vii: the second truth;

199 139 13
                                    

"Dibinong Buhay? Anong pinagsasabi mo?"

Umiling-iling si Lucifer. Hindi kaya ay masyadong naapektuhan si Yira ng pagsabog kaya ngayon ay kung anu-anong alaala na lamang ang mayroon siya? Nanatili itong nag-alinlangan sa kwento ng kausap, dahil napaka-imposibleng mangyari ang sinabi nito. Talagang imposible!

Si Lilith na kanina pang napako sa naging reaksyon ay inumpisahang magsalita, "Only the Elites can control the Divine Life. Even the Heavenly cannot do that..."

At dahil hindi nakaiintindi ng Lenggwahe ng mga Demonyo si Yira ay, "Ano?" Pakiramdam niya ay isa siyang loro dahil iisa at paulit-ulit lamang ang mga salitang kanyang isinasambit bilang ambag sa usapan.

Kahit pa ang mga salitang naririnig ay hindi naipapasok sa kanyang utak upang maiproseso, madaling basahin ang ekspresyon at wika ng katawan ng isang tao. Madaling nakababasa si Yira ng atmospera, matalas ang kanyang isipan, ang kutob, ang nagsasalita sa likod ng kanyang tenga. Alam niyang hindi rapat siya naririto sa sinasabi nilang Kailaliman.

Subalit, alam niya ang kahihinatnan kung pipilitin niyang umalis sa lugar. Ang kanyang balikat ay makirot, wala itong bendaheng nakapulupot ngunit mayroong palausukang malapit sa kanyang higaan, katapat nito ang katawang tinamaan, sapat upang mahagilap ang sadya. Ang kanyang katawan ay mabigat din, para bang mayroong timbangang nakapatong dito. Alam ni Yira kung papaanong makaaapekto ang binabalak niya sa proseso ng kanyang pagpapagaling.

Alam niya, alam niya ngunit...

"Yira," tawag muli ni Lucifer na ngayon ay nakahilig sa kanya. "Sigurado ka ba sa naalaala mo?"

Tumawa naman ang kausap dahil sa balighong katanungang binanggit. "Mukha ba akong may panahong magsinungaling ngayon? Hindi mo ba ako nakikita?"

"I know." Tinapat ni Lucifer ang kanyang mga palad, pahiwatig na kumalma si Yira. "Ngunit importanteng malaman naming totoo iyang sinasabi mo."

Nakita ni Yira sa kanyang gilid ang pagtango ni Lilith.

Sa huli ay bumuntong-hininga siya at pumikit. "Naalaala ko ang lahat. Nakita ko kung paanong parang may sariling buhay ang dugong tumulo mula sa aking pisngi. Ngunit maya-maya rin ay may pagsabog na naganap. Mabilis lang ang pangyayari ngunit... Ngunit..." Nag-umpisang mabasag ang boses ni Yira.

Mabilisang iniusog ni Lucifer ang kanyang silya at hinilang papalapit kay Yira. "Hey," ani malambing. "H'wag kang umiyak, baka kung anong isipin nilang ginagawa natin."

"Kailangan bang talagang magbiro ka ngayon?" Pagsasalubong ng kilay ng kausap.

Itinaas ng Demonyo ang mga kamay katapat ng kanyang balikat bilang pagsuko. "I was just trying to lighten your mood! Pasensya naman kung gusto ko lang makita kang nakangiti."

Mas lalong humigpit ang pagkasasalubong ng mga kilay ng isa.

"Okay, titigil na nga..."

Binigyan ni Lucifer si Lilith ng makabuluhang tingin.

Dahil dito ay parang lumagutok ang nilalang pabalik sa katotohanan. Sinuri niyang mabuti si Yira na kanilang inaalagaan ngayon. Sinubukan niyang basahin ang nasa isip nito, bilang karaniwang abilidad ng mga Demonyo, ngunit wala siyang mabasa o marinig na kahit ano. "Can you read her thoughts?" tanong ni Lilith kay Lucifer.

"Of course, I do."

"That is weird..." pagtataka ni Lilith muli. "I cannot hear her."

"Maybe she is just stupid. No thoughts, you know?"

Ngayon naman ay siya ang nagbigay ng tingin kay Lucifer. Ngumiti lamang ang Demonyong para bang hindi nito ininsulto ang isa nilang kasama. Pasalamat sila ay hindi ito nakaiintindi ng kanilang lenggwahe.

Nine Choirs of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon