Kabanata 8
Matiim syang nakatitig at pinagmamasdan ako hindi ko alam kung kanina pa sya dito sa kwarto O ngayon lang.
Kinabahan ako sa presensya nya at sa paraan ng pagtingin nya sa akin kaya naman agad akong humakbang paatras kaya lang ng hahakbang ulit ako ng pangalawang hakbang ay mabilis nyang hinapit ang bewang ko, napahawak ang isa kong kamay sa matigas nyang dibdib dahil sa pagaalangang sumalpok ang mukha ko roon.
Agad ko syang tiningala dahil sa ginawa nya, at isang nakakapanglambot na ngisi ang sumalubong sa akin.
Diyos ko! ano bang nangyayari sakin bakit ang gandang lalaki ng nasa harap ko, sabihin nyong hindi ito panaginip at kung panaginip man sanay hindi na muna ako magising!
bakit ang daming pasabog ngayong kaarawan ko, ito na ba ang gantipala sa akin!?
Habang nakatingin ako sa kanya unti unti ay nilapit nya ang mukha sa akin kaya mabilis akong yumuko halos maamoy ko na ang bango sa katawan nya dahil sa lapit namin sa isa't isa.
"Napakaganda mo aking Binibini." Isang bulong na nakakakiliti sa tenga ang naramdaman ko kasabay ng pagtambol ng dibdib ko. Hinde... pati ba naman boses nya maganda,.. magsalita kapa, nais ko pang marinig ang tinig mo.
Napaahon ako sa dibdib nya ng parang hindi na sya gumalaw napakunot ang noo ko dahil inaamoy nya ang hibla ng buhok ko. Nilalaro ng daliri nya ang dulo nito.
"A--Anong ginagawa mo?" Sa wakas nakapagsalita na rin ako.
Napabaling sya sa akin, napakaganda ng mga mata niya. "Dati ko pa nais itong gawin Binibini ko, ang sarap mong amoyin singhalimuyak mo ang mga rosas." Aniya.
'Binibini ko' ang sarap sa tenga. "Dati? T--teka sino ka ba?" Mabilis akong lumayo at tinulak sya.
"Hindi mo pa pala ako kilala, ako si Priam Eros." Naglahad sya ng kamay sa harap ko.
"ahmm... Amanda. Papaano ka nakapasok rito?" Tanong ko, at hindi tinanggap ang nakalahad na kamay, agad nya din naman binaba iyon.
"Malalaman mo rin aking Binibini, sa ngayon kailangan na natin umalis." Aniya.
"A--ano ang iyong ibig sabihin? At saan tayo pupunta?"
"Malalaman mo lahat ng sagot sa mga tanong mong yan kapag sumama ka, alam kong maraming gumugulo sa iyong isipan na nais mong bigyan ng paliwanag."
"Paano ako sasama sa iyo kung hindi kita kilala." Napakrus ang dalawang braso ko sa dibdib.
"Hindi ba't nagpakilala na ako, ako si Priam Eros, Amanda."
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, wala akong alam tungkol sa iyo, hindi ko alam kung sang lugar ka galing O kung mabuting tao ka ba O baka may masama kang balak sa akin, kaya paano ako sasama!"
"Iyon ba talaga ang gusto mo? kapag ba sinabi ko sa iyo sasama ka na sa akin?" Aniya.
Naguguluhan man sa sinabi nya ay tumango na lamang ako bilang sagot.
"Ang buong pangalan ko ay Priam Eros Samovar, nagmula ako sa kaharian ng Leveret,"
"Leveret?... At kaharian? T--teka anong pinagsasabi mo, balak mo pa talagang magsinungaling meron bang ganon dito. Kung ganon ay hindi ako sayo sasama dahil sa pagsisinungaling mo."
"Totoo ang mga sinabi ko, Alam kong hindi ka maniniwala pero kung sasama ka sa akin siguradong malilinawan ka at mapapatunayan kong hindi kasinungalingan ang sinabi ko." Aniya
YOU ARE READING
I hear your whispers
VampireIt's already twelve in the evening where exactly the day she's waiting for... her birthday. Louse dark brown curly hair wearing a gray floral dress perfectly suited for her pale skin she's walking barefooted in the silent midnight. A little bit ex...