ARIANNA KATE'S P.O.V.
'Nasan na kaya yun?'
Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad dito sa hallway. Hinahanap ko kasi si Zhky. Nagpadala kasi sya ng sulat sakin na magkita daw kami sa building 5. May 8 building kasi dito sa school. At etong building 5 ang pinaka malayo. Kaya bihira kang makakakitang tao dito. Ano kayang sasabihin ni Zhky?
Napansin kong may 2 babae sa dulo ng hallway dito sa second floor kaya patakbo akong lumapit sa kanila.
"Hhmmm. Excuse me?. Nakita nyu ba si Zhky? I mean President Okomura?"
Nagkatinginan muna sila bago sumagot.
"Oo. Nasa fifth floor sya diba?" Tanong ni Girl 1
"Oo nga. Nakita ko nga din sya dun kanina nung nag punta tayo ng fourth floor" sagot naman ni Girl 2.
"Ahh ok. Thank you po mga ate!!" Sabi ko tapos umakyat na sa fifth floor.
Naka punta na ako dito pero wala namang tao. Ahh baka nagkasalisi lang kami ni Zhky!.
Sinimulan kong isa isahin ang mga room dito. Pero sa first 3 rooms. Walang tao. Nung nasa pang apat na. I don't know pero kinabahan ako. Pinasok ko ang 4th room at nilibot ang paningin ko.
"Zhky?" Tawag ko kay Zhky. Pero nabigla ako nung sumarado ang pinto. Nilapitan ko ito pero nalaman ko na lang na naka lock na ako dito. Huhuhu. Pano na to?
"Heyy!! Palabasin nyu ako dito!!!!!! Somebody help me!!!" Paulit ulit ko na sigaw. Pero huminto nadin ako kasi nakakapagod kayang sumigaw!.
Wala din akong mahihingan ng tulong kasi lobat ako. Kaasar naman. Ngayon pa ako nalobat. Sa susunod talaga bibili na ako ng battery bank!
I glance at my watch to see na halos isang oras na pala ako dito. 5 pm na. Huhuhu. Nagugutom na din ako!! Hindi pa ako naglulunch!!
May narinig akong foot steps sa labas kaya triny ko ulit sumigaw.
"Tulong!!!"
Narinig ko din na parang tumakbo sya at palapit na sa pwesto ko. Sana tulungan nya ako!
Bigla na lang bumukas ang pinto at nakita ko ang... ang.. ang Prince Charming ko!!!!! Wahhh !! Ang pogi. My savior!!
"Hey.Miss are you alright?" Tanong nya sakin pero bago pa ako maka sagot bigla na lang akong nahilo at wala na akong maalala.(not literally walang maalala)
LIAM ANDREW OCAMPO'S P.O.V.
*Hey readers! Naaalala nyu pa ba ako? Well kung hindi. Balik kayo sa mga nakaraang chapters. *
Nandito ako ngayon sa bago kobg school. Naglalakad lang naman ako dito sa hallway pero bigla na lang may mga humabol sakin na mga babae at binabae. Kaya tumakbo ako. Kasu hindi ko na masyadong matandaan kung nasan ako kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad.
Habang naglalakad ako sa isang building na walang tao. May narinig akong sumigaw ng 'tulong!!!' Kaya pinuntahan ko agad yung boses ng babae at binuksan yung pinto. Para syang nalock. Kaya naman medyo nilakasan ko ang tulak kaya naman nabuksan ko ang pinto.
Pagka bukas ko ng pinto tumambad agad saakin ang isang maamong mukha ng isang babae. Nerd sya pero alam kong maganda sya behind those thick glasses. Nabalik naman ako sa sarili matapos akong mamangha sa kanya.
"Hey.Miss are you alright?" Tanong ko sa kanya pero bago pa sya makasagot ay nawalan na sya ng malay. Buti na lang at nasalo ko sya agad bago sya matumba sa sahig.
Binuhat ko sya ng bridal style at inilabas sa room nayun at sinikap ko na mahanap ang clinic nila. Kung sineswerte ka nga naman oh. Nakita ko agad yung clinic at pinasok sya dun. Nakita naman ako ng nurse kaya tinulungan nya ako. Buti na lang at kahit almost 6 pm na ay may nurse parin dito sa school.
8 narin ng gabi pero di parin nagigising si Kate. Yes,Alam ko na ang name nya kasi sa ID nya kanina. Nandito ako ngayon sa upuan sa tabi ng kama kung saan sya nakahiga.
After ilang minutes ay nagising na sya at tiningnan ang paligid. Napako naman ang tingin nya sakin nung nakita nya ako. May mali ba sa mukha ko? Gwapo naman ako ah!?
"Hey Kate, ayos ka na ba?" Tanong ko sa kanya para maka balik na sya sa katawang lupa nya.
"Huh? Ah I mean oo. Thanks. Pano ako napunta dito? Pano mo nga pala nalaman ang pangalan ko? Ngayon lang ata kita nakita dito? Sino ka ba?" Hahaha nakakatawa yubg mukha nya kasi halatang halata mo yung question mark sa boung mukha nya. Hahaha.
"Pff. Ang dami mong tanong ah. Pero sige sasagutin ko yan. First, nahimatay ka kanina nung palabas na tayo ng room. Second, nakita ko ang ID mo. Third, transferee ako dito. And for your last question, I'm Liam Andrew Ocampo" nakita ko namang nagulat sya nung huli kong sinabi. May mali ba?
"Ahm. Are you related to Ryan Ocampo?" Tanong nya. Ahh so kilala nya pala si kuya.
"Yup. Actually,twin brother ko sya" nakangiti kong sagot sa kanya. Lalo naman syang nagulat sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Shooting Star
Teen FictionArianna Kate Montes- isang ordinaryong babae. Simpleng buhay. Simpleng pamilya. Pero nang dahil sa pagmamahal nya... humiling sya sa isang... SHOOTING STAR And booommm Nabago ang simpleng buhay nya. Maraming dumating. Mga di inaasahang tao... at mga...