Chapter 8
Linggo ngayon at naisipan kong magsimba bilang pasasalamat na rin sa mga blessings na natatanggap ko.
Hapon na at day off ko ngayon sa mga trabaho ko, baka mamatay ako ng wala sa oras pag pinilit ko ang katawan ko na magtrabaho nang magtrabaho.
Nagsuot lang ako ng simpleng white dress na binigay sa akin ni Donya Tenya, simple man ang dress na ito yun naman ang kabaligtaran ng presyo. Tinernuhan ko na lang yun ng sandals na color black. Nagtataka nga ako ang puti ng balat ko, sabi naman sa akin ni mama nilihi niya daw ako sa lugaw.
Nasa simbahan na ako at eksakto nung dumating ako ay magsisimula pa lang ang misa. Nang makahanap ako ng upuan ay umupo na agad ako.
"How's life?" Napatingin ako sa nagsalita at nabigla ako ng makita si Cresthor. Kailan pa siya nandito sa tabi ko?
"It looks like you didn't notice me, bigla ka na lang umupo paano kung may nakareserved na diyan?" Nagulat ako sa sinabi niya at akmang tatayo na ng hinawakan niya ang braso ko.
"Stay." Tarantado ito ginawa pa siguro akong aso.
"M-May nakareserved na siguro dito, hahanap na lang—" di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi ang galing niya pumutol ng sasabihin ko sa totoo lang.
"I said stay. Di naman kita sasabihan magstay kung may nakareserved talaga diyan, what I'm just saying is what if may nakareserved lang diyan, di ko sinabing meron." Oo na, bwiset na nilalang pero bakit ang gwapo?
Nasa kalagitnaan na ang misa at katabi ko pa rin siya hanggang ngayon, nabawasan na rin naman yung pagkailang ko sa kanya, pero slight lang mga 5% ganun.
Nang tumunog ang 'Ama Namin' ay ipinosisyon ko ang mga kamay ko at nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Tamang-tama lang ang kamay niya sa kamay ko, maugat ang kamay niya at di ko maiwasan di mapatingin sa kanya seryoso lang siya kaya binalik ko na lang ang tingin ko sa unahan.
Nang matapos ang tugtog ay binitawan niya na ang kamay ko, bakit ayaw ko pang bitawan niya ang kamay ko? Juice colored Hadley umayos ka!
Nang mag peace be with you na ay haharapin ko na sana siya para sabihan ng 'peace be with you' ng biglang hinalikan niya ang pisngi ko at bumulong sa tenga ko, "Peace be with you." Nasa simbahan tayo Cresthor ang landi mo naman, gusto ko yun sabihin pero parang naumid ang dila ko.
Napansin niya yata na pumula ang pisngi ko bago siya magsalita, di ko alam imbes na mabwiset ako mukhang nililinlang ako ng isip ko kasi ang hot at gwapo niya talaga.
"Wag ka mag-alala, nasanay kasi ako na gawin yun sa mga kamag-anak ko, well except for the boys." At tumingin na ulit sa unahan.
Nang matapos ang misa ay magpapaalam na sana ako sa kanya ng bigla niya akong kinausap.
"Would you mind having a snack for a while? My treat. Sasama ka o sasama ka?" As if naman na may choice ako, mukhang magkaparehas lang naman yung tanong.
Akala ko magaabang kami ng masasakyan pero ang tanga ko pala kasi mayaman pala ito. Di ko alam kung anong brand ng kotse ito pero sa nakikita ko ay ang ganda talaga, di na ako magtatanong kung magkano pagkabili niya dito baka himatayin pa ako.
Pinagbuksan niya naman ako at pumasok naman ako. Sinarado niya na ang pintuan at umikot na para sumakay sa driver's seat.
"Saan mo gusto kumain?" Tumingin ako sa kanya at ng makitang nakatingin din siya sa akin ay umiwas ako ng tingin saka nagsalita.
"Ikaw bahala, ikaw magbabayad sabi mo." Napailing na lang siya at nagsmirk. Ang hot talaga letsugas na lalaki ito.
Pinaandar niya na ang engine at tinahak na ang daan.
YOU ARE READING
A time to heal |ON GOING|
FanfictionSa mundong puno ng kamalasan, may isang napakaswerteng darating na hindi natin inaasahan. Hadley Brezyla Fortandale, napakagandang dalaga ngunit kabaligtaran ng kanyang pinagdadaanan sa buhay. Pinagbagsakan ng langit at lupa. Napakalalim ng sugat n...