KABANATA -5

0 0 0
                                    

Kabanata 5

Nagising ako na maayos na ang pakiramdam, hindi na ako nilalagnat tumayo ako at nagtungo sa bintana binuksan iyon. Papasikat na ang araw medyo umaaliwalas na din ang paligid dulot nito, bumalik ako sa kama at naupo binuksan ko ang kalsunsilyo ng maliit na lamesa. Kinuha ko ulit ang maliit na pulang kahon pinagmasdan ko ang kwintas, totoong nangyari iyon dahil narito pa din ang bagay na ito.

Binalik ko ulit iyon, wala akong balak isuot iyon dahil hindi ko kilala ang nagbigay, bigla kong naalala ang paghalik nya sa dibdib ko, totoo bang ginawa nya iyon?  Nanginit ang mukha ko sa naiisip kinapa ko ang dibdib ko at sinilip iyon, naroon din ang tattoo hndi rin nawala kaya siguradong sigurado na ako na totoo iyon.

Dumungaw ang mukha ni Manang Feli sa pinto napabaling ako doon, unti unti ay binuksan nya at pumasok.

"Akala ko'y tulog kapa, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Aniya at hinaplos ang noo ko.

Tumango ako bilang sagot. "Hay salamat, mabuti naman kung ganoon Oh sya maya maya bumaba kana para makapag almusal, maiwan na kita dito at ako'y may mga gagawin pa."

"Sige po."

Umalis si Manang, nagpasya naman akong maligo na para makababa. Habang umaagos ang tubig sa katawan ko ramdam ko pa rin ang labi nya sa dibdib ko. Hinaplos ko iyon naalala ko rin ang mga salita nya

'maligayang kaarawan Aking Binibini, sanay magustuhan mo ang aking handog'

Ngayon ang ika-labing walo kong kaarawan, espesyal yon para sa iba dahil simbolo iyon ng pagiging ganap na dalaga ng isang babae. Bagama't sa akin hindi ko na naiisip yon dahil tuwing sasapit ang kaarawan ko ay kulang ang pamilya, wala na si mama at minsan naman ay wala din si papa tanging mga kasambahay lang ang nagpipilit na maghanda para sakin, hindi ko alam kung nakalimutan na ni papa O sadyang kinalimutan na nga nya, dahil ito rin ang araw ng mamatay si Mama. Masakit, Oo masakit na sa mismong kaarawan ko pa nangyari iyon, na dapat ang araw na maging masaya ako, ay naging araw na malungkot ako. Ni hindi nga ni papa maalalang bigyan ako ng regalo tanging bati na lang ang nagagawa nya dahil nakalimutan nya raw o kaya naman wala syang oras para bumili.

Pero ngayon kahit papaano may unang taong nagbigay sa akin ng regalo, kahit pa natatakot pa rin ako eh mas nangingibabaw ang galak sa puso ko. Sya rin ang unang bumati sa akin sa araw na ito, hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot ngayon dahil ngayon ang ika-11 na taon ng pagkamatay ni Mama, pero para sa akin... Isa itong espesyal na araw.

Bumaba na ako para makapag agahan, nakahanda na sa hapag ang pagkain kaya naman kumain na ako.

"Maligayang kaarawan po Miss Amanda" si Minerba at inilagay sa gilid ko ang isang basong tubig na dala nya.

"Salamat po"

"May gusto po ba kayong puntahan ngayong araw? Sabi kasi sa akin ni Manang Feli samahan daw kita at baka may mangyari ulit sayo."

"Ganoon po ba, pagiisipan ko pa kung saan maganda mamasyal."

"Hindi ba't ngayon di ang araw ng pagkamatay ni Senyora Clara?" Aniya

"Oo" tipid kong sagot.

"Pasensya na po, nakakalungkot lang na sa mismong kaarawan mo pa. Napakabait ni Senyora kaya't nakakapang hinayang."

"Ayos lang, gusto ko rin bisitahin ngayon ang puntod ni Ina."

"Sige po, sasamahan ko kayo." Aniya

Tumango ako.


Narito ako ngayon sa hardin ng mga rosas, parang walang pinagbago makukulay at masisigla pa rin ito kahit ilang taon na ang lumipas. Siguro'y inaalagaan talaga ng mabuti nina Manang Feli lalo na't isa ito sa pinakamahalagang alaala na naiwan ni Mama. Kinuha ko ang gunting sa basket na hawak at lumapit sa bundok ng mga naggagandang rosas. Sinimulan ko ng pitasin ang rosas, balak kong magdala nito sa puntod ni Mama.

Nang makakuha ay nilagay ko iyon sa basket na dala at nagtungo na papasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Manang Feli na naglilinis sa kusina, napangiti sya sa dala ko.

"Para sa iyong Ina?"


