Pagkalabas ng banyo ay nagbihis na ang dalaga at nagaayos ng sarili. May kumatok muli at nagsalita mula sa labas ng pinto.
"Nak, aalis na kami ihahatid ko lang ang kapatid mo. May nakahanda ng almusal at baon sa lamesa." sabi ng kanyang ina.
"Sige po ma! Salamat po." sagot naman nito.
"Sige, mauna na kami sayo at umuwi ka ng maaga." paalam nito.
Nang makaalis ang kanyang ina at kapatid ay kinuha nito ang kanyang bag at kinuha ang suklay mula sa bag.
Habang nagsusuklay si Jona at inaayos ang gamit sa bag na nasa kanyang kama ay mayroon syang nasipa na bagay.
Kaya kanya itong tinignan at pagsilip sa ilalim ng kama, nakita n'ya ang black lipstick na binigay sa kanya ng matanda.
Kinuha n'ya ito at may kakaiba syang naramdaman para bang inaakit s'ya nito. Mabilis ang tibok ng kanyang dibdib, 'di n'ya mawari kung bakit.
Binuksan ito ni Jona at napakaganda nitong tignan para sa mga mata n'ya.
"Ang ganda pala nito! Bakit hindi ko kaya subukan?" bulong nito sa sarili.
Tumayo s'ya sa kanyang kama at unti-unting lumapit sa harap ng salamin. Makikita rito ang mukha nyang punong-puno ng tagyawat, peklat at maitim nitong balat.
Na kung titignan ng ibang tao ay pandidirian ito. Itinaas n'ya ang kanyang kanang kamay na hawak ang black lipstick.
Mabilis ang tibok ng dibdib. Lumakas ang ihip ng hangin ngunit hindi ito pinansin ni Jona. Tinapat n'ya ito sa kanyang labi at dahan-dahang nyang nilagyan ng kulay.
"Ang gandang tignan! Bagay pala sa akin?" Natutuwa nitong sabi sa sarili.
Umikot-ikot ito sa harap ng salamin. Hindi nito napansin na unti-unting nagiiba ang kanyang kulay sa balat. Tumigil s'ya at muling sumulyap sa salamin.
Ang nakangiti nitong labi ay biglang napalitan ng gulat. Nakita nyang nagbago ng kulay ng kanyang balat at buong katawan naging maputi at makinis.
Lumapit s'ya sa salamin at tinignan ang kanyang mukha. Mas lalo syang nagulat dahil ang mga tagyawat sa kanyang mukha ay sunod-sunod na naglaho na parang bula.
Nang tumunog ang alarm nito ay 'di na n'ya inusisa pa ang kanyang sarili at ang hiwagang nangyayari sa kanya.
"Waaah! Late na ako." Nagsisisigaw nitong sabi.
Inilagay na nito ang lahat ng gamit n'ya sa bag kasama na rin ang black lipstick.
Dali-dali syang lumabas sa kanyang kwarto at agad nagtungo sa lamesa para kunin ang kanyang baon. Hindi na n'ya ginalaw pa ang kanyang almusal at lumabas na ng bahay nila.
Pagkalabas nito agad nyang kinuha ang kanyang bisikleta na kagagawa pa lamang nu'ng isang araw, dahil pinagtripan ng kanyang mga kaklaseng lalaki.
Agad syang sumakay sa kanyang bike at habang nagpipedal ay 'di n'ya pansin na lahat ng madaanan n'ya ay lumilingon sa kanya.
Ang iba ay nagkakabungguan dahil sa kakalingon sa kanya. Ang iba naman na ay inaaway ng kanilang syotang selosa.
Nang makarating s'ya sa harap ng gate ng kanilang eskwelahan ay nagbubulungan ang mga studyanteng madaanan n'ya at makakita sa kanya.
"Sino kaya 'yan? Ang ganda naman n'ya." Girl 1.
"Bagong transfer siguro. Tsk!" Girl 2.
"Hoy pre, Chicks! Ganda naman!" Boy 1.
"Saan kaya syang section? Sana sa atin s'ya." Boy 2.
Lahat ng madaanan ni Jona ay nagbubulungan at humahanga sa taglay nyang ganda ngayon. Napayuko na lamang ito sa hiya.
Ng makita n'ya si Rhea na papunta sa kanilang room ay agad n'ya itong pinuntahan.
"Bes! Kailangan kitang makausap." bulong nito sa kaibigan.
"Sorry miss, hindi kita kilala." taka nitong sa kausap at dahil sa tinawag syang bes.
"Sa maniwala ka't hindi si Jonalyn 'to. May kailangan akong sabihin sa iyo. Pls." Sabi nito at 'di mapakali dahil pinagtitinginan sila.
"Ano? Ikaw si Jo-." natigil ang pagsigaw nito.
Agad na tinakpan ni Jona ang bibig ni Rhea bago pa man ito maisigaw ang pangalan n'ya.
"Hindi ako naniniwala. Sigurado ka ba, wala ka bang lagnat miss?" Biro nitong sabi.
"Sumama ka na lang sa akin ng malaman mo." Pagyayaya nito.
"Oo na, pero malalate na ako or tayo?" Sabi nito.
Agad silang nagtungo sa cr para magusap sa kung ano mang kababalaghang nangyayari kay Jona.
BINABASA MO ANG
BLACK LIPSTICK
Mystery / ThrillerMay isang magandang babae este mabait na dalaga, na gustong gumanda at matagpuan ang kanyang true love. Ngunit nang dahil sa isang matandang pulubi o sabihin na nating nagpapanggap na pulubi ang babago ng kanyang buhay. Subaybayan natin ang pagbabag...