Star 22

29 1 0
                                    


Tatlong araw na ang nakakaraan noong nangyari yung sakin ni... ni Kenneth. Walang naka alam nun. Ni kapatid at mga kaibigan ko hindi ko masabi yun. Hindi pa kasi ako handa. Alam naman nilang may gusto ako kay Kenneth. Pero hanggang dun lang. Hindi nila alam yung tungkol sa pagiging martyr ko kay Ken, at yung nangyari noong nakaraang araw. Hindi pa kasi ako ready. Siguro pag naka move on na lang ako.

"Yanna! Ui nakikinig kaba?"

"Ay sorry Miyu. May iniisip lang kasi ako" sabi ko kay Miyu.

Nakabalik na sila. Kahapon lang. Si Man din. Kaya nandito kami ngayon sa cafeteria nina Zhia,Manuel and Miyu. Absent na naman kasi ang magaling naming President. Pero kahit halos dalawa o tatlong araw lang yun pumasok in a week magaling parin syang President. At kaibigan.

"Halata nga girl. Naka-float na naman ang utak mo" Man

"Ano ba yang iniisip mo girl?" Miyu

"Naku! Wala yun guys. Ha-ha-ha" sabi ko at nag fake na tawa.

"Tss. Fake" mahinang bulong ni Zhia na nasa tabi ko. Hindi naman yun narinig nina Miku at Manuel na tahimik na kumakain. May napansin ako dito sa dalawang to. Hindi na sila masyadong nagpapansinan at nag uusap simula nung pumasok sila kahapon. I smell something fishy.

"So, the wierdos are back again huh?" Kaya naman pala ako naka amoy ng malansa. Nandito pala si Penelope at yung mga kasama nya. As usual mga magpapasikat na naman to.

"So, the b*tches are back again huh?" Sabi ni Miyu na ginaya pa ang maarteng boses ni Penelope

Miyusaki Takashima'S POV.

"So, the wierdos are back again huh?" Sabi ng malanding boses sa harap ko . Ohhh. Sya pala . The B*tches are here pala.

"So, the b*tches are back again huh?"  Sabi ko at tumayo. Ginaya ko pa ang malanding accent nya para lalo syang maasar.

"You B*tch!!" Galit na sabi nya.

"Oh. Bat mo tinatawag ang sarili mo. Eh pangalan mo yan ah" paenosenteng tanong ko sa kanya.

"What the -- You haponesang fish you shut up the bunganga of yours kung -- k-kung ayaw mong--kungayaw mong I make sabunot sayo ha!" Sabi ni Airize. Oh My G!! Grabe tong si Airize ha! Napaka conyo. Hahaha

"Why so conyo Airize?" Sarcastic na sabi ko sa kanya. Nagtawanan naman ang mga tao dito sa canteen.Muka naman syang napahiya kaya akma nya ako sasampalin. Kaya napapikit na lang ako. Pero wala akong naramdaman sa pisnge ko.

"Don't you dare!"  Seryosong Sabi ni Manuel. Yes si Manuel. Sya ang nagligtas sa akin. Wow. Galing ah. Parang totoong lalake!

"Uuurrghh. Lets go na nga girls. Were just sayang sayang our oras to this baliws here" sabi nya at umalis na silang apat. What a b*tch.

"Hey are you alright?" Nag aalalang tanong ni Manuel. Binigyan ko naman sya ng confusing look ko. Bat parang lalake to ngayon? Para naman syang natauhan at i alis yung kamay nya sa balikat ko.

"*cough* AY sorry girl. Ayos ka lang ba bakla?" Tanong nya ulet pero yung baklang accent na nya. Huh? Wierd nya parin simula nung. Aish ayaw ko na nga sabihin. Naiirita ako eh.

Umupo na lang kami ulet at kumain ng matiwasay. Tahimik lang kaming kumain. Hindi na kasi kami nag ingay ni Man. Kami lang kasi usually ang nag iingay sa amin pag magkakasama kami.

Maya maya lang nag bell na kaya bumalik na din kami sa kanya kanya naming klase.

ARIANNA KATE'S POV

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon