Nanatiling nakatitig si Yira sa pulang likidong lumulutang, mistulang walang naririnig sa paligid.
Mayroong pagtatakang namuo sa isipan ni Lucifer. Tumingin siya sa higaang banda ni Yira ngunit walang nakita. Ang mga mata ay pumaligid at napansin ang mantsang nakalapi sa kalahating ibabang puting suot ng isa.
Doon pala ito nanggaling.
"Yira," tawag ni Lucifer, maingat na inoobserbahan ang reaksyon ng likidong nasa harapan lamang nila. "Wala bang masakit sa iyo?"
Matapos ang katanungan ay tiningnan din ng dalawang kasama si Yira, parehas ng napansin at napagtanto. Syempre, lahat sila ay kailangang hindi magpadalus-dalos.
Imbis na sagutin ang katanungan ni Lucifer ay iba ang sinambit ng dalaga. "Ito ba ang Dibinong Buhay na tinutukoy niyo?"
Walang nakapansin sa pagpasok at pagbalik ni Lilith sa silid. Tumingin ang lahat sa direksyon ng boses nito. "Tama, iyan nga ang tinatawag nilang Dibinong Buhay."
Napasalubong ang mga kilay ni Asmodeus at tiningnang aninaw ang kadarating lamang na nilalang. "Why did you take so long?" pagrereklamo niya.
Bahagyang yumuko si Lilith, humihingi ng paumanhin. "I was telling the news to Satan."
"Hey," ani Belphegor. "Look at what that asshole did to my candy. Go fetch one for me in my room, I still haven't calmed down."
Ang ilan sa mga patusok na mula sa bunganga ng bata ay nakalabas pa rin, simbolo lamang na ito ay gutom pa. Mga patalim na gustong ngumuya — makunat, makatas, mga dilang nais tumikim — matamis, malasa, kakaiba. Ang ilong ay lumaki, naaamoy ang halimuyak ng pagkaing nasa harapan lamang. Malapit ngunit malayo pa rin.
Tumingin si Lilith na paanang bahagi ni Belphegor at nakita nga ang lolipap na ngayon ay durog na. Lumapit siya rito, lumuhod saka pinulot ang mga pirasong nasa sahig. Gamit ang isang kamay ay inililipat niya sa palad ang iba upang makuha ulit ang natira.
Hindi makapaniwala si Yira sa sumunod na nasaksihan.
Dahil mas matangkad na si Belphegor kumpara sa ngayong posisyon ni Lilith, napakaskas ang mga ngipin ni Yira nang mapanood kung paanong sinipa ng bata ang nagpupulot na nilalang. Walang modo! Hindi naman siya nito kinayag ngunit bakit kailangang sipain?
Mas hindi makapaniwala si Yira nang nanatili si Lilith sa kanyang pwesto, ipinagpatuloy lamang ang pagpulot na para bang normal na sa kanya ang ganitong pagtrato.
Sinipa siya nang sinipa nang sinipa. Isa pa gamit naman ang kabilang binti, at sipang muli. Ramdam at rinig ni Yira kung paanong lumalakas ang pwersang gamit ng bata sa bawat gawa.
Nabaling ang atensyon ni Yira mula sa nangyayari nang marinig ang paghuni ni Asmodeus, pinapakita ang mga kukong mayroong lilang kyutiks. Kumunot ang noo ng dalaga, namumuong simbuyo sa kanyang dibdib na tumayo mula sa kanyang pinagpapahingaan. Itigil niyo na iyan! Ang gusto niyang isigaw.
Muntik nang mapaluhod si Yira, kahit hindi pa kaya sa estado niya ngayon, nang magsalita si Lucifer.
"Stop that already. She has learned her lesson," aniya.
"Useless..." Isang sipa. "Bitch!" Tatlo pang sipa.
Inikot ni Asmodeus ang mga mata nito. "Ano pa bang aasahan diyan?"
Mula sa huling sipa ni Belphegor ay tumisod si Lilith. Kahit siya ay napatumba ay nakakamao pa rin ang kanyang kamay, iniiwasang mahulog ang kending napulot. Ngunit, imbis na tumayo na ay nanatili lamang itong nakaluhod.
Nauna si Lucifer, "The more you kick her, the longer she stays here and not get what you want."
Inayos ni Belphegor ang kanyang pinapore, pinagpagan ito bago tinulak ang nilalang na ngayon ay nakayukong nakaupo sa sahig. Hindi na pinansin pang tuluyan ng bata ang sinabi ni Lucifer, bagkus ay nag-umpisa na itong maglakad palabas ng silid. "Useless! You are all useless!" sigaw nito, nagdadabog. "I am gonna get it on my own, then. Fuck!"
BINABASA MO ANG
Nine Choirs of Heaven
FantasySa loob ng ilang oras ay biglang nagbago ang inaakalang mundo ni Yira. Kung kanina ang problema lamang niya ay kung papaanong makapasa sa kolehiyo, ngayon ay unti-unti nang nalalaman ang katotohanan sa likod ng kanyang tunay na katauhan. Sa gitna pa...