Kabanata 11
Pinagmamasdan ko ang mga sayaw ng dahon ng mga puno. Malaya nilang naigagalaw ang dahon nila at sumasayaw sa sariwang hangin. Ang lamyos at pitik nito ang tanging naririnig, mga lagaslas ng dahon sa bawat pagsibol ng malamig na hangin.
Pagkatapos kong kumalma kanina. Dinala ako ni Priam dito sa hardin nila. Hindi katulad ng meron sa bahay mas malawak ito kumpara roon. Mas marami ang nakatanim na bulaklak iba't iba, makukulay at masarap ding pagmasdan.
May sariling silang pahingahan dito. Nakaupo ako sa bakanteng upuan sa bilog na mesa kaharap si Priam na hanggang ngayon hinahayaan lang akong manahimik. Hindi rin sya nagsalita tila nagiingat sa magiging reaksyon ko.
"Prinsipe Priam pinapahatid po ni prinsesa Hyra, para sa inyo." Ang tagapagsilbi may dalang tsaa. Nilagay nya ito sa pabilog na mesa bago umalis.
Sinalinan ni Priam ang tasa ko ganon din ang kanya. Nilingon ko sya. "Salamat." Tumingin lang sya sa akin ngunit hindi sumagot.
"Sabihin mo paano ako nakarating dito hindi ba't nasa kagubatan tayo?" yun ang naaalala ko.
Humugot sya ng malalim na hininga. "Dumaan tayo sa lagusan, pagitan iyon ng mundo niyo at mundo namin."
"Huhh?" Litong balik ko.
"Hindi mo maiintindihan dahil kung pilit kong ipapaliwanag sayo baka hindi ka rin naman maniwala."
"Oo, inaamin ko noong una nagduda ako dahil sa uri ng kasuotan niyo, dahil iba ang lugar na ito, kakaiba ang kilos ng mga tao rito inakala kong isa lamang itong panaginip o dulot ng aking imahinasyon. Pero ngayong totoo nga ito tulad ng inyong sinasabi ni Hyra, gusto kong malaman kung bakit narito ako o kung bakit mo ako dinala rito. Ipaliwanag mo Priam bakit?"
Sa haba ng sinabi ko binalot muna kami saglit ng katahimikan bago sya umupo ng maayos at tinitigan pa ako. "Ikaw ang babaeng tinutukoy na nakatadhana upang baliin ang sumpa, ayon sa nakasulat sa propesiya."
"Ano!?" Litong lito na ako sa lahat ng sinasabi ni Priam. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o dapat ko bang paniwalaan lahat ng sinasabi nya.
"B-babaeng Nakatadhana?"
"Sumpa?"
"Propesiya?"
"A-ano bang pinagsasabi mo ha?" Singhal ko.
"Alam kong ganito ang magiging reaksiyon mo kaya hindi ko muna sinabi, maguguluhan ka lamang lalo't sa tingin ko'y hindi ka pa handang tanggapin ang lahat ng ito." Tumayo sya nilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa bago naglakad palayo.
Naiwan akong puno ng katanungan. Sa nalaman kong impormasyon kay Priam mas lalong gusto kong umalis sa lugar na toh. Mas gusto kong takasan ang lahat. Mas gusto kong tumakbo palayo. Mas gusto kong mawala. Mas gusto kong magtago at huwag magpahanap. Ayokong maniwala sa kanya pero bakit may parte sa sistema kong gustong paniwalaan sya, may parte saking gustong unawain sya, may parteng umaasang totoo nga ang sinasabi nya.
Kailan man hindi ganito ang pinangarap kong kahahantungan ng magiging buhay ko. Maaari bang takasan na lang ito? Bakit sa isang iglap pumasok ako sa ganto kagulong sitwasyon. Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat. Bakit sa isang iglap narito ako sa lugar na ito. Bakit sa isang iglap wala na ang pamilya ko. Bakit sa isang iglap iba na ang mga taong nasa paligid ko.
Paano ko ito tatanggapin?
Hindi ko kaya. Kailan man hindi pumasok sa isip kong talikuran ang pamilya ko. Hindi ko naisip na iwan si papa kahit may pagkukulang sya sakin simula ng mamatay si Mama. Hindi ko kayang hindi sya isipin sa gitna ng lahat ng ito.
YOU ARE READING
I hear your whispers
VampireIt's already twelve in the evening where exactly the day she's waiting for... her birthday. Louse dark brown curly hair wearing a gray floral dress perfectly suited for her pale skin she's walking barefooted in the silent midnight. A little bit ex...