Lost myself

8 2 0
                                    

Chapter 6

Hindi pa rin nakakaalis yung mga kaibigan ni Cresthor kaya halos di ko na talaga alam gagawin ko. Nakatingin lang ako sa pagkain na nakahain sa akin at di ko magawang galawin iyon.

Napansin naman ni Cresthor na naiilang ako kaya inaya niya muna na umalis ang mga kaibigan niya doon.

Halos limang minuto na ay nakatingin pa rin ako sa kawalan, tinanong ko ang sarili ko. Bakit napakalupit ng tadhana? Iniisip ko kung wala nga ba nagligtas sa akin ay kasama ko na nga ba sana ngayon sila mama at papa? Mas ayos na yun hindi ba?

Nangako sila sa akin na hindi nila ako iiwan, nangako sila na di nila ako papabayaan pero iba talaga pag kapalaran na ang kalaban mo kahit gaano ka pa kasigurado sa pangako nila mapapako pa rin yun.

Sinabi ko na malakas ako, sinabi ko na matapang ako pero hindi ibig sabihin nun na lagi akong ganun. Tao rin ako tumitiklop din ako. Nabubuhay nga ako ngayon pero unti-unti nang pinapatay ang puso at isip ko. Wala na akong bubuhayin, ako na lang.

Ang hirap mawalan di ko na alam kung saan na ako itatapon ng kapalaran, maswerte pa nga ba ako? Oo kasi nabubuhay pa ako pero kulang na kulang na ako. Halos nawala na sa akin at wala ng natira pa.

"Bakit hindi mo ginalaw ang pagkain mo?" Napaigtad naman ako sa pagkakatulala ng biglang may nagsalita sa likod ko. Napabuntong hininga na lang ako at yumuko.

"Pinaalis ko na yung mga tarantadong kaibigan ko, kumain ka na mas lalo kang manghihina." Naaaninag ko sa boses niya na inuutusan niya na ako kumain pero di ko pa rin kayang igalaw ang kamay ko, wala akong gana.

Kinuha niya ang kubyertos at nabigla ako nang nilagyan niya ng pagkain ang kutsara at nilagay sa tapat ng bibig ko.

"Open your mouth, masama malipasan ng gutom." Utos niya kaya binuksan ko na lang ang bibig ko at doon ko na nalasahan yung pagkain. Patuloy lang siya sa pagsubo sa akin at doon ko narealize na gutom na nga talaga ako. Nang maramdaman ko na busog na ako ay napailing na ako, ibinaba niya naman ang kutsara at binigyan ako ng baso ng tubig na agad ko naman ininom.

"Hindi pa huli ang lahat para sayo, isipin mo na maraming lumalaban para sa buhay nila, ganun kaimportante ang buhay kaya ayusin mo ang sarili mo." Tumingin ako sa kanya at nakita kong naglalakad na siya papuntang lababo para ilagay doon ang mga pinagkainan ko, sarado ang isipan ko sa mga oras na ito. Ang sakit sa damdamin bakit hindi nila maintindihan ang sitwasyon ko?

"Ah pwede na ba akong umalis?" Tanong ko na dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Hindi pa maayos ang la—" pinutol ko na ang sasabihin niya bago pa man magbago ang isip ko.

"Maayos na ako, may kailangan pa akong gawi—"

"Magpahinga ka muna. Makakasama sayo kung—"

"Ayos na ako, katulad nga ng sinabi mo ayusin ko ang sarili ko—"

"Paano ako makakasiguro na aayusin mo ang sarili mo?" Napatingin ako ng diretso sa kanya bago magsalita.

"Sarili ko ito, kaya gagawin ko kung anong gusto ko kaya pwede na ba akong makaalis? Nakakadistorbo na ako alam kong may mga gagawin ka pa." Napansin kong nabigla siya sa sinabi ko pero di naman yun nagtagal bumalik yung mukha niya na walang emosyon pero sabi nga nila hindi makakaligtas ang mata dahil nakita ko pa rin ang pag-aalala doon.

"Kung yan ang gusto mo, pero may kabayaran ang pag-aalaga ko sayo." Ang lakas din ng bungo ng lalaking ito, dagdag bayaran nanaman ba ito? Magsasalita pa lang ako nang inunahan niya na ako.

"Hindi pera ang kabayaran na kapalit na hinihingi ko if that's what you're thinking. Take care of yourself always, wag ka magpapalipas ng gutom, wag mo ikulong ang sarili mo sa mga nangyari marami pang nagaabang na opportunities para sayo. If you need help, don't hesitate to look for me. I'm always willing to help you." Di ko napigilan na tumayo at pumunta sa kanya para yakapin siya at magpasalamat, napaiyak na rin ako. Naramdaman ko naman yung isang kamay niya na tinatapik ang likod ko para patahanin ako.

A time to heal |ON GOING|Where stories live. Discover now