STAR 1★☆
Nandito ako nagyon sa Bookstore malapit sa bahay. Nagbabasa ako ng 'The Fault In Out Stars', favorite ko talaga tong book na to'. Nakaka inlove kasi si Agustus. Tahimik akong nagbabasa sa gilid ng shelfs nang biglang may tuwag sa pangalan ko.
" Yanna!!"
Nilingon ko naman ang tumawag sa akin at nakita ko ang sobrang gwapong nilalang na lumalapit sa akin.
"Ay!,oh ikaw pala yan!...Baket?" Tanong ko sa kanya.
"Ano yang binabasa mo?" Tanong niya sakin. Di agad ako nakasagot dahil sa nakatulala ako sa kanya
"Ahh..libro" Ay! Ano ba naman yan! Sa sobrang pagkatulala ko sa kanya, iba tuloy ang naisagot ko.
"Hahaha. Oo nga nuh!? Hindi ko napansin yun ah. Ano title?"
" 'The Fault In Our Stars' " sabi ko habang nakatingala sa kanya.Nakatayo kasi siya tapos ako nakaupo.
"Ahh yan ba? Super ganda nyan. Ang sarap ulit-ulitin " with matching killer smile pa yan ah.Naku kinilig na naman mga buto ko nito
" A-ahh ..oo nga eh "
At yun nga nagkwentuhan kami tungkol dun sa libro. Magkasabay na kaming umuwi. Isang bahay lang kasi yung pagitan ng Apartment namin at bahay nila. Hanggang makapasok ako sa room ko hawak ko parin yung book na naging dahilan ng pagiging close namin ni crush.
Ay! di pa pala ako nagpapakilala ako nga pala si Arianna Kate Montes,Yanna for short. 3rd year highschool na ako sa Royal Crest Academy. Kasama ako sa grupong STARS ,kami ng mga bestfriend ko ang kasali...lima lang kami sa grupo. Si Miyu,Manuel,Zhia, Zhky and syempre ako.
Nakatira ako sa apartment with my super poging kuya ,si Arnold Brian Montes. Dalawa lang kami dito kasi yung mama namin is on her Bussiness Trips. With S talaga kasi bihira lang sya umuwi dito. Parating busy.
After Dad died 3 years ago...
At yung kasama kong anghel kanina ay si Renz Kenneth Rombualdes. Crush ko sya. Hindi halata no?
After a few days mas naging close na kami ni Ken. Araw -araw nga kami sa bookstore at nagkekwentuhan eh.
Wednesday ngayon kaya may P.E. kami. Nagba basketball yung mga boys at syempre ang mga girls todo cheer. Ako? nag chi-cheer din naman pero kay Ken lang.
Nagsimula na ang game nila..lamang ang team ni Ken KO..
Ay inangkin daw ba?
Ui inner self ko. Waley you pakels.
Reality na nga.. At yun nga pumwesto sya sa three point lane tyaka tumalon ng pang NBA . And shoot ! Boom! Ang astig nya
.
"Woohhhh!!!! Ang galing mo Kenneth!!!"
At sino pa ba ang sumisigaw edi AKO!
Tumingin sya dito sa direksyon ko at kumindat.Ang pogi nya kumindat.
***
Natapos na yung game at magkasabay kami ULET .Kasi araw araw kami magkasabay eh .Simula nung sa bookstore.Tahimik lang kami ngayon .Aba himala at ang tahimik nito. Kadalasan kasi, napaka ingay at kulet nito.
"A-a-ah...Ken " nauutal kong sabi..eh panu ba naman .Bigla bigla na lang akong niyakap mula sa likod!
"Yanna" mahinahon nyang bulong sa tenga ko.I can feel his warm breath behind my earsz
" B-b-baket??"
"Yanna may sasabihin ako sayo bukas. Importante.Usap tayo sa bookstore after class" hala! ano kaya sasabihin nito.
" A-ahh eh.." Hala anu sasabihin ko?!
"Please" ihhh ang lambing nung boses nya
"S-sige"
"Thank you " sabay bitaw sa hug.Ay nag eenjoy pa ko eh.Hehehe.Chos!
Nung naka uwi na ako sa bahay naaalala ko parin yung sinabi nya sakin kanina.
"Yanna may sasabihin ako sayo bukas. Importante.Usap tayo sa bookstore after class"
Anu kaya yung importanteng yun?Baka naman ...Hindi hindi. Napailing na lang ako sa iniisip ko. Imposible. Pero...
BINABASA MO ANG
Shooting Star
Teen FictionArianna Kate Montes- isang ordinaryong babae. Simpleng buhay. Simpleng pamilya. Pero nang dahil sa pagmamahal nya... humiling sya sa isang... SHOOTING STAR And booommm Nabago ang simpleng buhay nya. Maraming dumating. Mga di inaasahang tao... at mga...