Rhea POV
Naririto na ako sa harap ng pintuan ng mall sa labas hinahanap at hinihintay si Jona, oo ako lang dahil ang gagang Shayne eh kaibigan pala ng anak ng may ari nitong mall. Kilala kasi sya rito ng guardiya sinabihan nya itong palabasin ako kung ayaw nyang masi sante, kaya ayun napasipa palabas huhu.
"Preny, nasan ka na ba ang tagal mo naman." inip nitong sabi sa sarili.
Bulong ko sa sarili habang tinitignan ang mga taong papalabas ng mall. Umupo muna ako isa sa mga upuan rito at may biglang umupo rin sa tabi ko.
Grabe ang gwapo naman nitong lalaking 'to, matangos na ilong, mapulang labi at grabe may biloy sa kanyang pisngi.
Naku Rhea may nobyo ka wag maharot. Nahalata siguro nyang nakatingin ako sa kanya kaya lumingon sya sa gawi ko. Ngumiti sya sa akin. Shocks nakakatulala ang ngiti nya sumilay ang kanyang biloy nung syay ngumiti.
Sa wari ko'y magsasalita sya ng may tumawag sa akin at aking nilingon. Nakita ko si Bes Jona agad ko syang kinawayan at patungo sya sa aking kinauupuan.
Nang nilingon ko ang aking katabi ay wala na sya, nakita ko na lamang itong pasakay na sa kulay pulang kotse.
"Bes kanina pa kita tinatawag o sabihin na nating sigaw, kaso busy ka ata sa lalaking iyong katabi." pang-aasar nito.
Aw, kaya pala para syang hinihingal. Sayang naman diko man lang sya naitanong kung anong ngalan nya.
"Hindi nakatabi ko lamang sya ano ka ba. Saka baka ikaw ang busy sa iba."balik nitong asar.
"Ha? Anong sinasabi mo at kanino naman?" pagtataka nito.
"Eh kaninong jacket yan aber? Wala ka namang jowa." panguusisa nito.
Kaya pala nawala nakipagkita siguro sa iba charot lang.
"Grabe sya, magkakajowa rin ako noh, saka kay IMPAKTONG MAHANGIN NA HAMBOG na Vincent itong jacket na aking suot.
BINABASA MO ANG
BLACK LIPSTICK
Mystery / ThrillerMay isang magandang babae este mabait na dalaga, na gustong gumanda at matagpuan ang kanyang true love. Ngunit nang dahil sa isang matandang pulubi o sabihin na nating nagpapanggap na pulubi ang babago ng kanyang buhay. Subaybayan natin ang pagbabag...