KABANATA -1

0 0 0
                                    

Kabanata 1

Mabilis na isinarado ko ang bintana ng makitang umalis na si papa, tanaw ang sasakyan nyang palayo sa bahay. Laging maaga syang umaalis para pumunta sa kabilang bayan at gabing uuwi o kung minsan ay hindi pa, madalang kaming magkita kahit pa nasa iisang bahay lang naman kami, piling ko ang layo layo nya. Halos minsan na lang kami magkasabay kumain at paminsan minsan nararamdaman ko syang pumapasok sa kwarto ko at hinahaplos ang aking buhok na katulad rin ng Kay mama. Ramdam ko ang lungkot nya kaya binabaling nya sa trabaho na lamang.

Walong taon na ang nakakalipas simula ng mangyari ang madilim na nakaraan na yon pero hanggang ngayon ay parang sariwa pa ang lahat nakikita ko pa rin ang sariling nakatayo at pinapanood ang nakahandusay na katawan ni mama. Hindi ko alam pero tuwing sasapit ang kaarawan ko ay napapanaginipan ko iyon, gusto kong maniwala na dahil lang yon sa pagkabigla ko pero habang tumatagal parang nagiging iba ang paniniwala ko roon. Parang may ipinahihiwatig ang panaginip na yon, parang may ibig sabihin kaya lagi kong nakikita sa pagtulog.

Bumalik ako sa higaan matapos makitang umalis na ang ama tumingala ako sa kisame para makapag isip isip, makahulugan ang panaginip na iyon para sa akin. Naramdaman kong unti unting bumubukas ang pintuan ng kwarto, hinayaan ko iyon at hindi binigyan ng pansin, nanatili akong nakatingala. Ngunit parang bumigat ang paligid kasabay ng panlalamig ng katawan ko natatandaan ko pang isinarado ko ang bintana kaya't walang masyadong makakapasok na hangin dito. May kung anong gumalaw sa tabi ko parang akong natulala sa nararamdaman kasabay non ang pag bulong sa akin.

"Amanda!" Isang boses na nagpabalikwas sa akin dahil sa lamig ng tono nito. Napabangon ako at agad tiningnan ang bumukas ng pinto, nabunutan ako ng tinik ng ang aming kasambahay iyon.

"Ay pasensya kana Amanda, nagising yata kita pagbukas ko... Idadala ko lang sana itong rosas na ipapalit ko napansin ko kasing lanta na ang nasa lamesa mo." Si manang sabay pakita ng kumpol ng rosas na dala

Gulat man dahil hindi galing sa kasambahay ang boses na iyon ay isinawalang bahala ko na lamang.

Matagal na dito si manang Feli saksi sya sa mga nangyari sa akin at sa pamilya namin. Bata pa lamang ako Isa na sya sa pinagkakatiwalaan ng pamilya dahil sa tagal nya na rin dito. Matanda na at medyo kulubot na ang balat, lumilitaw na rin ang mga puting buhok nito, pero kahit ganon ay malakas pa din para sa mga gawaing bahay. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa limampu na ang edad nito.

"Ah ayos lang po, kanina pa ako gising"

"Ikaw talagang bata ka siguro ay sinilip mo na naman ang ama mo pag alis, alam mo namang maaga iyong umaalis kaya't dapat natulog kana lang muna."  Aniya at naglakad patungo sa lamesa upang palitan ang nalantang bulaklak.

Pinagmasdan ko syang ginagawa iyon ng may tumabi ulit sa akin napabaling ako roon at nakitang umupo sa kandungan ang alaga. Siguro ay sya ang tumabi sa akin kanina, hinaplos ko ito sa malalambot at malaabong balahibo. Sya si Ash nakita ko sya ng umuwi ako galing burol, palaboy naligaw siguro sa daan kaya't sinama kona pauwi. Iyon ang ipinangalan ko sa kanya dahil sa kulay nito para sa akin isa syang regalo dahil natagpuan ko sya sa mismong kaarawan ko, sya ang nagpapagaan ng bigat na nararamdaman ko, masilayan ko lang sya parang nawawala na ang lahat.

Mula sa kulay abong malalambot na balahibo nito ay kapansin pansin din ang mga mata nitong berde. Maamo at tahimik tila bawat galaw nya ay malambing para sa akin. Malusog din ang katawan nito gaya ng natagpuan ko sya nais ko sanang hanapin ang nagmamay ari ngunit hindi ko alam kung paano dahil malayo ang bahay namin sa iba pang kabahayan dito. Nalilito rin ako kung pano sya naligaw dahil mukang sa itsura nya mas gugustuhin mong lagi syang nakikita siguro nga at mayaman ang amo nya dahil muka namang hindi ito napapabayaan dahil maganda ang kalusugan, may suot rin itong itim na kwintas na may gintong ahas na pendant nito.

