KABANATA -7

0 0 0
                                    

Kabanata  7

Nilinis ko muna ang mga ginamit ko sa paggamot sa kanya. Lumapit ako sa kama para iayos ang kumot sa katawan nya itinaas ko iyon hanggang dibdib nya, kaya laking gulat ko na lamang ng bigla nitong hawakan ng mahigpit ang pulsohan ko. Agad akong napabaling sa kanya unti unting bumukas ang mata nito hindi ko na nakita na kulay pula dahil itim ang sumalubong sa akin. Pinagmasdan ako nito sa mga mata kaya sinuklian ko rin iyon kagaya ng ginawa nya mas tinitigan kong mabuti ang mga mata nya.

Nagbabakasakaling maging pula ulit ito at gusto kong makasiguro kung tama ba nagbabago iyon ng kulay.


Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito kapagkwan bago binawi ang tingin na tila sumusuko na kaya naman natanggal din ang kamay nya sa pulsohan ko. Samantalang nanatili naman akong nakatayo sa tabi nya.


"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko.


Hindi ito sumagot. "Nilagyan ko na yan ng langis at nakita ko ang lason na natanggal, siguro'y gagaling na yan makalipas ng ilang araw."


Nanatili itong tahimik at hindi man lang ako binabalingan pero hindi ko yon pinansin. "Ah may dinala akong pagkain dito kumain kana para makabawi ng lakas mo. Kung gusto mong mapaisa iiw--"


"Ayos lang ako." Putol nya sakin ng akmang tatalikod na ako.


"Huh?"


"Tinatanong mo kung kamusta ang pakiramdam ko, ang sagot ko'y 'ayos lang ako'". Aniya

"Ah ganon ba mabuti pala. Kung ayos lang sayo maari ko bang malaman ang panga--"


"Barbara" putol nya sa akin


Napatingin ako sa kanya, "Iyon ang ngalan ko."


"Ah ako si Amanda Grey. Amanda na lang."


Tumango ito. Medyo nawiwirdohan ako sa mga kilos nya dahil matalim ang tingin nito paminsan minsan at parating pinuputol ang sasabihin ko na tila alam nya na ang gusto kong sabihin. Nang wala na akong maisip na itanong ay iniwan ko muna sya sa kwarto para makakain, binigyan ko rin sya ng damit na masusuot para makapagpalit.

Magdidilim na nang bumalik ako sa kwarto galing hardin doon ako nagpalipas ng oras nang iwan ko si Barbara. Pagbukas ko ng pinto ay madilim na sa kwarto  pero tanaw ko syang nakatayo sa bukas na bintana tila malalim ang iniisip, suot nya na rin ang damit na iniwan ko at wala na rin ang pagkain. Binuksan ko ang ilaw at agad nagliwanag sa paligid nanatili sya doon parang ayaw ng kausap kaya naman lumapit ako sa kanya.


"Kailangan ko ng umalis." Aniya na nagpahinto sa akin sa paglapit sa kanya


"Hindi ba't hindi pa magaling ang sugat mo baka lalong lumala yan kapag iginalaw mo agad."

"Maayos na ako." Aniya.


"Ngunit kailangan mo pa ng sapat na pahinga maaari ka munang pumarito, ayos lang sa akin."


Binalingan nya ako bago huminga ng malalim. "Maraming salamat sayo Amanda ngunit mas magandang umalis na ako, hindi ako maaaring magtagal dito, sa lugar na ito, sa bahay mo. Alam ko nagmamagandang loob ka lang naman sa nangangailangan naiintindihan ko ang kabutihan mo, ngunit hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong tumulong sa nangangailangan."


Hindi ako nakasagot dahil naguluhan ako sa huling sinabi nya. "Paano kung sa ginawa mong pagtulong sa akin ay mapahamak ka? kaya habang may oras pa kailangan ko ng umalis at makalayo rito, iyon lang ang tanging maisusukli ko sa kabutihan mo. Ang kaligtasan mo."

I hear your whispersWhere stories live. Discover now