Pagkauwi ko,naabutan ko agad ang naka busangot na mukha ng aking kuya. Ano na naman ba problema nito? Dahan dahan akong lumapit sa sofa na kina uupuan ni kuya.
"Yow kuya!" Nabigla naman sya noong bigla ang sumulpot sa harap nya. Hindi nya siguro ako napansin na pumasok. Well mukha namang lumilipad na naman ang utak nitong kuya ko .
"Anyare sayo kuya?"
"Hhmmm. Tumawag si Mom."
"Talaga!!!?? Oh anong sabe?" Excited na tanong ko sa kanya. Antagal na kasing hindi umuuwi si Mom dito. Busy sa work.
"Uuwi na daw sya" nagningning naman ang mata ko sa sinabi ni kuya. Excited na ako. ~^O^~
"Yes! Eh kuya? Bat parang hindi ka masaya na uuwi na si Mommy?" Takang tanong ko sa kanya.
"Hindi naman sa ganun. Para kasing biglaan. Sabi nya, next week na sya uuwi"
"Huh? Di ko gets"
"Aissh. Wag na nga lang. Oh sya pumunta ka na sa kwarto mo at magbihis" sabi nya tyaka tumayo at pumunta sa kitchen.
Tumayo na din ako at umakyat sa kwarto ko. Nagbihis muna ako at tyaka gumawa ng assignment. Sipag ko noh? Hahahaha!
Pagkatapos ko gumawa ng assignment inayos ko na ang study table ko. Habang inaayos ko ang gamit ko napansin ko ang isang brown box. Oh nandito pa nga pala to.
Binuksan ko ang box at nakita ang kaisa isang bagay na nandoon. Matagal ko na tong hindi nakikita ah. Inamoy ko ito. Nandoon parin ang pamilyar na amoy na nag papakalma sakin. Ang panyo na ibinigay nya sakin 9 years ago.
Kuya and I had a great fight that day. Umalis ako sa bahay namin at pumunta sa isang park malapit doon. That time nasa isang malaking bahay kami nakatira kasama sina Dad and Mom.
Umupo ako sa ilalim ng isang puno sa park na yon. I was crying really hard. Nabigla ako noong may nagsalita sa harap ko.
"Hey kid! Why are you crying?" Sabi ng isang batang lalake sa harapan ko. Matangkad sya,maputi at ang ganda ng kanyang ngiti
"Kasi nag away kami ng kuya ko" i said between my sobs.
Umupo naman sya sa harapan ko at inabot sa akin ang isang panyo.
"Use that to wipe your tears. It was made by my mother, and she said that I should offer that to a person that crying to ease the pain they have" sabi nya sakin nang nakangiti. Pinunasan ko naman ang luha ko.
"Thank you!" Masayang sabi ko sa kanya.
"Your welcome. Do you want to play with me? " sabi nya at nag nod naman ako. Inilahad nya ang kanyang kamay at inabot ko naman ito.
Naglaro lang kami ng naglaro noon. Hindi na namin namalayan na pagabi na pala. Sobra kasi kaming nag enjoy noon eh
"Hhmm. Kanina pa tayo naglalaro pero hindi ko pa alam ang name mo?" Tanong kk sa kanya.
"Oh I forgot that. By the way I'm ---" naputol ang sasabihin nya nang may biglang lumapit sa kanya. I think yaya nya yun.
"Eho, saan ka ga galeng? Hende ka manleng nagpaalam. Jusko kang bata ka oh oh. Tara na at baka mapagaletan pa tayo ng mame mo!" Sabi nya with a bisaya accent. Natawa na lang ako sa kanya. Bigla naman nyang hinila ang batang kalaro ko gusto ko sana syang habulin kaso naka pasok na sya sa isang magarbong kotse. Tumalikod na ako at nag umpisa nang maglakad. Wala pang tatlong hakbang ay may tumawag ulit sa akin.
"Miss Iyakin!!!" Lumingon ako hindi dahil sa pangalan na yun kundi sa boses na pinanggalingan noon.
"Bakit miss iyakin ang tawag mo sakin? Hindi kaya ako iyakin!" Sabi ko noong makalapit na sya sa puwesto ko. Hindi ko alam pero ang saya ko noong tinawag nya ako.
"Kasi iyakin ka naman talaga eh!hahaha!"
"Che!" Sabi ko sabay talikod sa kanya. Pero hinawakan nya ang braso ko at niyakap ako. Bigla na namang bumilis ang pintig ng puso ko noong niyakap nya ako. Ang saya pero nakakatakot at the same time sa di malamang rason
"I will see you in the future and I will be your husband" sabi nya sakin. Nandoon parin ang tindi ng kabog ng puso ko sa di ko maipaliwanag na rason.
"Ok, I will wait for you" sabi ko sa kanya nang nakangiti. Naghiwalay na kami at hinalikan nya ako sa pisnge at tumalikod na. Noong malapit na sya sa sasakyan nila tumalikod sya at tumingin sa akin.
"Bye miss iyakin!!" Sabi nya habang kumakaway. Gumanti din ako ng kaway sa kanya.
Tiningnan ko ang panyong bigay nya sakin. May nakaburda ditong isang letra ...
'R'
And that's the last time na nagkita kami. Pagka uwi ko sa bahay niyakap ako ni kuya at nagsorry sa akin. Nagsorry din ako dahil nag alala sila masyado sa akin.
Simula noong araw na yun lagi ko nang dala ang panyo sa yun. Hindi ko na sya inihiwalay sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Shooting Star
Teen FictionArianna Kate Montes- isang ordinaryong babae. Simpleng buhay. Simpleng pamilya. Pero nang dahil sa pagmamahal nya... humiling sya sa isang... SHOOTING STAR And booommm Nabago ang simpleng buhay nya. Maraming dumating. Mga di inaasahang tao... at mga...