"Tapos ko na ito Amanda bumaba kana para makapag almusal nakapagluto na si Minerba." Baling sa akin ni manang.

Tumango ako sa kanya agad naman syang lumabas ng kwarto dala ang mga nalantang bulaklak. Ibinaba ko si Ash sa kandungan at inayos ang nagulong kama. Pumunta ako ng banyo para makaligo na bago bumaba.

Hinubad ko ang suot na puting pantulog at inilagay sa lagayan. Pumasok ako sa loob ng paliguan at binuksan ito, isang maligamgam na tubig ang umagos kasabay ng pagdaloy nito sa buong katawan ko. Kinuha ko ang sabon at hinaplos sa katawan bago kinuha ang panghilod. Naging masarap sa pakiramdam dahil hindi malamig ang tubig nais ko pa sanang magtagal pero pinili ko na lamang lumabas roon. Pumunta ako sa tapat ng salamin at pinasadahan ng tingin ang katawan bago kumuha ng tuwalya na pamunas. Itinapis ko sa katawan ang tuwalya bago lumabas ng banyo para makapagbihis.

"Meoww." Napabaling ako kay Ash ng nagsalita ito.

Nakita ko syang nakatingin sa akin ng lumabas siguro dahil sa itsura ko na bagong ligo. Ngumiti ako dito kaso bigla itong tumalikod at naglakad papunta sa ilalim ng kama. Kumuha ako ng damit sa kabinet isang  simpleng abong bestida, nagsuklay ako at inayos ang sarili bago lumabas. Sumunod naman sa akin ang alaga ng nakitang binuksan ko na ang pinto.

Nadatnan kong nakahain na ang agahan ko kaya't umupo na ako, agad naman na tumalon si Ash sa kabilang upuan halatang sabik din sa pagkain. Nakita ko si ate Minerba na lumapit at kinalong ito.

"Halika nga ditong pusa ka, kakain muna ang amo mo mamaya mo na istorbohin bibigyan na lang kita ng pagkain." Aniya ni ate Minerba

Umalis syang dala si Ash kaya kumain na lamang ako doon. Laging ganto sa tuwing kumakain ako magisa sa tahimik na kusina kahit pa minsan ay sinasabihan ko ang kasambahay na sabay na kami ay tumatanggi sila dahil anak ako ng amo at nirerespeto nila iyon kaya naman wala akong magawa kung iyon nga ang gusto nila.

Pagkatapos kumain ay dumeretcho ako sa sala para magpalipas ng oras nakita ko namang naroon na din si Ash nakahiga at mahimbing na natutulog. Sandali ko itong hinaplos bago lumabas para pumunta sa likod ng bahay.

Tanaw ang maaliwalas na kalangitan naglakad ako patungo sa kumpol ng mga rosas na nakatanim. Parang walang pinagbago dahil matingkad pa rin ang mga kulay nito naguumapaw sa kagandahan bawat piraso. Pinadaan ko ang kanang kamay ko rito upang haplosin napangiti ako sa lambot nito. Naglakad pa ako para libutin ang iba pa napagpasyahan kong pumitas ng isa nang matagumpay ko itong napitas ay napaatras naman ako at naihulog ito dahil natusok ng tinik.

Naramdaman kong dumilim ang paligid at kumidlat mukang nagbabadyang umulan dahil sa pagpalit ng klima. Malakas na kidlat ang nagpagulat sa akin habang nakatingin sa langit nakita ko naman si Ash sa paahan ko kaya't kinarga ko na at agad na naglakad papasok ng bahay. Hindi ko namalayan na naiwan pala ang tinik sa daliri ko kaya't umupo ako sa sala para tanggalin ito. Nang matanggal ay umagos ang mumunting dugo roon.

"Meoww..." Si Ash na nakatingin pala sa ginagawa ko. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman nagmamadaling napatakbo ang kasambahay sa pintuan para isarado ito.

Pinunasan ko ang daliri ng puting panyo pero may lumabas ulit na dugo. Lumapit ang alaga ko sa akin at dinilaan ang daliri ko nawala ang pagdurugo non kaya napangiti ako sa ginawa nya.

"Good boy," kinamot ko ang ulo nya at napahiga ito sa tabi ko.

Nagpatuloy ang malakas na ulan buong araw kaya hindi nako nakalabas ng bahay pa. Natulog na lang ako sa kwarto ng hapon at bumaba ulit para maghapunan ng tawagin ni manang Feli. Bumalik ako sa kwarto matapos non at sandaling nagbasa bago pumunta sa banyo para makapagpalit ng pantulog.

Napasinghap ako sa naabutan.

---

I hear your whispersWhere stories live. Discover now