BLACK LIPSTICK 9

12 4 0
                                    

RHEA POV


Hindi lubos maisip ni Rhea kung paano s'ya nagkaroon ng sugat. Ganoong wala naman ito kanina.


Nagtataka talaga s'ya. Iba ang pakiramdam n'ya sa black lipstick na ibinalik n'ya kay Jona. Binaliwala na lamang n'ya ito.


"Ah, Jona ito pala dinalhan kita ng maiinom." Alok nito sa kaibigan.


"Ah, sige salamat friend." Pagpapasalamat naman ng isa.


Napansin ni Rhea na nakatingin si Jona sa kanya na may pagtataka at  sa labi n'ya. Kaya agad syang ngumiti rito.


"Kung iniisip mo ang labi ko, ok lang ako gagamutin ko na lang mamaya." Sabi nito sa kaibigan.


Makalipas ng ilang minuto ay nagyaya ng umuwi si Jona.


"Bes, kailangan ko na palang umuwi. Baka hinahanap na ako sa amin." Pamamaalam nito sabay tingin sa wall clock.


"Ah, gan'un ba? Sige ipapahatid na lang kita sa inyo. Manong Greg!" Sabi nito at tinawag ang driver nila.


Lumabas na sila at hinintay ni Rhea na makasakay si Jona sa sasakyan. Pagkasakay nito sumilip si Jona sa bintana ng sasakyan.


"Bes, text na lang kita pag nakauwi na ako ha! Salamat at magandang gabi sa'yo. Paalam." Sabi nito sabay kaway sa dalaga.


"Oo, hintayin ko na lang ang text mo, mag-iingat kayo. Paalam!" Pagkaway rin nito.


Isinara na ni Jona ang bintana ng kotse at umandar na ito paalis. Pumasok na s'ya sa loob ng bahay nila, ngunit bago n'ya ito isara ay may napansin syang babae sa labas. Sa wari nya'y matandang babae ito at nakatingin sa direksyon na dinaanan ng sinasakyan nila Jona.


"Sino kaya 'yun? Ang weird naman nu'n, nakaitim lahat ng suot. Wala naman akong nabalitaang may burol." Pagtataka nito habang nakatingin sa matanda.


Bigla itong lumingon sa gawi n'ya. Kakaiba ang titig nito, lumakas ang ihip ng hangin. Natakot s'ya sa tingin ng matanda kaya't agad nyang isinara ang pinto at nilock.

BLACK LIPSTICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon