Kabanata 4
Naririnig ko ang mga boses sa paligid parang nagaalala ito pero hindi ko mabuksan ang mata ko. Nanghihina pa ako, mabigat ang pakiramdam ko. May naramdaman akong dumadampi sa noo ko malamig iyon, may masakit na bagay na tumusok sa braso ko. Doon na ako napamulat dahil mahapdi iyon.
Isang muka ng nakaputi na lalake ang sumalubong sa akin, bata pa ito siguro'y nasa dalawampu ang edad nya.
"Kamusta ka Miss Labrosca?" tanong nya.
Naguguluhan ako kung sino ito, napataas ang kilay ko hindi alam ang nangyayari. Mukang nabasa nya ang nasa isip ko kaya agad sinundan ang tanong nya.
"Pasensya na, Ako si Doktor Rafael, pinapunta ako dito para magamot ka galing ako sa kabilang bayan." Aniya
"D-Doktor?" Tanong ko sa pagkakaalam ko nasa kakahuyan ako.
Tumango ito at ngumiti. "T-teka nasan ako?" Naguguluhang tanong ko.
"Narito ka sa kwarto mo, dito sa mansyon nyo." Sagot nito.
Napatingin ako sa paligid at kwarto ko nga ito, nakita ko sa malapit sa pinto si Manang Feli bakas ng pagaalala ang mukha, may mga gamit din sa lamesa sa gilid ng kama ko siguro'y ay dala ni Doktor Rafael ang mga ito. Nakapagpalit na din ako ng damit nakapantulog na ako ng bistidang puti. Nalilito ako sa nangyayari dahil sa pagkakatanda ko ay kaharap ko ang isang nilalang kaya paano ako nakauwi dito, wala akong maalala na nakauwi ako ng mangyari iyon at ramdam ko pa rin ang kaba kapag naaalala ang presensya nya.
Gusto kong magtanong, gusto kong malinawan kase baka nanaginip lang ako pero detalyado lahat kaya sa tingin ko'y totoo iyon. Nanghihina pa rin ako at nararamdaman ang kirot ng ulo ganon din sa braso.
"Ang mabuti pa magpahinga kana para gumaling ka, mataas lang naman ang lagnat mo siguro'y dahil sa ulan kanina. Tinurukan na din kita ng pampakalma dahil nanginginig ang katawan mo kanina." Aniya.
Siguro iyon ang naramdaman kong tumusok sa braso ko kanina. Tumayo na si Doktor Rafael at nagpaalam sa akin.
"Ahh Manang ipagpatuloy mo lang ang pagpapainom ng gamot sa kanya at huhupa rin ang lagnat nya, iniwan ko na dito ang mga gamot naisulat ko na din kung anong oras dapat ikaw na ang bahala dahil kelangan ko na rin bumalik sa Ospital para sa mga pasyente roon."
"Ah sige ho Dok, maraming salamat sa tulong." Si Manang
"Walang anuman, kung magka problema ay tawagan nyo na lang ulit ako."
"Sige ho Dok."
Umalis na si Doktor Rafael, hinatid ito ni Manang Feli sa labas at doon na sila nagpatuloy sa paguusap. Naiwan naman ako magisa sa kwarto iniisip lahat ng nangyari malabo pa rin sa akin ang lahat ang daming tumatakbong katanung sa isipan ko. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na konektado ito sa mga panaginip ko, ang mga bagay na hindi ko maipaliwanag, ang mga nakakatakot na nangyayari sa akin. Lahat ng iyon gusto kong mabigyan ng kasagutan pero hindi ko alam papaano at paano sisimulan.
Bumukas ang pinto napabaling ako doon, iniluwa non si Manang Feli may dalang pagkain. Inilapag nya iyon sa mesa sa gilid ng kama ko.
"Amanda eto at nagdala ako ng pagkain kumain kana para lumakas ka." Ngumiti ito.
Umupo naman ako sa kama. "Manang ano pong nangyari sa akin?" panimula ko.
Tiningnan nya ako ng isang nagaalalang mukha, umupo sya sa gilid ng kama ko. "hija hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo nyan?" pagbalik nya sa akin ng tanong. "Anong nangyari sayo sa burol?"
YOU ARE READING
I hear your whispers
VampireIt's already twelve in the evening where exactly the day she's waiting for... her birthday. Louse dark brown curly hair wearing a gray floral dress perfectly suited for her pale skin she's walking barefooted in the silent midnight. A little bit ex...