ARIANNA KATE 'S P.O.V
Tinawag ako ni Man kasi sinabi nya na pinapasabi ni Zhky (pronounce as Skay) na tawagin ko daw yung vice president ng council para sabihin yung mga kailangan sa school council . At sa kasamaang palad ang vice prez ng student council ay walang iba kung hindi si Kenneth Rombualdes. Na iniiwasan ko nga ngayon.
Hay gravity. Why so unpredictable?
So pagkatapos kong maka usap si Manuel bumalik na ako sa loob. Dun ako dumaan sa gilid. Alangan namang sa gitna ng naglalaro ako dumaan diba?
Kasu ng nasa kalagitnaan na ako at malapit na ako sa upuan namin ni Zhia. May naramdaman akong masakit sa likod ng ulo ko. Pero bago ko pa nalaman kung ano yun. Everything went black...
KRISTOFFER SANDOVAL'S P.O.V.
Nung nakarinig akong may sumigaw ng pangalan ni Arianna. Dali dali akong pumasok ulet sa gym at nakita ko na lang na buhat ni Ryan si Arianna ng pang bagong kasal.
Ano bang nangyari . Lumabas na sila ni Yanna pero nung nadaan nila ako may sinabi sya sakin.
"Find him. But don't touch him yet. I'm the one who'll kill that bastard" sabi na with his cold scary voice. Wooh katakot.Σ( ° △ °|||)︴
Tapos nilapitan ko na sina Blue at Carlos para gawin ang pinapagawa ni Ryan.
Kawawang nilalang. Mali sya nang hinawakan. Tsk tsk tsk
ZHKY PENELOPE OKOMURA'S P.O.V.
Nandito ako sa office ko ngayon. Yeah right Office KO. Kung di ko pa nababanggit ako lang naman ang President ng Student Council. Pero madalas wala ako dito (gangster kaya ako) kaya si Yanna o si Kenneth ang pinapagawa ko ng trabaho.
"Prez! Prez!"
"Oh Ms. Baldante? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa PIO ng council.
"Prez yung kaibigan nyong si Ms. Montes nasa clinic po . Natamaan po ng bola!!" Napatayo ako bigla.
O_o
Lumabas na ako ng office at dumeretso sa clinic.
Yanna ano na naman bang nangyari sayo?!?!?!?!
Pabalibag akong pumasok sa clinic at mukang nagulat ko ata si nurse Jen. Lumapit na ako sa higaan ni Yanna pero may nahagip ang mata ko. Yung isang transferee. Bakit naman nandito to???
"I'm going,nurse Jen" sabi nya tapos tumayo na.
"Ok Mr. Ocampo. Thank you sa pag hatid ulit kay Ms. Montes" sabi ni nurse Jen. Ha?! ULET??? Magkakilala ba sila ni Yanna?
"Hhhmmm Ms. Okomura. Kailangan munang mag pahinga ni Ms. Montes"
"Ahhh ganun po ba. Sige po.Paki sabina lang po na babalik na lang ako after class" sabi ko tapos hinalikan ko sa noo si Yanna
Pahinga ka lil' sis
ARIANNA KATE'S P.O.V.
Hhhhmmm. Ansakit ng ulo ko. Minulat ko ang mata ko at napansin kong nasa clinic ako. Ano bang nangyari. Ang huli kong naaalala ay bigla na lang may something na matigas na tumama sakin. Then boom wala na akong matandaan. Hinawakan ko ang ulo ko at nakapa kong may bandage?
Pero may isa pa akong naalala eh. Yung panaginip ko.
May nakita akong dalawang tao sa isang bangin. Magkahawak sila ng kamay. Nung tiningnan ko yung muka nila nagulat ako na nakita ko ang sarili ko dun. Pero nung tiningnan ko naman yung lalake. Hindi ko sya makita masyadong malabo. Tapos nakita ko silang tumingala at tumingala na din ako. Nakita ko ang mga shooting star. Ang ganda ●0● . 'Ang ganda noh?' Tanung nung lalake sa akin? I mean yung ako na katabi nya . Nasa likod nila ako eh. Bat ganun. Hindi familiar yung boses nya? Tapos nanood na lang sila. I mean kami. Sila pala . Kami? Ay ang gulo ko.
Tapos wala na. Maya maya dumating na si nurse Jen tapos sabi nya na hintayin ko daw si Zhky. Tapos umalis na sya. Wait. Sino nagdala sakin dito?
