STAR 21

23 0 0
                                        


"Yow Yanna!" Nabigla naman ako ng may tumawag sa akin.

Nandito ako ngayon sa likod ng building 5 wala kasing pumupunta dito na mga estudyante. Kaya mapayapa dito. Eto ang pinaka favorite spot ko dito sa school na to

"Oh Kenneth? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kanya.

"Bakit? Masama bang puntahan ang lugar kung saan ko nakilala ang bestfriend ko?" Tanong nya sakin na nakangiti.

Naalala ko tuloy yun bigla. Ang una naming pagkikita at pagkikilala ni Kenneth.

It happened 3 years ago. Noong namatay ang papa ko. It's been 2 weeks after that incident. 2 weeks din akong nakakulong sa kwarto ko noon. Ni hindi ako lumalabas at dinadalhan na lang ako ng pagkain pero kahit yun hindi ko magawa dahil sa sobrang lungkot ko.Sobrang close kami ng dad ko kaya ang hirap tanggapin na wala na sya. Na hindi ko na sya makikita pa.

Napagdesisyunan ko na pumasok na sa school after 2 freaking weeks. Pinilit talaga ako ng mom at kuya ko nun.

Noong nasa school ako hindi din ako makapag concentrate sa pag aaral ko. Hindi lang dahil sa depression, dahil na din sa iba't ibang usapin tungkol sa pagkawala ng dad ko. Mas madalas na akong ibully noon.

Isang araw, hindi ko na talaga makayanan ang pang bubully nila kaya tumakbo ako mula sa kanila, mula sa mga bully kong schoolmate, sa mga mapanghusga nilang mata.

Sa sobrang sama ng loob ko hindi ko namalayan na napunta na pala ako sa likod ng isang building dito sa school. Doon ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. Lahat ng sakit.

"Hey miss" sabi ng isang lalake sa harapan ko. Tumingala ako para makita sya. Pero hindi ko maaninag ang mukha nya dahil matabo na ang salamin ko at nahaharangan ng luha ang mga mata ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Mukha ba akong maayos sa lagay na to?" Sabi ko habang humihikbi.

"Hahaha. Sorry naman miss. Anyway. Oh!" Sabi nya sakin. May inabot syang panyo sa akin. Kinuha ko na ito kahit nakakahiya.

"T-th-thanks" sabi ko habang humihikbi parin. .

Noong napunasan ko na ang luha at salamin ko, tiningnan ko ang taong tumulong sa akin. O_o ang pogi pala nito. Sya na ata ang pinaka magandang nilalang na nakita ko!!. Chos lang. Pero pogi talaga sya. Maputi,matangkad, at ang ganda ng ngiti nya.

"Sabi ng mom ko, magbigay daw ako ng panyo sa mga taong umiiyak. Para daw mabawasan ang sakit na nararamdaman nila" sabi nya sakin habang nakatingin sa langit. Bakit parang familiar yung mga sinabi nya sakin?

"Salamat" sabi ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin at nginitian ako. Ang wafuuu!

"Ok! Sige miss alis na ako ha?! Bye. Wag ka nang iiyak ulet ha?! " sabi nya sakin at tuluyan ng umalis.

Narealize ko naman na hawak ko parin yung panyo nya. Kailangan ko tong maibigay sa kanya. Pero ni pangalan nya hindi ko alam.

Hinanap ko sya noon pero huli na dahil uwian na din pala. Kaya't inuwi ko na lang sa bahay ang panyo nya.

Noong nasa bahay ako. Tiningnan ko yung panyo nya. May napansin akong nakaburda na letra doon sa panyo. At nagulat ako noong nakita ko ang letra

'R'

Yun...yun...yun ang nakalagay din sa panyo ni ... ni Mr. Panyo. Kinuha ko ang panyo na nakuha ko noon sa kababata ko at pinagkumpara ang dalawa. Parehong pareho. Pati Font. Ang kulay at disenyo lang ng panyo ang magkaiba. Hindi kaya... Yung lalake kanina ay yung... childhood friend ko...

Kaya simula noon hinanap ko sya. Binigay ko sa kanya ang panyo na yun pero hindi ko sinabi na ako yung batang babaeng binigyan nya ng panyong ganun dati. Ewan ko pero may kung anong pumipigil sa aking sabihin sa kanya yun. Kaya't hinayaan ko na lang.

"Arianna" tawag nya kaya lumingon ako sa tabi ko kung saan sya naka upo. Nakita kong seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa asul na langit.

"Baket?" Ilang sandali sya natahimik. Tumingin sya sa akin ng diretso. Hindi ko sya matingnan kaya umiwas ako ng tingin pero hinawakan nya ang baba ko at ipinaharap sa kanya ang mukha ko

"Stop Loving Me" Ang mga katagang yun ang dumurog sa puso ko. Nararamdaman kong umiinit na ang mga mata ko. No. Hindi pwede. Ayaw ko umiyak sa harap nya.

"A-ano bang p-pinagsasasabi mo dyan!ha ha ha" Sabi ko at tumayo at tumalikod sa kanya. Pinunasan ko na din ang luha ko na hindi ko na nakayanang pigilan pa.

"Hindi ako manhid tulad ng sabi nila,Yanna " Lalo ang napahagulgol. So all this time alam nyang mahal ko sya.

Pinaharap nya ako sa kanya at niyakap ako. Bakit nya pa ba ginagawa to. Hindi nya ba alam na lalo akong nasasaktan sa ginagawa nya?!

"I don't deserve your love Yanna. I know out there may nagmamahal sayo ng sobra. At mamahalin mo din higit pa sa pagmamahal mo sa akin" hindi ko na talaga kaya. Sobrang sakit na. Sumubsob lang ako sa dibdib nya habang umiiyak .

Humiwalay ako sa kanya.

"P-pero. I-ikaw lang ang m-mahal ko" sabi ko sa kanya habang umiiyak parin.

"Yanna" tawag nya sakin na may mahinahon na boses. Pero wala akong pakealam. Gusto ko nang matapos to. Ayoko na!

"P-pero k-kung yan ang ikaliligaya mo. S-sige. Kahit mahirap... I'll... stop... lov...ing...you" hirap na hirap kong sabi sa kanya. Hindi ko na nakayanan kaya umalis na ako doon.

Tumakbo, yan lang naman ang alam ko eh. Hindi ko kayang humarap sa sakit. Duwag ako. Isang malaking duwag.

Ayaw kong masaktan. Takot ako sa sakit. Sa paghihirap. Alam kong masasaktan lang ako sa huli pero itinuloy ko lang pagmamahal ko sa kanya. Antanga mo kasi Arianna!!

Hindi ko namalayan na nasa gate na pala ako ng school namin. Ewan ko kung pano ko nalaman ang daan papunta dito pero wala akong pakealam. Ang gusto ko lang ay tumakas.

Huminto muna ako pansamantala. Naramdaman ko ang tubig na bumabagsak sa balat ko. Umuulan pala. Kita mo nga naman oh. Napatawa na lang ako ng mapait. So ano sunod nito? Yung prince charming ko darating? Yayakapin ako, icocomfort? Ha!

Tuloy tuloy lang ako pauwi. Hindi na ako tumunganga sa labas ng gate ng school para hintayin yung prince charming ko. Para saan pa? Eh yung tinuturing kong prince Charming ay di naman ako gusto.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon