Chapter 3
Gusto kong umatras sa nakikita ko, gusto kong tumakbo palabas sa lugar na 'to. Gusto kong magtago at magkulong.
Sandaling tumigil si Anthésha sa ginagawa niya at lumapit saakin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila palapit sakanila. Bumilis ang paghinga ko at halos sumabog na ang dibdib ko.
Napatingin ako sa naturang Doctor na kasalukuyang naka sandal sa sofa at taas kilay akong pinagmamasdan, Marahil ay nagtataka siya kung anong ginagawa ko dito.
"Guys! This is Hadley. Bago naming mananayaw." pakilala saakin ni Anthésha sa limang kalalakihan na nasa harapan ko.
Lahat sila ay halos naka polong puti na nakatupi sa siko maliban nalang sa isang lalakeng naka casual attire.
"So Ms.Hadley what's your specialty?" Tanong ng lalaking medyo may pagka chinito ang mata. Napatingin ako kay Anthésha, sinesensyasan niya akong sagutin ang tanong ng costumer.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang ngumiti, Sinigurado ko na sa bawat ngiting bibitawan ko ay mahuhulog sila sa patibong ko.
"Anything Sir" Mapang-akit kong usal at nginitian sila isa-isa, Kahit pa ang Doctor na nag aasikaso sa Papa ko.
"Oh? Interesting" Ngisi naman ng isa na sa tingin ko ay Purong pilipino, may makakapal itong kilay at may morenong balat, siya ang may pinakamalaking katawan sakanila.
To be honest gusto ko na talagang umalis dito, kung di lang kailangan ni Papa ng pera.
"I like her guts" Natatawang usal ng lalakeng chinito. Hindi naman as in chinito.
"So sino ang may gustong sumubok sakanya?" Tanong ni Anthésha na ikinatingin ko sakanya. Balak niga ba talaga akong ibenta?
Nagtinginan ang apat na lalake maliban sa Doctor na nakatingin saakin, pakiramdam ko nakikita na niya ang kaluluwa ko sa pantiti-titig niya saakin.
"Ako" Natahimik ang iba ng magsalita siya, maging ako ay kinabahan at pinapawisan.
"Woah? Is this freaking true?" Natatawang usal ng Chintong lalaki.
"Anong nakain mo? Nakakain kaba ng lugaw sa hospital niyo?" Asar pa ng lalaking may bruskong pangangatawan.
Nag dekwatro ang lalaking Doctor at tsaka kumurba ang nakakalokong ngisi sakanyang labi.
Napaatras ako ngunit nahawakan ni Anthésha ang kamay ko.
"Wag ka ng mag reklamo, sa tingin ko naman ay siya ang pinakamatino sakanilang lahat" bulong ni Anthésha saakin.
Oo matino siyang tignan pag naka suot ng doctor's coat, pero dito? Ibang iba ang itsura niya.
Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga. Para sa Papa ko.
"Are you sure Sir?" Nakangiting tanong ko na ikinahiyaw ng mga kasamahan niya.
"Bro hinahamon ka ata" natatawang usal ng Chinto. Tumaas ang isang kilay ng Doctor at ngumisi.
"Pumunta ka na doon" bulong ni Anthésha saakin. Napatingin ako kay Anthésha na ngunitian lang ako bilang pangchi-cheer. Muli akong bumuntong hininga.
Lumapit ako kung saan nakaupo ang lalaking Doctor, Nakakalas ang dalawang botones ng pulo niya kaya lumilitaw ang kanyang dibdib.
Nagpatuloy naman si Anthésha sa pagsayaw sa harapan ng mga kasamahan ng lalaking Doctor.
"Take a sit, hindi naman kita kakagatin." Halata sa boses ng Doctor ang pagiging sarkastiko. Gusto ko siyang sapakin.
Umupo ako sa tabi niya, Hindi ko alam kung paano sisimulan. Should i touch his chest? Should i seduce him?
YOU ARE READING
A time to heal |ON GOING|
FanfictionSa mundong puno ng kamalasan, may isang napakaswerteng darating na hindi natin inaasahan. Hadley Brezyla Fortandale, napakagandang dalaga ngunit kabaligtaran ng kanyang pinagdadaanan sa buhay. Pinagbagsakan ng langit at lupa. Napakalalim ng sugat n...