JONA POV
Nakauwi na si Jona at nagpaalam na ito sa driver ni Rhea.
"Maraming salamat po Kuya Greg sa paghatid." Pagpapasalamat nito.
"Walang anuman po iyon ma'am, mauna na po ako." Tugon nito sa dalaga.
"Sige po, mag-iingat po kayo." Paalam nito.
Inistart na ni Mang Greg ang sasakyan at umalis na. Papasok na sana si jona sa loob ng bahay nila ng bigla itong lumingon sa kalsada. Pakiramdam nito may nakamasid sa kanya, ngunit wala naman syang nakikita roon na kung sinuman.
"Hay! Pagod lang siguro ako kung ano -ano na naiisip ko. Makapasok na nga."pagpapagaan nito sa kanyang sarili.
Pumasok na ito sa loob at ni-lock ang pinto. Tahimik na sa bahay nila at dumiritso na ito sa kanyang kwarto. Kinapa nito ang kanyang bag para hanapin ang cellphone nito.
Nang makapa na nya ay agad n'ya itong inangat ng may naisabay s'ya sa pagkuha at nalaglag sa sahig. Di na lang n'ya ito pinansin at tinext na ang kaibigan, para ipaalam na nakauwi na s'ya.
"Bes, salamat pala ulit, nakauwi na ako. Goodnight 😇." Text nito sa kaibigan sabay ng paghikab.
Sa sobrang pagod at antok, hindi na n'ya namalayan ang pagtunog ng kanyang cellphone. Nakadapa itong nakatulog sa kama at tuluyan ng naktulog.
Sa isang banda, nakatingin ang isang matandang babae sa bahay nina jona at nakatingin sa bintana kung saan, mahimbing na natutulog ang isang dalaga.
Tila nagtatago sa kadiliman at may malapad na ngisi sa kanyang labi, umihip ang malakas na hangin at bigla na lamang itong naglaho na parang bula.
Kinabukasan.
Sunod-sunod na katok ang nagpagising kay jona, agad itong bumangon at dali-daling tumayo, ngunit hindi nito namalayan ang bagay na nasa sahig.
Pagkaapak nito sa sahig upang buksan ang pinto ay naapakan nito ang bagay, na nasa sa sahig at agad itong natumba.
"Aray! Ano ba 'yun naapakan ko? Ang sakit!" reklamo nito.
"Jonalyn, buksan mo ang pinto. Saka ano ba 'yun narinig kong kalabog ha? Kanina pa ako rito katok ng katok. Gumising ka na at malalate ka ng bata ka." sabi ng nasa kabilang pinto.
"Opo andyan na po." Sabi nito.
Agad na tumayo si Jona mula sa pagkakasalampak sa sahig at binuksan ang pintuan. Iniluwa nito ang kanyang ina. Makikita rito ang pagkabagot at pagkainis.
"Bakit ba ang tagal mong buksan ang pinto? Saka ano young narinig ko parang may bumagsak?" Agad noting tanong pagkapasok sa loob ng kwarto.
"Ma, sino ba naman kasi ang 'di magugulat sa katok nyo? Ayan tuloy may naapakan ako at natumba. Ang sakit tuloy ng puwetan ko huhu." Paliwanag nito sa ina habang hawak ang nasaktan nitong katawan.
"Ay, gan'un ba? Pasensya na anak, eh kanina pa ako sa labas ng kwarto mo may kukunin kasi ako madali. Saka late ka na kaya, ikaw talaga naglakwatsa ka pa kasi kagabi." Paglalambing nito sa anak. Ngumuso lamang si Jona.
S'ya si Aling Lorna ang nanay ni Jonalyn. May dalawa itong anak si Jonalyn at si Jayson Minsan talaga masukit ito, minsan mabait. Mas close sila ng panganay nitong anak na si Jona.
Nang makuha na ni Aling Lorna ang kailangan sa kwarto ng anak ay nagpaalam na ito at pinagsabihan.
"Sige na, magbihis ka na. Ihahatid ko pa ang kapatid mo." Sabi nito sa anak.
"Opo ma!" Sagot naman nito sa ina.
Bago tuluyang isara ni Aling Lorna ang pintuan ay sumilip pa muna ito at may sinabi sa anak ng nakangisi.
"Jona, umuwi ng maaga ha. Baka mang-stalk ka pa." Pahabol nito.
Makikita mo rito ang mapangasar na ngiti.
"Ma, sino ba naman ini-stalk ko? Wala naman eh! Saka uuwi po ako ng maaga." inis nyang sabi sa ina.
"Ay sus! Oo na lang haha!" Sagot nito sabay sara ng pinto.
Naiwan si Jonalyn na may ngiti sa labi at pailing-iling. Nagtungo na ito sa banyo para maligo na.
BINABASA MO ANG
BLACK LIPSTICK
Mystery / ThrillerMay isang magandang babae este mabait na dalaga, na gustong gumanda at matagpuan ang kanyang true love. Ngunit nang dahil sa isang matandang pulubi o sabihin na nating nagpapanggap na pulubi ang babago ng kanyang buhay. Subaybayan natin ang pagbabag...