Chapter 4
Nagising ako ng may kumatok ng marahan sa pinto, ngayon ko lang napagtanto na nakatulog na pala ako sa matinding pag-iisip.
Agad naman pumasok ang Doktor na nag-aasikaso kay papa at kahit anong gawin ko ay nagugulo ang buong sistema ko sa tuwing nakikita siya. Parang gusto ko batukan na lang ang sarili ko at magpalamon sa lupa, sino ba naman hindi mahihiya non na halos buong katawan ko na ay ilahad ko na sa kanya.
Kahit anong anggulo tignan ang doktor na ito e di ko maipagkakaila na saksakan ito ng gwapo, sino ba naman di maaakit sa puno ng emosyon at mapanganib na abong mga mata nito, matangkad din ito, hanggang leeg niya lang ang tangkad ko, sa tingin ko tama lang naman ang height ko. Maputi rin ang balat ngunit katamtaman lang, maitim na buhok na mukhang alagang-alaga ng mamahaling brand na shampoo, napakaaliwalas din ng mukha, may makapal din itong kilay, matangos na ilong, di ko alam kung ano pa ang nananalatay sa dugo nito at di ko maipagkakaila na ang ganda ng mga labi nito, sarap halikan—— ok that's enough iba na ang tumatakbo sa isip ko.
Ang hot na doktor naman nito. Sa una di mapagkakamalan na doktor e. I wonder if ano pa nga ba yung mga pinagkakaabalahan niya, kung may girlfriend ba siya, kung may girlfriend siya di niya hahayaan na ganun mangyari sa kanya kagabi—— teka nga lang, bakit nga ba ako bigla naging interesado sa kanya? Aish hindi ka interesado self marami lang bumabagabag sa utak mo, yun tumpak.
"Miss nakikinig ka ba?" Agad naman akong nabuhusan ng yelo sa mukha dahil nakatitig na pala ako sa kanya.
"A-ah eh doc ano po yun?" Iwinaksi ko na lang sa isip ko ang nangyari dahil di ko rin alam kung anong iniisip nito sa ngayon.
"Malala na ang lagay ng pa—"
"Sinabi mo na yan kahapon sa
akin—" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay bigla niya na itong pinutol."Ngunit hindi katulad ng sitwasyon niya kahapon, habang patagal ng patagal mas nahihirapan ang pasyente" gusto ng lumabas ng luha sa mata ko pero kailangan kong pigilan.
"Bakit hindi niyo na simulan ang pagoopera sa tatay ko?" Sa mga oras na ito hindi ko iniisip ang bayarin dahil handa kong gawin ano pang trabaho, kahit pa tagabuhat ng semento mailigtas ko lang ang tatay ko.
"Alam mong hindi yun ganon kadali at nakausap ko na ang tatay mo regarding this case, he asked me kung may paraan pa raw maliban sa pagoopera, sabi ko septal myectomy lang posibleng solution, it is a type of open-heart surgery for hypertrophic cardiomyopathy (thick heart muscle) and it decreases symptoms of the condition. Specific risks may include: infection; irregular heart rhythm, such as ventricular arrhythmia; chest pain or angina; heart attack, stroke or death. Special precautions are taken to reduce these very low risks. Kaso di pumapayag ang papa mo dahil ayaw daw niya mahirapan ang anak niya." Doon na ako napatingin kay papa at mahimbing pa rin itong natutulog, di ko maintindihan bakit ayaw niya magpaopera kung pera ang iniisip niya kaya kong gumawa ng paraan.
"Please do everything you can doc, nagmamakaawa ako." And for the third time, nagmakaawa nanaman ako. Ayaw ko sumuko gusto ko magpatuloy.
"I will but don't expect too much, I'll do my best as a cardiologist to save your father." Di ko naiwasan bigyan siya ng ngiti, pinigilan ko rin lumuha.
"Maraming salamat." Tumango naman siya at lumabas na sa pinto. Doon ko lang naramdaman ang gutom kaya lumabas muna ako ng kwarto para bumili ng makakain dito sa hospital.
Nakaupo ako habang naghihintay matapos ang 3 mins para makakain na ng cup noodles na binili ko. Habang nakaupo ay di ko maiwasan bumagsak ang luha ko sa dami ng problema ko, wala akong sinisisi dito kundi ang sarili ko dahil nagiging mahina nanaman ako.
YOU ARE READING
A time to heal |ON GOING|
FanfictionSa mundong puno ng kamalasan, may isang napakaswerteng darating na hindi natin inaasahan. Hadley Brezyla Fortandale, napakagandang dalaga ngunit kabaligtaran ng kanyang pinagdadaanan sa buhay. Pinagbagsakan ng langit at lupa. Napakalalim ng sugat n...