KABANATA -9

0 0 0
                                    

Kabanata 9

Naramdaman kong gumalaw si Priam, pero hindi ako gumalaw at nanatiling nakatakip sa aking mukha.

"Lalabas na muna ako, papupuntahin ko si Hyra dito para tulungan kang magbihis." Aniya ngunit hindi ako sumagot.

Dahan dahan ay ibinaba nya ang kamay ko na nakatakip, "Nahihiya ka ba dahil nakita nila tayo?"

Napatango ako habang nakayuko. "Hayaan mo sa susunod at isasarado ko nang mabuti ang pinto." Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "A-ano? May susunod pa. Baliw ka ba, alam mo hindi ko alam kung anong nangyayari, kung bakit ako nandito o kung nanaginip ba ako. Ang daming tumatakbo sa isip ko ang dami kong katanungan gusto kong maliwanagan sa lahat. At isa pa hindi ko alam kung bakit narito ako sa kwarto mo." Singhal ko sa kanya.


Napabuntong hininga ito, "Maghanda ka na muna, mamaya ko na ipapaliwanag." Iyon lamang ang tanging isinagot nya sa mga sinabi ko.

Tumayo ito sa kama at naiwan akong nakatulala sa saradong pinto kung saan sya lumabas.

Naguguluhan na ako kung panaginip ito bakit hindi pa ako nagigising bakit detalyado lahat ng nangyayari. Nasaan na sina Manang Feli ang mga kasambahay at si papa. Paano ako napunta sa lugar na ito, sa kwartong ito...

Dinakip ba ako?

Ngunit Wala akong maalala. Mariin akong napapikit sa pagaakalang panaginip lang ang lahat at magigising ako kapag ginawa ko iyon. Kasabay non ang pagbukas ng pinto na nagpamulat sakin.


Bigo akong napatingin sa babaeng pumasok dahil narito pa rin ako sa panaginip ko na napakahaba. May kasama itong isang alalay na may dalang magarbong damit, kung hindi ako nagkakamali sya ang babaeng pumunta rito kanina at sa pagkakatanda ko ay Hyra ang ngalan nya.

"Ilagay mo na lamang iyan doon Liana at iwan mo na kami rito makakaalis kana."  Turo nito sa isang upuan.

"Opo, Prinsesa Hyra." Agad naman sumunod Ang alalay at umalis rin.

Naiwan kaming dalawa roon, kinakabahan ako sa babaeng kaharap ko. "Nagagalak akong makilala ka Amanda, ako nga pala si Hyra Lienne, pinsan ako ni Priam at ang kasama ko kanina ay ang kapatid ko naman. Ah hinde kakambal pala si Hiro Leonne."


Kaya pala malaki ang pagkakahawig nila dahil kambal ito. " A-Amanda Grey Labrosca." pagpapakilala ko hindi ko alam ang sasabihin dahil naiilang ako sa kanya.

Umupo ito sa gilid ng kama at saka nagpakawala ng malalim na hininga. "Alam kong may mga katanungan ka pero hayaan mong si Priam ang sumagot non bigyan mo muna sya ng panahon. Sa ngayon ay wag mo na muna isipin sapagkat maguguluhan ka lang."

"Kung ganon maaari ba akong magtanong ng isang bagay?"

"Ano iyon?" Aniya.

"Nasaan ako? "

Tipid itong ngumiti. "Narito ka sa kaharian ng Leveret." Sagot nya


Tumango ako natatandaan kong iyon ang sinabi ni Priam ng magpakilala sya, kung ganoon ay hindi nga sya nagsisinungaling. At maaaring hindi talaga panaginip ang lahat!

"Halika na't maghanda ka na hinihintay ka na nila." Aniya. Nagising ako sa pagkatulala dahil sa sinabi nya.


"Nila? S-sino?"  Naguguluhang tanong ko.


"Malalaman mo rin kapag nakababa na tayo kaya't huwag ka ng magsayang ng oras riyan mag ayos ka na ng iyong sarili upang makilala mo na ang tinutukoy ko."


I hear your whispersWhere stories live. Discover now