Kabanata 6
Nang matapos mananghalian ay umakyat na ako sa kwarto para mag siyesta. Nagising ako sa kalampos sa bintana na paulit ulit na nagiingay. Dahan dahan kong iminulat ang nanlalabong mga mata at kinusot iyon nang maging malinaw ay ibinaba ko ang mga paa sa kama. Hinawi ko ang kortina na nakasara para makita ang nagiingay, napasinghap ako ng makita ang kawawang itim na ibon na hinahampas ang katawan roon, may tama ang kaliwa nitong pakpak kaya naman ang iilang dugo ay dumidikit sa salamin ng bintana sa bawat paghampas ng sarili.
Dahan dahan kong pinihit iyon upang mabuksan agad naman bumagsak ang ibon sa sahig ng hindi na tamaan nito ang salamin. Nagulat ako kaya naman agad ko itong dinaluhan at inilipat sa kamay ko. Nakakaawa dahil mukang may matalim na bagay na tumama sa kanya kaya ito nasugat, sinuri ko ang katawan nya kung may iba pang sugat pero iyon lang. Dahan dahan bumukas ang mata niyon na mas lalong nagpagulat saakin dahil pula iyon, sa gulat ko ay nabitiwan ko ito at napaatras.
Nang maisip ko ang nagawa ay lumapit ako kung saan ko nabitiwan, ngunit sa hindi inaasahan ay wala na ito rito, lumuhod ako para tingnan ang ilalim ng kama para makita kung doon ba napunta ngunit wala rin. Unti unti ako tumayo ng walang makita roon, at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ang isang babae na nakahiga sa kama ko. Pikit mata ito tila nanghihina, may sugat rin sa kaliwang kamay at nangingitim ang gilid non. Napakunot ang noo ko.
Paano ito nakarating sa silid ko?
Nagtataka akong napabaling sa bintana pagkatapos ay sa babae... Bintana... Babae.
Hinde, tama ba ako ang ibon na iyon ay itong babaeng nasa harap ko? Iyon lang ang tanging naiisip ko, ngunit paano? Mahiwaga ba sya? Isang dyosa? Nakaitim rin ito ng damit abot paa ang bistida, at may mahabang manggas na yumayapos sa braso nya, itim na itim ang tuwid na hanggang balikat na buhok.
Agad ko itong dinaluhan ng makitang mas naninikip ang kanyang paghinga. Inilagay ko ang daliri sa ilong nya para pakiramdaman ang hininga pero sa tingin ko ay maayos pa naman, agad akong umalis roon at pumunta sa banyo para makakuha ng gamit panlinis sa sugat nya.
Pinunit ko ang manggas ng kaliwang braso nya, bago kinuha ang puting basang tela upang ipunas sa sugat. Mukang malalim iyon at hindi na maganda dahil iba na ang kulay, nangingitim ito at mukang iyon ang dahilan kung bakit nanghihina sya. Nang matapos linisin ay kumuha ako ng gamot para sa sugat at idinampi roon pagkatapos ay tinalian ng malinis na tela ang sugat. Hindi parin sya nagigising kaya nagpasya akong bumaba muna sinigurado kong naka lock iyon at dinala ko rin ang susi para walang makapasok. Nang makarating sa kusina ay dali dali akong kumuha ng plato, nalagyan ng pagkain at tubig. Kita kong pumasok si Minerba at napabaling sakin.
"Miss Amanda ako na po riyan, hindi ko alam na baba kayo akala ko ay tulog pa kayo." Aniya at lumapit sa akin.
"Ayos lang Minerba ako na, medyo nagutom lang naman ako. Sa kwarto na ako kakain."
"Sigurado po kayo? Naku ganyan din ako minsan pagkatapos matulog e nagugutom." Aniya mukang epektibo naman ang dahilan ko.
"Ahh... Parehas pala tayo." Sagot ko at mas binilisan ang paglalagay para makaalis na.
Agad ko ipinasok ang susi para mabuksan ang pinto bago pumasok. Tulog pa rin ito kaya nilapag ko ang dala sa mesa sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko ito at ilang sandali ay namumuo ang butil ng pawis nito sa noo napalapit ako sa kanya, idadampi ko sana ang puting panyo sa noo nya para punasan iyon nang mabigla ako sa pagmulat at pagbangon nya. Napaigtad ako ng maging pula ang mata nya bago naging itim, hingal na hingal ito maputla ang balat at nanunuyo ang labi.
Agad ko kinuha ang dalang tubig at pinainom sa kanya. "Eto"
Napatingin sya sakin bago nilagok iyon ng dire diretso. Napahawak ito sa lalamunan nya na parang naninikip at pilit na humihinga. Nagsalin ulit ako ng tubig para ibigay sa kanya kaso nang akma kong ibibigay na mabilis syang umiling.
"H--hindi yan makakatulong." Anito
Napataas ako ng kilay sa sinabi nya, baka naman uhaw lang sya. "Baka nauuhaw ka eto pa oh." Bigay ko.
