ARIANNA KATE'S P.O.V.
Today is friday. Wala namang masyadong nangyari kahapon. A simple day. Simple Yanna, complete uniform, eye glasses and pony tail.
May pinagtataka lang ako. Ilang araw ko na bang hindi nakikita sina Miyu at Manuel? Napansin nyu din ba? Alam ko nasa Japan si Miyu at si Man naman kasama ang family nya.
Anyway lunch na at magkasama kami ni Zhia na papunta sa canteen. Pansin nyu bang sya na lang palagi kasama ko? Sya lang kasi ang hindi busy eh.
Pansin nyu bang andami kong napapansin? Ako din eh!
Anyway Highway
Pagdating namin sa canteen pinagtitinginan na naman kami. Isang weak at isang wierdo ang tingin nila samin. Mga judgemental na tao. Tss
Pagkatapos naming umorder umupo na kami sa isang mesa sa gilid ng bintana .Pero habang kumakain bigla na lang may malagkit na likido na bumababa galing sa ulo ko. Napapikit na lang ako to control my temper.
May narinig akong nagtatawanan sa likod ko and I know na ang mga B*tch (Penelope , Airize , Jamaica , Danika ) ang gumawa nito sakin. Ang palaging nambubully sakin. Sure akong nabalitaan nilang wala si Zhky para ipagtanggol kami.
Tiningnan ko din si Zhia kahit medyo malabo (kasi medyo natakpan yung lens bf salamin ko) na nabalot na din ng Slime na kulay green. Gross. Yumuko na lang ako dahil sa embarassment. Nagulat na lang ako nung may nanghatak sakin palabas ng canteen. Hindi ko na makita kung sino kasi natatakpan na ng luha ko ang mata ko plus yung slime sa salamin ko.Bigla syang nagbukas ng pinto at pumasok. Naramdaman ko namang huminto na yung humatak sakin kaya huminto na din ako.
Naramdaman kong inalis nya ang salamin ko at pinunasan nya yung slime sa mukha ko kaya unti unti ko na syang nakita. Nanalaki na lang ang mata ko nung nakita ko na si... si... si Ryan!! SI RYAN ANG TUMULONG SAKIN?!!
"What with the face?" Tanong nya sakin.Nahuli nya pala akong nakatingin sa kanya.
Umiling na lang ako. Tapos yumuko.
"Tss. How can I clean your face if you're looking down the floor?" May pagka iritado nyang sabi sakin. Kaya tumingala ako sa kanya.
Napatingin ulit ako sa kanya. At nakita kong nakatingin din sya sakin. Ang ganda ng eyes nya. Parang nakaka hypnotize pag tinitigan mo sya.
Napansin ko namang ok na. Kaya hinawakan ko yung kamay nya at binaba. Pero napatigil ako kasi parang may koryenteng dumaloy sa katawan ko nung hinawakan ko sya.
Dug dug dug
Natauhan naman ako agad kaya bumitaw na ako sa kanya. At tumayo
"Hhmm. Ahhmm. T-thanks Ryan" pagpapasalamat ko sa kanya.
"It's ok...asdfghhjjkkll"
"Ha?" Hindi ko narinig yung dulo.
"Nothing"
Nilibot ko ang paningin ko at napansing nandito pala kami sa clinic.
"I think you should go home and rest.I'll drive you home" aayaw pa sana ako kaso tumayo na sya at naglakad palabas. Ano pa nga bang magagawa ko.
Pagkarating namin sa parking ay tumungo kami kay mr. Shiny Black Car nya. Yung gamit nya dati sa pagsundo sakin.
Napaka tahimik ng byahe namin sa loob ng kotse. Wala man lang nagsasalita. Ayaw ko din magsalita kasi di ko naman alam ang sasabihin ko eh. Kaya better shut up na lang ako.
Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay. Kaya bumaba na ako ng kotse. Pero bago yun may naisip akong gawin.
Umupo ulit ako sa upuan ko na katabi ni Ryan at hinalikan sya sa pisngi. Sabay sabing 'thank you' tyaka ako bumaba at tumakbo papasok ng apartment namin.
Grabe!! Nakakahiya yung ginawa ko!!. pero may parang part sakin na sobrang natutuwa.
Nagbihis na ako at pumunta sa veranda at nag soundtrip na lang. At sakto naman yung kanta sa naramdaman ko kanina nung kasama ko si Ryan.
[ Boom Clap - Charli XCX ]
Boom Clap
The sound of my heart
The beat goes on and on and on and
Boom clap
You make me feel good
Come on to me come on to me now
Saktong sakto to sa naramdaman ko kanina kay Ryan.Yung tinitingnan ko sya kanina sa mata para akong nasa ibang mundo kasi parang sya lang yunv nakikita ko. I think...
I think crush ko na si Ryan. Wahhh!!!

BINABASA MO ANG
Shooting Star
Novela JuvenilArianna Kate Montes- isang ordinaryong babae. Simpleng buhay. Simpleng pamilya. Pero nang dahil sa pagmamahal nya... humiling sya sa isang... SHOOTING STAR And booommm Nabago ang simpleng buhay nya. Maraming dumating. Mga di inaasahang tao... at mga...