Chapter 5
Halos magi-isang buwan na din si Papa dito sa hospital, Naayos ko na din ang ilang mga papel para mabawasan ang bayarin namin dito sa hospital. Sa isang linggo naming pananatili dito ay mas lalong nanghihina si Papa, Pumapayat na din ito at hindi na masyadong makapagsalita. Mas dumami din ang mga nakakabit na aparato sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.
"A-Anak, P-Pumayat ka" Nanghihinang usal ni Papa. May oxygen ng nakalagay sa bibig niya kaya hindi siya makapagsalita ng maayos.
Kasalukuyan akong nag tutupi ng mga damit na dadalhin ko mamaya sa trabaho ko.
"Pa, Ikaw ang pumapayat" Usal ko at tumingin sakanya. "Magpapalakas ka ah?" Usal ko at hinawakan ang kamay niya. Napangiti si Papa pero naging mapakla iyon. Huminga ng malalim si Papa at napaubo pa.
"Ramdam ko na ang katapusan ko" Medyo mamaos-maos niyang usal. "W-Wala ka ng aalalahanin" Mahinang usal niya, Agad akong napailing at napakagat saaking labi.
"Gagaling ka" Naluluhang usal ko at hinaplos ang kanyang buhok. "Gagaling ka po" Usal ko at tuluyan ng tumulo ang maiinit kong luha.
"Babalik tayo sa bahay, Ibibili pa kita ng maraming damit. Makakain kana ng karne, Magiging masaya tayo. Kaya ipangako niyo saakin na lalaban ka hmm?" Desperadong tanong ko. Hindi niya ako sinagot bagkus ay nginitian niya lang ako at unti-unti itong pumikit
Inayos ko ang kumot niya at bumuga ng hangin.
Napayuko ako at napatingin sa aking mga kamay. Sukong suko na ang katawan ko, Hinang hina na din ako. Pero sa tuwing makikita ko si Papa ay mas lalo akong nagiging determinado, Kailangan ko siyang mailabas dito. Hindi ko na siguro kakayanin kung pati si Papa ay mawawala.
Tumungo ako ng banyo upang maghilamos at makapaghanda na upang makapasok sa pag ta-trabahuan ko, Nang makalabas ako sa banyo ay nadatnan kong nakatayo si Doc sa tabi ni Papa.
Tumungo ako sa tabi niya para malaman kung ano ang sadya niya dito. "May problema ba sa kalagayan ng Papa ko?" Tanong ko na ikinatingin niya saakin.
He took a deeply breath bago umiling.
"Ganoon parin ang kalagayan niya, Walang pagbabago" Usal niya na ikinakagat ko ng labi. "Kailangan ng gawin ang operasyon"
Napayuko ako at napakagat ng labi. "A-Ayaw ni Papa ituloy ang opersayon" Mahinang usal ko at napasinghot. Magiging blur na din ang paningin ko kaya napatingala ako upang maiwasan ang pagtulo nito.
"Nasabi nga din niya saakin yan, And he have reasons. Ayaw ka niyang mahirapan" Bahagya pa siyang natawa. "Sacrifice huh?" Napailing-iling pa siya.
"Do i look selfish?" Bigla nalang lumabas ang mga katagang iyan saaking labi. "Makasarili naba ang tawag saakin kung gusto ko siyang ma-operahan at mabuhay?" Tanong ko at napatingin sa kawalan.
Gusto ni Papa na sumuko, Ako naman itong lumalaban. Gagawin ko ang lahat para lang gumaling si Papa. Siya nalang ang natitira saakin.
"Ganon ka kadesperadong gumaling siya?" Tanong niya na ikinatango ko.
"Ikaw na ang bahala sa Papa ko" Usal ko. "Pinagkakatiwala ko sayo ang buhay ng Tatay ko. Wag mo sana akong biguin" Usal ko at napatingin sakanya. Tipid itong ngumiti at tumango.
Napabuga ako ng hininga.
"By the way" Usal niya. "Anong nangyari sa braso mo?" Tanong niya habang nakatingin sa braso ko. Itinago ko iyon sa likuran ko at napangiti ng hilaw.
Namamaga ito at hindi ko masyadong maigalaw, May pasa pa iyong mangitim ngitim. Mababagsakan na sana ako ng naglalakihang mga bakal buti nalang naharang ko itong braso ko, Kung hindi panay bukol na ang mukha ko.
YOU ARE READING
A time to heal |ON GOING|
FanfictionSa mundong puno ng kamalasan, may isang napakaswerteng darating na hindi natin inaasahan. Hadley Brezyla Fortandale, napakagandang dalaga ngunit kabaligtaran ng kanyang pinagdadaanan sa buhay. Pinagbagsakan ng langit at lupa. Napakalalim ng sugat n...