Umiling lamang ito "A--ang sugat k--ko. May lason iyon, kaya nanghihina ako." Napahawak ulit ito sa leeg nya at halos lumabas ang ugat nito sa tindi ng nararamdaman, pawisan na rin sya at halata ang paghihirap.
"Ha? May lason? Ginamot ko na yan." Naguguluhang Tanong ko.
"Hindi. hindi mo naiintindihan, hindi iyon magagamot kailangan ko ng ibang halaman panglunas."
"Halamang gamot? Wala kami non dito nasa bayan pa ang pamilihan."
Huminga hinga ulit sya bago tumingin sa akin "Ang rosas." Aniya
"Rosas? Bakit anong meron don?"
"Pwede iyong gawing panlunas, mabisa iyon nakita kong meron kayo non sa likuran ng bahay niyo."
Naguguluhan man ay sinagot ko sya "anong dapat kong gawin?"
"Gawin mong langis." Aniya. At napahiga ulit sa kama hawak ang lalamunan halos mamula na sya at namimilipit kakainda nito.
Hindi ko na alam ang gagawin nagmamadali akong lumabas ng kwarto, ayokong may mamatay na naman sa harap ko kung kailangan tulungan ko sya para mailigtas gagawin ko. Dala ang gunting halos takbuhin ko na ang daan para makapunta sa hardin, nang makarating agad kong pinagpipitas ang mga nakita ko hindi ko alam kung gaano karami ang kailangan. Kaya naman ng makakuha ako ng sampung piraso agad ako nagtungo sa kusina.
Hinugasan ko ang mga ito, at sakto naman na kakarating lang ni Manang Feli.
"Oh hija nanguha ka pala ng rosas sana ay sinabi mo sa amin para kami na ang kumuha para sayo." Aniya.
"Hindi po kaya ko naman. Ah Manang alam niyo po ba kung paano gumawa ng langis gamit ito?" Tanong ko, dahil kahit ako ay walang ideya kung paano gawin iyon.
"Bakit mo natanong hija?"Aniya
"Ah nabasa ko lang po sa aklat na maganda sa balat ang langis nito." Pagdadadahilan ko.
"Hmm ganoon ba, gusto mo ba subukan naten?" Aniya. "May kaunting alam naman ako sa paggawa nito dahil minsan ko na ring nakitang gumawa si Senyora Clara, Oo ang mama mo sa kanya ko nakita ang paggawa ng langis gamit ang rosas."
Napatango ako sa sinabi nya. "Kaya siguro malawak ang taniman ng rosas eh dahil nagagamit din naman pala ni mama hindi lang pampaganda sa hardin."
Nagtungo kami sa lutuan at doon sinimulan namin ang mga gagawin. Mga purong bulaklak lang nito ang kailangan kaya naman hiniwalay namin iyon sa tangkay bago inilagay sa paglulutuan.
Matapos ang sampong minuto ay natapos namin ang paggagawa nito. Halos kasing tulad ng langis ng niyog malinaw ito at mabango rin. Inilagay ko iyon sa maliit na bote, sana lang ay maging epektibo ito para sa sugat ng babae na diko kilala. Nagpasalamat ako kay Manang bago umakyat ulit sa kwarto dala ang langis ng rosas.
Napasinghap ako sa naabutan putlado na sya at hindi gumagalaw, pikit ang mata. Hindi, hindi toh pwede imposibleng patay na sya, hindi iyon maaari at saksi pa ang kwarto ko. Agad ko syang nilapitan at umupo sa tabi nya inilapit ko ang tenga sa bibig nya para pakiramdaman ang hininga ngunit bumagsak ang puso ko ng wala na itong hininga hinawakan ko ang dibdib at pulso nya ngunit pare parehong walang pintig.
Namumuo na ang luha ko sa mata dahil sa nangyayari, ngunit ayokong mawalan ng pag asa ayokong mangyari sa kanya ang nangyari kay mama na wala man lang akong ginawa para maligtas pa ito sa kamatayan. Dali dali ko tinanggal ang pagkakatali sa sugat nya at kinuha ang langis ng rosas at pinahid dito. Unti unti kong nakikita ang naglalabasan na kulay itim na dugo mula sa hiwa nito pakiramdam ko'y iyon ang lason na nasa sugat nya. Nang humiwalay ang itim na dugo ay pinunas ko iyon kasabay nang unti unti pagbalik ng hininga nya.
Kumakalma na ang paghinga nya ngunit wala parin itong malay, hindi ko alam kung naging epektibo ba o hindi ang langis dahil tulog pa rin sya.
----
YOU ARE READING
I hear your whispers
VampireIt's already twelve in the evening where exactly the day she's waiting for... her birthday. Louse dark brown curly hair wearing a gray floral dress perfectly suited for her pale skin she's walking barefooted in the silent midnight. A little bit ex...