BLUE FRANCO PHANTOMHIVE'S P.O.V.
"Blue. Tawagan mo na si Ryan. Sabihin mo nandito na yung pinapakuha nya" utos sakin ni K. Kinuha ko na yung cellphone ko. Pagbukas ko napangiti na lang ako dahil sa wallpaper ko. Tapos tinext ko na si Ryan. Sinabi ko na din na nandito kami sa Mansyon namin. Sama sama kami dito. Yaman namin noh?
Ako nga pala si Blue Franco Phantomhive. Wierd name diba? Description kamo? Eto lang yan eh... Gwapo. Gwapo. Gwapo. Tapos. Ang pinaka makulet at pinaka gwapo sa grupo. Pero wag nyu sasabihin kay Ryan ha!
Yung kanina si K yun Kristoffer Sandoval. The smartest. May itsura naman sya. Pero mas gwapo ako. Hahaha
Tapos yung hindi nyu pa naririnig magsalita ay si Tim Carlos Philips, The Silent one. Gwapo din.
At ang last but definetly not the least ang leader ng grupo namin si----
"WHERE'S THAT BASTARD???!!!!" Nakakagulat naman tong si Ryan.
Si Ryan Ocampo nga pala,ang leader namin.
"Oh kalma lang dude. Ayun sya oh. Nawalan lang ng malay kasi masyadong matigas eh" sabi ko sa kanya habang naka akbay sa kanya.
"Wake him. And I'm gonna kill him" matigas nyang sabi.
So sinunod na lang namin sya. Baka samin pa magalit yan nuh. Kawawa naman ang gwapo kong mukha. Pag nangyari yon pano na ako magugustuhan ng babes ko diba?
Binuhusan namin ng sobrang lamig na tubig yung may yelo pa.
"Bbbbrrrrrrr ... Ang lalalalammiiigggg" hahaahahaha nakakatawa yung itsuha nya. Kasu kami lang ni K yung tumawa. KJ nitong dalawa.
"Ano bang kasalanan ko sa inyo ha!!???" Tanung nya samin ni K. Hindi nya pa napapansin sina Carlos at Ryan na naka upo sa sofa sa gilid ng bintana.
"*smirk* samin wala pero sa pinaka mamahal na babae ni Xander meron" sabi ni K.
"Alin ba? Ahhh yung lampa na panget---" nagulat naman kami nung natumba sya kasama nung upuan. Kasi nakatali sya dun eh. Nakita naman namin na asar na asar si Ryan. Naku lagot.
"Dude upo na lang din tayo don. Panoorin na lang natin sila." Bulong ni K sakin. Umupo na lang kami katabi ni Carlos na nagbabasa.
Tiningnan naman namin si Ryan. Nakita namin na kinalagan nya yung lalake. Pagka alis naman ng tali nya ay sinunggaban nya agad si Ryan pero umusog lang ito ng kaunti kaya naka ilag ito ay nadapa. Tumayo sya ulit at muling sinuntok si Ryan pero hinawakan lang ni Ryan ang kamao nito at sinuntok sa tyan. Ouch. Mukang masakit yun ah. Natumba naman agad yung lalake at si Ryan naman tinadyakan lang ito sa tyan ng malakas kaya tumalsik sya dun sa dingding. Kawawa naman. Ang weak kasi. Pupuntahan sana ni Ryan yung lalake nung bigla na lang tumunog ang cellphone nya. Tiningnan nya ang caller at bigla na lang kumunot ang noo nya. Sino kaya yun? Sinagot nya naman yung caller. Bumuntong hininga naman sya at sa tingin ko inend na nya ang call. TIningnan ko ang lalake na sinipa ni Ryan. Ayun tulog na. HAhahaha.
Si Ryan naman ay tuluyan ng umalis. Hindi man lang nag paalam.
Hay. Kailangan na naman naming ipalinis tong kalat ni Ryan. Tsk tsk tsk.
BINABASA MO ANG
Shooting Star
Teen FictionArianna Kate Montes- isang ordinaryong babae. Simpleng buhay. Simpleng pamilya. Pero nang dahil sa pagmamahal nya... humiling sya sa isang... SHOOTING STAR And booommm Nabago ang simpleng buhay nya. Maraming dumating. Mga di inaasahang tao... at mga...