AUTHOR'S NOTE: ˡᵒⁿᵍᵉˢᵗ ᶜʰᵃᵖᵗᵉʳ ˢᵒ ᶠᵃʳᵎ ᵈᵒⁿ'ᵗ ʰᵉˢᶦᵗᵃᵗᵉ ᵗᵒ ᶜᵒᵐᵐᵉⁿᵗ ʷʰᵃᵗ ʸᵒᵘ ᵗʰᶦⁿᵏ ⁽ᵒʳ ᶦᶠ ᶦ ʰᵃᵛᵉ ᵗʸᵖᵒˢ⁾ ᵃⁿᵈ ᵖˡᵉᵃˢᵉ ᵛᵒᵗᵉ ᵗʰᵉ ᶜʰᵃᵖᵗᵉʳˢ~
"Akala ko ay hindi ka bababa!" bungad ng Anghel sa Serapin nang sila ay makapunta at magkatawang-tao sa isang itinalagang lugar para sa mga nilalang ng Paraiso.
Ang totoo niyan ay hindi talagang binalak ng Serapin ang sumama, ngunit makararamdam siya ng konsensiya kung ito ay hindi niya gagagawin, lalo pa at hinikayat na siya mismo ng May Banal na pumuntang Gitna. Matagal niyang pinag-isipan ang tamang desiyon, nagpalagay na rin siya ng mga bagay na mapaglilibangang mag-isa dahil unang beses niya itong karanasan.
Sa huli at matapos ang ilang araw, nang makita niyang nagpupulong na ang mga Anghel upang bumaba, dahan-dahan siyang pumunta sa pwestong hindi siya mapapansin at tumalon.
Hindi sumagot ang Serapin sa Anghel. Nagpatuloy lamang ito sa pagbibihis ng angkop na kasuotang katulad ng mga tao sa Gitna. Mayroon siyang nakitang kamisetang kulay asul, maong na pantalon, gomang panyapak, at sumbrero mula sa tumpok ng mga damit na nakalaan para sa kanilang bumababa.
Nagsimulang kumunot ang noo ng Serapin nang maaninag nito ang Anghel. Ang unang pumasok sa kanyang isip, mukha itong karimarimarim! "Ano iyang suot mo?" tanong niya.
Nagtaas lamang ng kilay ang Anghel. "Bakit? May mali ba sa akin? Ang sabi nila ay ito na raw ang uso ngayon."
Matapos marinig ang tanong ng Anghel ay nagsipagtawanang mahina ang ibang mga kasama nila sa lugar ng bihisan. Sino nga bang hindi mangangatwa sa kanyang kasuotan?
"Maski ang Serapin ay napapangitan sa suot mo, Eduardo!" asar ng isang Arkanghel habang sinisintasan ang kanyang sapatos.
Eduardo...?
"Inggit ka lang!" ani Anghel pabalik. "Ayos. Tapos ka na?"
"...Anong eduardo*?"
Pinatong ng Anghel ang braso nito sa balikat ng kanyang kasama. "Mali. Eduardo ang pangalan ko."
Tinanggal naman ng Serapin ang parte ng katawang nakapatong at pinangliitang mga mata ang kausap. "Pangalan? Sinong may pangalan?"
"Ano ka ba!" Matapos tanggalin ang kamay ay hinawakan naman nito ang pupulsuhan ng isa. Nagulat ang kausap nito sa ginawa ng Anghel kaya nagsimula itong magpumiglas. Ngunit, masyado naman atang mahigpit ang pagkakahawak niya! "Syempre, narito tayo sa Gitna kaya dapat ay may pangalan tayong lahat!"
"Kilala naman natin ang isa't isa, bakit kailangan pa ng pangalan?" pagtatakang tanong ng Serapin.
Bumuntong-hininga si Eduardo na para bang pagod na sa kakapaliwanag ng mga dapat maganap. "Sige, ipagpaumanhin niyo na, kilala mo ba talaga kaming lahat?"
Hindi nakasagot ang Serapin.
"Eksakto," ani Eduardo. "Kung sa Paraiso ay madaling makilala ang mga Anghel dahil sa kanilang mga palamuti o anyo, mas mapadadali ang sitwasyon natin dito sa Gitna kung tayo ay may tawag at kasarian."
BINABASA MO ANG
Nine Choirs of Heaven
FantasySa loob ng ilang oras ay biglang nagbago ang inaakalang mundo ni Yira. Kung kanina ang problema lamang niya ay kung papaanong makapasa sa kolehiyo, ngayon ay unti-unti nang nalalaman ang katotohanan sa likod ng kanyang tunay na katauhan. Sa gitna pa...