"Opo"


"Siguradong matutuwa iyon"


Tumango ako at nagtungo sa sala para makakuha ng magandang panali. Nang makabalik sa kusina wala na si Manang at si Minerba naman ang naroon. Umupo ako sa upuan at sinimulang ayusin ang mga rosas, isang puting panali o ribbon ang ginamit ko. Inilagay ko sa gitna ang mahahaba na bulaklak at sa gilid ang maliliit, tinanggal ko rin ang ilang dahon at mga tinik rito bago ipinalibot sa tangkay ang panali.

"Wow... Ang ganda naman po nyan Miss Amanda" Puri ni Minerba.

"Maganda ba? wala naman akong alam sa pagaayos ng bulaklak."


"Maganda po, baka nga bumangon pa sa himlayan si Senyora pag nakita yan." Aniya

Napatingin ako sa kanya, bigla nya naman naisip ang nasabi "ah pasensya na po, ang ibig kong sabihin baka matuwa po si Senyora sa ginawa nyo."

"Sana nga, gusto ko rin syang makita kahit sa panaginip lang, namimiss ko na si mama."


Matapos non ay nagtungo na kami sa puntod ni Mama, lumapit ako doon at inilapag ang dalang rosas sa gilid ng nitso. Nagsindi rin ako ng dalawang kandila sa magkabilang gilid saka naupo sa harap.

Malapit sa burol ang lugar kung saan nakahimlay si mama, ngunit hindi mismo sa tuktok dahil mataas na parte na roon, narito sya babang parte.

Payapa ang paligid at tahimik. Madamo na rin ang gilid nito kaya naman tinanggal ko, habang nakaupo ako nasa lilim ng puno naman sina Minerba at ang alaga kong si Ash tinatanaw lamang ako. Napabuga ako ng hangin at tiningnan ang puntod ni mama

In loving memory
ANASTACIA CLARA T. LABROSCA
BORN: APRIL 21, 1970
DEATH: SEPTEMBER 06, 2006

Unti unting umagos ang maiinit na luha ko, hindi ko alam pero kahit pala ilang taon na ang lumipas ang sakit pa, hindi pa rin ako nakakawala sa kalungkutan na dala dala ko at hanggang ngayon nakakulong pa rin ang puso ko sa mga alaala ni mama. Dahan dahan kong hinaplos ang pangalan nya.

"Mama, ako po ito si Amanda. Masaya po ba kayo? kase ako hindi." Sunod sunod na umagos ang luha ko.

"Sya nga pala dinalhan ko kayo ng gusto niyong bulaklak, ako po ang pumitas nyan at ako ang nagayos, maganda ho ba?" Napangiti ako ng mapait.


"Sana magustuhan nyo, alam nyo ba mama ngayon ang ika-labing walong kaarawan ko at ngayon din ang 11 na taon na wala ka sa piling namin. Dalaga na po ako pero hindi ko alam kung ano ang tatahakin kong buhay sa susunod sana ay nariyan kayo para gabayan ako, pangako po aalagaan ko si papa hindi ko sya iiwan. Mama, miss ka na po namin ni papa lagi syang malungkot at iniisip ka. Sana po masaya kayo kung saan man kayo naroroon, balang araw magkikita din po tayo at siguro sa pagkakataong yon puro kasiyahan na lang ang mararamdaman natin. Mahal ko po kayo mama, at kahit kailan hindi ko kayo kakalimutan mananatili kayo sa puso ko."

Napapunas ako sa sariling luha at niyakap ang tuhod, kasabay ng pagsibol ng pantanghaling hangin na yumayakap sa kabuuan ko, napangiti ako ng mapait, tila Isa iyong sagot galing kay mama at dinadaluhan ako.

Nang matapos ay naglakad na kami sa kakahuyan upang makabalik, kaso nasa kalagitnaan kami ay hindi ako mapakali sa paglalakad. Nasa unahan naman si Minerba kalong si Ash, napalinga linga ako sa paligid may hinahanap. Nang walang makita ay nagpatuloy ako ngunit ilang hakbang ulit ay may kaluskos akong narinig mukang hindi napansin iyon ng kasama ko dahil patuloy sila sa paglalakad, napabaling ako sa likuran.

Napasinghap ako sa nakita, iyon yung nakaharap ko rin dito sa kakahuyan malayo sya, nakatingin sa akin habang nagtatago sa puno. Ganoon din ang suot nya balot balot ng itim na tela at hindi aninag ang mukha, Sino sya? Bakit kailangan nyang magmasid sa akin? kaya naman nagmamadali akong sumunod kay Minerba, baka lapitan nya ulit ako at baka sa pagkakataong ito ay wala na akong ligtas.

Napapatakbo nako kakahabol kay Minerba kaya ng maabutan ko sya ay lumingon ulit ako sa likuran ngunit wala na ito roon. Kinakabahan ako.

"Minerba bilisan na natin."

"Sige po Miss Amanda."




Nilakihan ko ang hakbang para makalayo roon.


---

I hear your whispersWhere stories live. Discover now