JoNa POV
Hello guys, my name is binibining Jona.
(binibini kaba, para ka kayang lalaki haha.)- Ms. A.
Shut up Ms. A 'di ka kasali dito moment ko 'to hmmp.
(Tanggalin kaya kita, buwahahaha.)- Ms. A.
Ito naman di mabiro. Sige na Ms. A later na lang. (OK)
"Nakakaboring naman dito." reklamo nito.
Wala kasi s'ya magawa sa bahay nila. Nasa kwarto ito at nakahiga habang nagi-fb. Nang mainip ito ay nagtungo ito sa banyo para maligo muna.
After 50 minutes, matagal talaga ito maligo.
"Sa sobrang init napaligo tuloy ng wala sa oras. Nakakastress ang init." Reklamo nito.
Nagtext s'ya sa kaibigan nitong si Rhea para magkita sila sa mall.
Suot n'ya ngayon ang paborito nitong floral dress, with matching pink lipstick at floral doll shoes.
"Ayiiee I'm so excited." Nasasabik nitong sabi habang nakaharap sa salamin.
Napagdesisyunan kasi nilang pumuntang mall. Wala kasi siyang magawa ngayong linggo sa bahay nila.
"Makagala na lamang at walang magawa sa bahay sobrang nakakabagot." Sabi nito sa sarili.
Pumara na s'ya ng masasakyang at agad na sumakay pagkahinto nito. Nagiwan nalamang s'ya ng sulat na aalis ito kasama ang kaibigan.
Siguradong nagiintay na ang kaibigan nitong mainipin.
"Napagdesisyunan ko kasing makipagkita sa aking bf(best friend) kala nyo boyfriend noh! Wala akong boyfriend best friend meron." 'Usap nito sa isipan.
Saka wala namang magkakagusto sa akin sa itsura kong to, madaming pimples, peklat at ang itim-itim ko pa.
Buti na lang nandyan ang bff ko tanggap nya kung ano ako kahit ano ang itsura ko.
Ilang minuto rin ng makarating na ang sinasakyan ni Jona sa tapat ng mall. Papasok na sana ako ng biglang may nabangga ako at tila nasaktan sa pagkakaupo nito.
"Naku manang, pasensya na po kayo, 'di ko po kayo napansin." hinging paumanhin nito.
May nabangga kasi syang matandang pulubi at napaupo sa sahig. Tinulangan n'ya itong tumayo.
"Wala iyon ineng, kasalanan ko at pahara-hara ako sa daanan. Nais ko lamang kasi manlimos para may pangkain." banggit nito.
"Naku, para di na po kayo manlimos at napakainit pa, bibigyan ko na lamang po kayo ng pera pambili po ninyo ng pagkain." sabi nito at may kinuha sa kanyang pitaka.
Binigyan na lamang n'ya ng isang libo para di na ito mamalimos pa, naaawa kasi s'ya rito.
"Naku! Nakakahiya naman sa'yo pero salamat narin napakalaking halaga nito, para makabili ako nang pangkain ko." Nagagalak nitong sabi.
Agad rin nitong tinanggap ang binigay ni Jona. Habang inaayos nito ang kanyang bag para ibalik ang kanyang pitaka.
Napansin n'ya na may hinahanap ito sa dalang supot at paglipas ng ilang segundo may inalabas itong itim na lalagyan ng lipstick.
"Oh, ineng kapalit ko sa grasyang binigay mo sa akin." abot nito sa kanya
"Naku manang, 'di napo marami na kasi akong lipsticks, 'di rin po kasi ako mahilig sa itim na lipstick." tanggi nito sa alok ng ma
"Kahit ipang display mo lang, saka ineng oras na gamitin mo ang black lipstick na ito, magbabago ang buhay mo." pagpupumilit nito.
At dahil mali-late na s'ya sa pagkikita nila ng kaibigan n'ya, tinanggap na lamang n'ya ito.
"A-ah, sige po manang mahuhuli na po kasi ako kaya tatanggapin ko na lamang po." sabi ko rito.
Hindi n'ya masyado narinig ang huli nitong sinabi habang sinusulyapan ang orasan sa kanyang cellphone.
"Salamat ineng." sabi nito ngunit ng tignan n'ya ang matanda ay bigla itong nawala sa kanyang harapan.
"Luh, nasaan na 'yon? Hala nagtext na si rhea patay ako nito." Sabi nito habang nakatingin sa orasan.
Dali-dali nyang nilagay sa kanyang sling bag ang black lipstick at agad na pumasok sa mall upang puntahan ang naiinip nyang kaibigan na si Rhea.
Dedicated to @sailor_moon1430
Hello Guy's pa follow naman po and vote na rin po pls. Pretty, pretty plsss! Comment din po kayo kung Anong reaction nyo po hehe Love lot's - Author's note
BINABASA MO ANG
BLACK LIPSTICK
Mystery / ThrillerMay isang magandang babae este mabait na dalaga, na gustong gumanda at matagpuan ang kanyang true love. Ngunit nang dahil sa isang matandang pulubi o sabihin na nating nagpapanggap na pulubi ang babago ng kanyang buhay. Subaybayan natin ang pagbabag...