SIMULA

3 1 0
                                    

Simula

"Amanda!" Galit na sigaw ni mama sa akin matapos akong suwayin sa muntikan ko ng pagpitas ng rosas.

Agad kong ibinaba ang kamay ko at inilagay sa likod, nahihiya sa inasal dahil ikinagalit ng ina. Ayaw ni mama na pumipitas ako hindi dahil sa ayaw nyang mabawasan ang mga rosas na tanim dito sa hardin kundi dahil ay matinik ang tangkay nato, at takot syang masugatan ako non. Naiintindihan man ang ina ay manghang mangha ako palagi kapag nasisilayan ang rosas dito dahil bukod sa kulay nitong pula na nagtitingkadan ay nakakaakit din ang halimuyak nito na sumasama sa sariwang hangin dito sa hardin.

Nilapitan ako ni mama at lumuhod sa harapan ko para mag lebel kami. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at hinaplos ang pisngi ko habang nakatanaw sa mga mata. Tumayo si mama at lumapit sa kumpol ng mga rosas pinagmasdan nya ito bago inilabas ang gunting at kumuha ng isa. Nilinis nya ang tinik bago inilahad sa harap ko.

Masaya kong tinanggap iyon at sabik na inamoy ang halimuyak na taglay nito na halos dumikit sa ilong ko.

Nasa hardin kami ni mama upang magpalipas ng oras banayad ang preskong hangin dito na sumasabay sa pag huni ng mga ibon di kalayuan. Naglakad pa si mama palayo sa akin upang pagmasdan ang lawak ng lupain kung saan nakatanim ang maraming rosas. Nanatili ako sa pwesto ko habang inaaliw ang sarili sa halaman na binigay.

Napatingala ako dahil sa isang itim na ibon na humuni sa taas ko. Tila ang paghuni nito'y nangangahulugan ng pagbabanta o paglukuksa dahil patuloy ang pagikot nito sa kalangitan. Pinagmasdan ko ito ilang sandali at di namalayan na nakabalik na ang ina.

"Pumasok na tayo sa loob baka naroon na ang iyong ama." Sabay hawak nito sa mumunti kong kamay.

Tumango ako at ngumiti bago nagpatianod kay mama papasok sa loob ng bahay, hinayaan na ang nakitang itim na ibon.

"Manang nariyan na ba si Armando?" Usisa ni mama sa katulong pagpasok namin galing likod ng bakuran.

"Dumating na po senyora umakyat po ata sa inyong silid." Sagot nito

"Ganoon ba, maghanda kana ng pagkain tatawagin ko lang sya. Amanda, maiwan kana dito at tayo'y magtatanghalian na."

Tumango ako kay mama bago sya tuluyang umalis para sundan ang ama. Nagpasya akong panoorin ang katulong na nagaayos sa hapag. Naramdaman ko ang mga magulang patungo doon.

"Amanda, hija halika na't kumain." Si papa at binuhat ako sa upuan.

Umupo si papa sa gitna ng dulo ng lamesa habang si mama naman ay nasa kanan at ako ang sa kabilang bahagi. Umalis naman ang katulong pagkatapos at nagsimula na kaming kumain.

"Anak anong gusto mong regalo sa darating mong kaarawan?" Tanong ni papa saba'y tingin sa akin

Huminto ako sa pagsubo at tumingin sa kanyang nakangiti. Kahit kailan di nila nakalimutan na ipagdiwang ang kaarawan ko, lagi kaming naghahanda para sa espesyal na araw na iyon. Mahalaga iyon sa kanila lalo na't nagiisa akong anak, parang prinsesa kung ituring at binibigay ang lahat kahit hindi ko naman sinabi.

"Gusto mo bang pumunta ulit tayo sa burol at doon magpalipas at panoorin ang pagsikat at paglubog ng araw?" Si mama na nagagalak na rin sa darating kong kaarawan.

Mabilis akong tumango at ngumiti kahit pa dalawang beses na akong nakapunta doon ay hindi nakakasawa. Bukod sa nakakaaliw ang lugar na yon ay naging espesyal na rin sa akin. Ngumiti ang magulang ko at tila hindi na makapaghintay na sumapit ang kaarawan na yon katulad ko.

Naging masaya ang mga araw ko kahit pa palaging wala ang ama dahil abala ito sa pagpunta sa kabilang bayan. Si mama ang laging kasama ko at abala kami sa likod ng bakuran sa mga rosas at iba pang halaman.  Nasa kabilang bayan ang malawak naming sakahan at taniman ng iba't ibang gulay na kung saan kilala ito sa buong bayan. Malaking tulong ito para sa mga tao dahil nakakapag hanapbuhay sila bilang trabahador sa pamilya namin.

I hear your whispersWhere stories live. Discover now