"Ok class we have a surprise quiz" sabi ng teacher namin sa Science. At yung mga kaklase ko naman bulungan agad.
'Ano bayan wala pa naman akong notes' ano kinalaman ng notes?
'Ui pakopya mamaya ah' lagi ka namang kumokopya eh
'Bakit ngayon lang sinabi. Hindi tuloy ako nakag review.' Malamang. Suprise nga diba? San ka naman naka rinig ng surprise na sinabi. HAHahahaha
'Buti na lang talaga may stock knowledge ako. Hohoho' Santa is that you?
Nakakatuwa talagang mag asar sa isipan nuh? Hahahaha.
"Class quite. Ok. Get one and pass" sabi ni ma'am tyaka binigay yung questionares. Tiningnan ko naman yung katabi ko nanaka ub-ob sa lamesa nya. Naku baka mapagalitan pa to ni ma'am.
"Psst *poke* Ryan *poke*" nag angat naman sya ng ulo pero hindi parin nagmumulat ng mata.
Natulala na lang ako sa mukha nya. Ang pogi nya pala pag bagong gising? Parang model sya. Ang kinis kasi ng balat nya. Mas maputi pa nga sya sakin eh. Kita ko rin kung gaano ka tangos yung ilong nya. Kasi naka diretso yung mukha nya sa harap. So naka side view sya sakin. Nagulat naman ako nung nagmulat sya at tumingin sakin at nag smirk. Juice ko po . Eto na naman yung smirk nya na alam ko na ang ibig sabihin lang ay mang aasar na naman to.
"You wake me from my peaceful sleep just to check me out?" Sabi nya na may mapang asar na boses.
"Hindi kaya. Ginising kita kasi baka makita ka ni ma'am na tulog. Papagalitan ka nun. Syempre ako din papagalitan kasi hindi kita ginising" pagpapaliwanag ko sa kanya. Totoo naman eh. Ayaw kong mapagalitan ng teacher namin na yan. Sungit kaya nyan. Palibhasa matandang dalaga. Hahahaha hard ko.hahaha.
Hindi na naman sya nagsalita pero parang may narinig akong binulong nya pero pinabayaan ko na lang at kinuha na lang ang papel na binigay ni ma'am sa kanya. Tyaka inabot sa akin yung isa. Nung nakita ko yung test. Grabiiii. NAPAG ARALAN BA TALAGA TO?!!! WALA AKONG NATANDAAN DITO KAHIT ISA!!! grabe talaga si ma'am. Hindi pa ginawang multiple choice! Inumeration pa talaga. Huhuhuhu.
Tiningnan ko kung anong ginagawa ni Ryan at nakita kong walang kahirap hirap nyang sinasagutan yung mga test papers. Wahhh. Bakit sya nadadalian lang?!
"10 more minutes class" hala! 10 minutes na lang pero wala pa akong nasasagot!!! Nakita ko namang tapos na si Ryan. Huhuhuhu. Eto talaga ang pinaka hate kong subject!!
Nagulat naman ako noong kinuha na lang basta ni Ryan ang testpaper ko at sya ang nagsagot. Hala! Masama yan ihh. Pero wala na akong nagawa kasi pag kukunin ko, hinahampas nya yung kamay ko. Kaya hinayaan ko na lang.
"Pass your papers" pagkasabi nun ni ma'am saktong natapos na ni Ryan na sagutan ang testpaper ko.
Kinolekta na nya ang mga papers tyaka umupo sa upuan sa teachers table at chinekan ang mga test paper. After a few minutes tumayo si ma'am at nag salita.
"Class I'm happy to announce that there are 2 students that perfected the exam. Let's give a round of applause to Mr. Ocampo and Ms. Montes" nagulat naman ako sa announcement ni Ma'am. Tiningnan ko si Ryan at nakita kong parang wala lang sa kanya yung pagpapalakpakan ng mga kaklase namin at papuri ni Ma'am sa kanya. Sige na, sya na magaling.
***
Uwian na ngayon.Plano ko sanang magpasalamat kay Ryan kaso tumayo agad sya at lumabas ng room kaya hindi ko na sya naabutan. Triny kong hanapin sya pero di ko na makita kaya naisipan ko na lang umuwi
Sad to say pero wala akong kasabay pauwi. Pero ok lang naman,busy kasi silang lahat eh. Buti na lang walking distance lang ang bahay namin sa school. Dumaan ako sa back gate ng school. Dito kasi ako palaging dumadaan pag ako lang mag isa uuwi.Kung baket? Wala lang trip ko lang. Hahaha
Paglabas ng gate kalye agad ang sasalubong sayo at mga bahay na magkakadikit (parang yung mga bahay sa mga anime o sa japan).
Habang naglalakad ako sa side walk. Napansin ko yung pusa sa gitna ng daan tapos may sasakyan na papunta sa direksyon nya.
Lumapit agad ako dun sa pusa at kinuha ko tyaka ako gumilid. Saktong pagkatawid ko ay muntik na akong masagasaan.
Lumabas naman yung sakay ng itim na kotse(infernes ha! Maganda yung kotse!). Nakita ko ang isang lalaki na medyo may kaedaran na. Siguro mga nasa 30's lang ang edad nya. Halatang respetado yung lalaki base sa tindig nya tyaka naka formal suite sya eh. Lumapit naman ito sa akin.
"Hija ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong nito sakin.
"Hhhmm. Buo pa naman po ang katawan ko at nakakapag salita pa po ako kaya po okay lang ako #^_^#" masayang sagot ko sa kanya.
"Hahahahaha. Nakakatuwa ka hija. I like you. Hahahaha. By the way, what's your name hija?"
"Arianna Kate Montes po. Kayo po Sir? Ano pong pangalan nyo?"
"I'm Mr. Rosqueta hija, I'm glad to meet you" tyaka sya nakipag kamay sakin. I feel strange to this man. Parang matagal na kaming magka kilala. I feel... so comfortable with him. Hindi ko naintindihan.
BINABASA MO ANG
Shooting Star
Teen FictionArianna Kate Montes- isang ordinaryong babae. Simpleng buhay. Simpleng pamilya. Pero nang dahil sa pagmamahal nya... humiling sya sa isang... SHOOTING STAR And booommm Nabago ang simpleng buhay nya. Maraming dumating. Mga di inaasahang tao... at mga...