Pagkarating sa room nila ay wala pa roon ang kanilang guro. Naunang pumasok si Rhea at nahuli si Jonalyn.
Pagpasok ni Jonalyn ay pinagbabato ito na mga papel na bola, na ginawa ng iba nitong kaklase na pinangungunahan ni Shayne.
"Ano ba! Tama na, Parang awa n'yo na." Pagmamakaawa nito sa kanila.
"Sige, batuhin n'yo pa. Hahahaha." Natatawa nitong utos sa mga kaklase.
"Hoy! Ano ba itigil n'yo nga 'yan!" Pagsuway ni Rhea sa mga kaklase nito.
Agad itong lumapit kay Jonalyn para alalayan tumayo at pinaupo sa kanyang upuan. Napaupo kasi ito dahil sa dami ng binabato sa kanya ay 'di n'ya na nakita ang dinaraanan nito, at tinapid s'ya.
Hindi natapos ang kanilang katuwaan ng dahil sa may pumasok sa room at nagsisigaw.
"Malapit ng dumating si ma'am!" Sigaw nito.
Inutusan kasi ito ni Shayne na maging look out sa labas. Para matuloy ang binabalak nila kay Jonalyn.
Dali-dali nilang pinulot ang mga papel na bola at itinago muli sa isang lalagyan. Araw-araw ganito ang kanilang ginagawa.
Masamang tinignan ni Shayne si Jonalyn at napalitan ng ngisi. Tila ba'y may binabalak muli.
Balak kasi nitong gumanti dahil ng nangyari sa mall. Marami pa itong binabalak na masama kay Jonalyn at may naiisip na naman itong masamang gawin.
Makalipas ng ilang oras na nilagi nila sa eskwelahan. Ang mga kaibigan at kaklase ni Shayne ay naunang lumabas ng room nila. Bago si Shayne tuluyang makalabas ay tinignan n'ya muna si Jonalyn. At kanya itong inirapan.
Nagpaiwan ang dalawang magkaibigan sa room para magusap muli.
"Hoy Jonalyn, ano ng plano mo d'yan sa black lipstick na yan?" Tanong nito sa kaibigan.
"Basta ako ng bahala. Saka poproblemahin ko pa pagtakas ko kay Shayne." Sabi nito at hininaan ang boses.
"Ha? Bakit naman?" Pagtataka nitong tanong.
"Nasisiguro ko kasing hindi pa ako tatan-tanan nila Shayne. Sigurado akong gusto niyang gumanti dahil sa nangyari sa mall." Paliwanag nito.
"Hala? Paano 'yan?" Pagaalala nito.
"Sinabihan pa naman ako ni mama na umuwi ng maaga." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
BLACK LIPSTICK
Mystery / ThrillerMay isang magandang babae este mabait na dalaga, na gustong gumanda at matagpuan ang kanyang true love. Ngunit nang dahil sa isang matandang pulubi o sabihin na nating nagpapanggap na pulubi ang babago ng kanyang buhay. Subaybayan natin ang pagbabag...