STAR 2★☆
Sabog akong pumasok.Di ako nakatulog nang mabuti dahil dun sa kagabi. Pagpasok ko sa room tumatakbong sinalubong ako ni Ken sabay sabing..
"Yanna mamaya ha!!" ehh?! Ano ba naman yan Ken! Yan ka na naman!
Sabay takbo ulit palabas ng room. Anu problema nun?Pagkaupo ko sa upuan ko.Malamang.Tumalikod naman si Miyu para humarap sakin. Nasa unahan kasi ng upuan ko ang upuan niya.
Pagkalingon nya sakin.Ang sama ng tingin. Ano problema nito?
"Yanna" tawag niya sakin tapos sumisinghot. Hala! Ano nangyari dito?
"Oh Baket?!" Nag aalalang tanong ko dito. Iyakin kasi to eh
"Ikaw kasi eh nag sesecret ka na! Kayo na pala ni Kenneth" Muntik na ako mahulog sa upuan ko dahil sa sinabi ni Miyu. Nakakagulat naman tong babaeng to.
"Hala! hindi hindi!" Sabi ko habang umiiling na may kasamang hand gesture pa.
"Eh may usapan kayo mamaya eh "
"a-ahh ...ehh" Ano ba pwedeng palusot dito? Isip Yanna! Isip!
"Kasi may hinihiram sya saking libro kaya kita daw kami mamaya " Lame excuse pero pramis kakagat yan. Hahahaha
"Ahh ..ganun ba??..okay!" Sabi niya at ngumiti. Loka loka talaga tong babaitang ito. Bagay na bagay talaga sa kanya ang tawag sa kanyang Drama Queen -_-
Si Miyusaki Takashima nga pala ang super gandang bestfriend ko.At oo Japanese sya.Bata pa lang kami mag bestfriend na kami. Sikat ,maganda ,magaling umarte drama club yan eh,mayaman,may pagka slow lang minsan..
At yun nga nagkwentuhan na kami hanggang makarating yung teacher namin.
Dissmisal na agad? Bat ang bilis naman yata?! Hay.Eto na yun.Anu kaya sasabihin sakin ni Ken. Hala kinakabahan ako to the highest level.
Eto ako ngayon nag lalakad papuntang bookstore dumaan muna ako sa bahay para makapag palit.
Pag pasok ko sa book store hinanap ko agad yung pwesto namin.At yun nga nakita ko sya.
"K-ken" kinakabahang tawag ko sa kanya
"Oh Yanna,tara dito.Upo ka muna" umupo naman ako sa tapat nya at nakasandal sa transparent window
"Ano..hhmm...anu ba yung sasabihin mo"
"Ahh kasi....Yanna..kasi..madami akong lakas ng loob na inipon bago ko sabihin to...*sigh* anu....gusto ko sanang ligawan si
.
.
.
.
.
.
ROXANE" a-anu daw?!
...gusto ko sanang ligawan si... ROXANE
...gusto ko sanang ligawan si... ROXANE
...gusto ko sanang ligawan si... ROXANE
Nag eecho parin aa utak ko ang mga sinabi niya
"A-a-ahh" wala na akong masabi. Ang sakit. Napayuko na lang ako. Baka kasi any time pumatak yung luha ko. Baka kung ano pang isipin nya
"At bilang bestfriend ko. Kaylangan mo akong tulungan kasi...natotorpe ako eh " anu daw?! Bestfriend ?! at isa pa tulungan ko sya??!! Napatingin ako sa kanya. Medyo namumula siya at halatang nahihiya. Pano ko ba siya matatanggihan sa lagay na to?!
"A-a-anu...S-sige" sabi ko at ngumiti sa kanya. Bigla na lang lumiwanag ang mukha niya na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Salamat ha The best ka talaga " sabay hug sakin
Spell martyr A-R-I-A-N-N-A
Kakarating ko lang sa room at nandun na yung hinihintay ko.
"ROXANE!!!" tawag ko sa kanya
"Bakit Arianna? " yup full name. Close ko lang pwede tumawag sakin ng Yanna. Arte eh nuh. Hahaha wag na komontra!
"Pwede ka ba mamayang uwian?" sana hindi.sana hindi sabay cross fingers
"Oo naman"Ang bilis sumagot ha.
"Ano. Hhmm. Pwede ka daw bang pumunta sa Tomos Archieon book store mamaya?"
"Hhmmm. Sino? Pero sige"
"Ok..Thanks"
At naupo na ako sa upuan ko.
***
Naglalakad ako ngayon pauwi .. napadaan ako sa Archieon book store..
"Ken! anu to?!"
"Rox,gusto kita,gustong gusto"
"Ken---"
di ko na sila narinig tumakbo na lang ako palayo not knowing kung saan
takbo..
takbo..
takbo..
nung huminto ako ..tumingin ako sa langit...at kung sinuswerte ka nga naman..may nakita akong shooting star...
nag wish ako..
'Sana dumating na yung taong para talaga sa akin'
pagkasabi ko nun bigla na lang...
*Beeeppp...Beeeeepp"
"Ay tipaklong!!!!" napa upo tuloy ako sa sahig
![](https://img.wattpad.com/cover/22709154-288-k834951.jpg)
BINABASA MO ANG
Shooting Star
Teen FictionArianna Kate Montes- isang ordinaryong babae. Simpleng buhay. Simpleng pamilya. Pero nang dahil sa pagmamahal nya... humiling sya sa isang... SHOOTING STAR And booommm Nabago ang simpleng buhay nya. Maraming dumating. Mga di inaasahang tao... at mga...