viii: she's not a food;

125 92 9
                                    

"Alam ko kung gaanong kabigat ang mga sumpang ipinapataw sa mga Anghel na hindi sinunod ang kautusan, ngunit wala ba talaga kayong ibang pagpipilian? Ako talaga?"

Tumingin si Era sa kasabay na pumasok sa bahay-pahingahan ni Lucifer, mga matang pawang nagbibigay mensahe. Hindi tulad ng mga Demonyong nakababasa ng iniisip ng mga nilalang, ang mga Anghel ay kayang makipaghatiran nang natural dahil nasa pagkakikilanlan nila ang pagkakaisa.

Pinanood ni Lucifer ang palitang ito. Napansin niya kung paanong kumunot ang noo ni Hex, habang ang mga daliri naman ni Era ay kumukumpas. Nakita niya ring tumingin sa kanyang direksyon ang dalawa nang sabay ngunit pasaglit bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

Ngayon niya lamang ito napagtanto ngunit napakakakatwa ng mga Anghel. Madalas pagtawanan ni Lucifer ang mga nilalang na ito dahil ang lahat sa kanila ay maamo ang mukha, mistulang hindi marunong protektahan ang mga sarili. Kapag nagagalit sila ay hindi naman ganoong naka-iintimida ang itsura. Ngunit ngayon, ang tahimik nilang pakikipaghatiran ay nakapagpatataas-balahibo, hindi dahil nakatatakot kundi ay sa tuwing nangyayari ang senaryong ito ay hindi sila kumukurap. Ano ba namang klaseng itong mga ito!

Ilang segundong nakasandal sa pader si Lucifer at naghintay, inaabangan ang rason ng paglapit ng dalawang kasama sa kanya. Ang mas nakagugulat pa ay tulong mismo ang hinihingi nila!

Nalaman niyang tapos na ang palitan ng dalawa nang sabay itong tumungo sa isa't isa.

Si Era ang unang nagsalita, "We want to trick The Heavenly."

Pasensya, mukhang mayroong nakabara sa tenga ni Lucifer. "Pakiulit?"

"May plano kami patungkol kay Yira," ani Hex. "At kailangan namin ng tulong mo upang mangyari iyon."

Itinaas ni Lucifer ang kilay. "Hindi ko makita kung paano akong makaaambag sa pinaplano niyo."

"Dalhin mo siya sa Kailaliman."

Kung mayroong iniinom na basong tubig si Lucifer ngayon, o kahit anong likidong nasa loob ng kanyang lalamunan, ay baka nasamid na siya mula sa narinig. Ayos lamang ba ang mga Anghel na ito?

"You guys are insane," batikos ng Demonyo. "Okay, let us say I agree, yeah? But that does not mean she will willingly go there with me. It is literally Below." Turo niya sa sahig.

"Diyan papasok ang aming plano," sambit ni Era. "Kunin mo siya sa pagkakataong wala siyang malay."

"What in the—?"

Sila nga ay talagang kakatwa. Sa kabila pa niyan, ang mga sinasabi ng mga Anghel na ito ay nakababahala. Kahit naman isang siyang Demonyo ay hindi siya gumagalaw ng kahit sino nang walang paalam! Masama ang imahe nila, oo, minsan pa nga ay totoo ang mga ito ngunit iba si Lucifer. Mayroon siyang paninindigan!

Ang buong buhay ng isang Demonyo ay kung paanong mangambala, manlinlang, at magsinungaling, kadalasan ay magpakasaya hanggang mawala ang kaluluwa, minsan naman ay magbakasyon dahil tinatakasan ang mga responsibilidad. Ngunit ang humawak ng isang Anghel? Hinding-hindi mangyayari iyan sa imortal niyang pagkatao!

Nagkasalubong ang mga kilay ni Era dahil sa pinakitang reaksyon ni Lucifer gamit ang mukha. "Hindi ba at mas may pakinabang ito sa inyo? Alam naming nananalagi si Lilith ngayon sa Kailaliman. Kapag naibalik sa kanya ang Libro, makatutulong ito sa kung ano mang balak niyo sa hinaharap."

"That bitch. I thought no one knew she was staying with us," bulong ni Lucifer sa sarili.

"Walang makatukoy ng presensya niya kahit saan, natural lamang na siya ay nasa Ibaba."

Natahimik ang Demonyo.

"Anong masasabi mo?" tanong naman ni Hex.

Tumigil saglit si Lucifer at nag-isip. "Paano namang darating iyong pagkakataong wala siyang malay?"

Nine Choirs of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon