KABANATA -3

0 0 0
                                    

Kabanata 3

Narito ako ngayon sa loob ng silid aklatan nagbabasa ng kung ano ano tungkol sa panaginip at mga kahulugan nito. Masyadong malalalim ang ibig sabihin ng bawat panaginip maaaring ito'y masama O mabuti depende sa kung anong klase ang panaginip.

Dalawang taon na ang lumipas O sampung taon ng mamatay si mama. Nagkalat na ang mga aklat na natapos kong basahin dahil hindi ako sangayon sa paliwanag nito. Hapon na pinili kong dito magpalipas ng oras pagkatapos mananghalian sa pagbabaka sakaling  mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan ko O kung may gamot ba sa ganitong uri ng panaginip. Sinasabing kapag masaya ang panaginip ay mabuti ito kaya't walang dapat ikabahala kapag malungkot naman ay maaaring masama O dahilan lang ito ng sobrang pag iisip. Hindi pa rin sapat sa akin ang mga nababasa ika-apat na ng hapon ngunit narito pa ako, mahimbing lang na natutulog si Ash sa lamesa  siguro'y napagod na rin kakapanood sa akin.

Nilapitan ko ito at hinawakan ang balahibo nawawalan na ako ng pag asang magbasa pa rito dahil baka wala naman talaga dito ang hinahanap ko. Napatigil ako ng may makitang aklat sa lamesa kung saan nakahiga si Ash, kinuha ko ito pinagmasdan ang pabalat. Medyo luma kulay pula ito at may bilog sa harap na kulay pilak parang buwan ito O kung tama ako ay buwan talaga ito nakikita ko ang sarili sa kislap ng pilak nitong kulay, may naka imprenta ring salita sa baba nito malaking letra na F. M. C. hindi ko alam ang ibig sabihin non.

Binuklat ko ito kasabay ng pagihip ng hangin sa mukha ko napalunok ako sa unang pahina naroon ang larawan ng babaeng nakahiga sa lamesang bato habang nakaharap sa bilog na buwan na tila sinasamba ng mga tao. Nagpatuloy ako sa pagbuklat, binasa ang mga nakasulat.

Sampung dekada na ang nakakalipas. Sinasabi dito ang lalaking isinumpa sa gitna ng kabilugan ng buwan ang pag kakagulo ng dalawang mataas na pamilya dahil sa umibig ang babae sa mababang nilalang at hindi sumunod sa kasunduan na maging kabiyak ang lalaking ipinagkasundo dito. Isa iyong malaking kasalanan sa buong imperyo ang paglabag sa batas na umibig sa hindi kapantay ng estado at nararapat lamang patawan ng pinakamabigat na kaparusahan  ang kamatayan. Nasabing nagbunga ang pagiibigan ng dalawa isang sanggol na lalaki ang isinilang sa gitna ng digmaan ng dalawang pamilya,. nang gabi ring iyon nalaman ng kabilang panig ang pagtaksil nito sa napagkasunduan kaya't naging mainit ang lahat sa nasaksihan dahil parehas makapangyarihan hindi naging madali ang mga pangyayari., Pinatawan ng kamatayan ang dalawang nagiibigan maraming hindi sangayon ngunit wala silang magagawa kapag batas na ang kumilos ngunit hindi kuntento ang kabilang panig kaya't isinumpa ang anak nito.

Sumpa sa kabilugan ng buwan maaaring ikamatay ito kung hindi agad malunasan. Pagpapahirap sa isang tao unti unti nitong pinapatay ang puso sa paglipas ng panahon hanggat walang lunas.

Isang sumpa na hindi alam kung mababali pa ba. May babaeng isisilang na syang magtutuwid ng lahat may nakaukit itong tattong rosas sa kanang dibdib ngunit walang nakakaalam kung saan matatagpuan ang babaeng ito. Sya ang babaeng nasabing itinakda rito kung kaya't sya lang rin ang makaka tanggal ng sumpa


Isinarado ko ang aklat parang hindi pa ito tapos at kulang pa ang mga detalye na nakalagay. Napakamot ako dahil hindi naman iyon ang hinahanap kong aklat hindi naman nakasulat doon ang tungkol sa panaginip o kung ano pa man na maguugnay sa mga nakikita ko. Napabuntong hininga ako nilapitan ang nagkalat na mga libro ibinalik ko iyon sa kani kaniyang lagayan at tinapik ang alaga para makalabas na.

"Ash! tara na." Tumalon ito sa lamesa sumunod sa akin.


Madilim na ng makababa kami pasadong alas sais ng hapon nag aagaw na ang dilim at kahel na kalangitan.

"Amanda, mabuti naman at bumaba kana pupuntahan na sana kita sa silid mo, nakahanda na sa hapag ang hapunan mo."  Si manang Feli nang makasalubong ako sa Sala


I hear your whispersWhere stories live. Discover now