Nagkataon lang siguro na nandoon yun wag mo masyado laliman yang pag-iisip mo masyado ka nang nalulunod at namamali na ang sitwasyon." Umayos siya ng upo at ngumiti ulit sa akin bago magsalita.

"E yung relasyon mo kay doctor? hmm?" Naningkit ang mata niya at parang iniimbestiga ako, bakit nasama si Cresthor sa usapan?

"W-wala gaga bakit ko naman papatulan yun? Doctor yun ang komplikado para mag girlfriend, busy siya palagi." Natawa siya na ikinabigla ko, may nasabi ba akong mali?

"Iba na yang sinasagot mo sa akin ah, nahahalataan na kita. Tinatanong ko lang kung anong relasyon mo kay doctor bakit napunta na sa girlfriend thingy yang sagot mo? Di naman masyado halata na gusto mo siya maging boyfriend ano? Mukhang nanghihinayang ka yata na busy siya lagi. Sige na friend amin ka na, wala naman ibang makakaalam. Diba manong?" Napatingin naman yung tricycle driver kay Anthésha na parang nagtataka pero tumango na lang ito, idamay ba naman si manong na tahimik na nagmamaneho.

A time to heal |ON GOING|Where stories live. Discover now