Kasalukuyan silang nasa comfort room (cr) at magkaharap na tila nagtatanong ang mga mata. Tinitigan ng mabuti ni Rhea ang kaharap ng nakakunot ang noo.
"Hmm? Kung pumuti nga si Jona at walang kahit anong tagyawat at peklat sa mukha magiging kahawig mo nga s'ya. Grabe para nga kayong kambal eh." Sabi nito tinitigan at inikutan ang kausap.
"Ako nga ito si Jonalyn! Saka tumigil ka nga sa kakaikot mo nakakaliyo ka na e." Sagot nito at pinatigil si Rhea.
"Eh! Paano ka nga magiging si Jonalyn. Ang puti-puti mo at ang kinis mo pa! Ang ganda mo kaya." Hanga nito ngunit nababakas pa rin ang pagtataka.
"Hindi ko nga alam e. Basta nu'ng nilagay ko ang black lipstick na bigay ng matanda, unti-unting nagbago ang itsura ko." Mahabang paliwanag nito.
"Weeeh, naka drug's ka ba o lasing ka at kung ano-ano na lang sinasabi mo miss." 'Di pa rin ito makapaniwala.
Nang 'di pa rin naniniwala si Rhea ay kinuha nito ang bag at binuksan. Kinuha nito ang lipstick na nasa loob at ipinakita kay Rhea.
"Itong lipstick, 'di ba ginamit mo 'to kahapon pero nagkasugat 'ung labi mo!" Pakita nito sa kausap at ipapahid sana kay Rhea.
"Teka, teka lang naman 'wag mo ipapahid sa akin 'yan. Kinikilabutan ako. May ganyan din si Jona. Saka paano mo nalaman na iyan nga 'un dahilan." Pagiwas nito sa bagay na nasa harap.
"Okay! Tignan mo na lamang ang gagawin ko." Sabi nito.
Tinanggal ni Jona ang black lipstick na nasa labi gamit ang tissue. Lumakas ang ihip ng hangin sa loob ng cr, pero nagtaka si Rhea.
Paano magkakahangin sa loob ng banyo kung gayong nakasara naman ang bintana nito at patay ang aircon. Dahil pinapaayos pa ito. Kaya muli nyang tinignan si Jona, na nakatalikod sa kanya at nakaharap sa salamin.
Nagbago ang anyo ni Jona at nagkaroon muli ng maraming tagyawat at peklat sa mukha. Umitim rin ang kanyang balat. Laking gulat ni Rhea na naging si Jona ang babaeng maganda at makinis na kaharap n'ya kanina.
Nakaharap ito sa salamin. Nakikita ni Jonalyn ang pagkagulat at pagtataka ng kaibigan.
Ngayon nakaharap na ito sa kaibigan at ganoon pa rin ang itsura nito.
"P-paanong? Jonalyn, ikaw ba talaga 'yan?" Gulat at pagkahanga nito.
"Oh, sabi ko naman sa'yo. Totoo 'ung sinasabi ko sa'yo kanina pa. Ayaw mo lang maniwala." Sabi nito kay Rhea.
"Pero paanong nangyari 'un bes? Ano ba meron sa lipstick na yan at may magic?" Tanong nito kay Jona.
May kumatok sa banyo dahil nilock nila ito para walang makarinig sa paguusap nila. Agad na pumasok si Jonalyn sa isa sa mga cubicle at naglock ng pinto.
Binuksan naman ni Rhea ang pinto ng cr para papasukin ang kung sinumang na sa kabilang pinto.
Pumasok ang isang studyante at saglit na sumulyap ito kay Rhea. Ng tinaasan n'ya ito ng kilay ay mabilis itong naglakad at nagtungo sa pangatlong cubicle.
Samantala, si Jonalyn naman ay nilabas ang cellphone at tinext si Rhea kung sino ang pumasok. Dahil kanina pa s'ya sa loob ay nagbawas muna ito.
Mga ilang minuto nagvibrate ang cellphone nito. Tinignan nyang si Rhea pala ito. Sinabi nitong wala nang tao.
Lumabas na si Jonalyn at nakita nyang kanina pang naiinip si Rhea. Nag-usp sila at nagtanungan.
"Bes rhea, ano na gagawin ko. Gamitin ko na lang kaya. Minsan lang naman sa buhay ko 'to." Nasasabik na sabi nito.
"Naku Jona! Baka kung anong kapalit n'yan at mapahamak ka pa." Pagsuway nito sa kaibigan.
"Hindi naman ako mapapahamak e. Kung 'di mo rin ipagsasabi. Ayaw mo bang maranasan kong gumanda rin naman." Sagot naman nito sa kausap na nakaungot.
"Ay, s'ya bahala ka. Basta pinagsabihan na kita." Pagsuko rin nito.
Sa sobrang tuwa ni Jonalyn ay napayakap na lamang ito sa kaibigan.
"Pero paano ka magpapakilala sa kanila? Hindi mo naman pwedeng gamitin yan at magpakilala na ikaw 'yan gamit ang ibang katauhan." Pagtatanong nito.
"He he, ako ng bahala doon. Salamat bes ah!" Natutuwa nitong sabi.
Narinig nilang nag bell na para sa susunod na subject. Kaya agad silang lumabas at nagtungo na sa kanilang room.
HAERONHERC maraming salamat po pala sa cover photo na bigay nyo 💕
BINABASA MO ANG
BLACK LIPSTICK
Mystery / ThrillerMay isang magandang babae este mabait na dalaga, na gustong gumanda at matagpuan ang kanyang true love. Ngunit nang dahil sa isang matandang pulubi o sabihin na nating nagpapanggap na pulubi ang babago ng kanyang buhay. Subaybayan natin ang pagbabag...