AUTHOR'S POINT OF VIEW:
"Hello everyone my name is Josh Cullen Santos! Nice to meet you all" Masiglang bati ni Josh sa harap nang kanyang mga bagong kaklase.
Proud na proud syang sabihin ang kanyang pangalan sa harap nang mga grade 10 students.
"Ang ganda nang pangalan nya pang wattpad character" tili nang kaibigan ni Lea sa tabi nya.
"Lalo na yang Cullen apaka dadeh" bulong pa nang nya nanaman kaibigan. Napatungo at ngiti si Lea habang naka tingin nang deretsyo sa lalake na nakikipag tawanan sa mga kaklase nyang nag papakilala sakanya.
Bagong studyante lang si Josh sa kanilang paaralan, lumipat sya sa gitna nang first grading sa di malaman na dahilan.
Sunod sunod na nag pakilala ang mga kaklase nya kay Josh hangang sya na ang sunod pero mukang wala ata sya sa wisyo dahil kanina pa sya pinag titinginan nang mga kaklase nya lalo na si Josh.
"Sobrang gwapo" wala sa wisyo nyang ani na kinatawa nang mga kaibigan at iba nyang kaklase.
Hindi mapinta ang muka ni Josh na nakatingin kay Lea. Napangiti nalang sya sa babae na mukang nagulat rin sa sinabi nya.
"I MEAN! Hindi! Kasi, teka! Mali yung pagka intindi nyo!" Sigaw ni Lea sa mga kaklase nya na inaasar lang sya.
"Ikaw Azalea ah, bago bago palang ni Josh the moves ka na agad" asar nila.
Napa takip nalang sa muka si Lea dahil sa hiya at inis. Napailing si Josh saka pinatahimik ang mga nang iingay.
"Ano pala ang gusto mo iparating miss..."
"Azalea!" Sigaw nang kaibigan nya kaya napatingin si Josh doon.
"Miss Azalea" tuloy nya, inaalis ni Lea ang mga kamay nya sa muka nya at hiyang nakatingin kay Josh.
Napa ayiieee naman ang mga kaklase nila.
"JOSHLEA LOVETEAM AGAD!" sigaw nang kaklase nya, mas lalo namang nahiya si Azalea.
"Kasi..."simula nya kaya napatigil silang lahat, nag aantay naman si Josh sa sagot nya.
"Ang meaning kasi nang Cullen sa Gaelic language ay 'pinaka gwapo' "
Nag simula namang mag ingay lahat nang kaklase nila dahil sa kilig habang si Josh naman at natigilan pero di nag tagal napangiti din.
"Agree ka naman don diba?" Asar nya, nagulat naman si Lea. Mas lalo namang nag wala ang mga kaklase nila.
"TANGINA KINIKILIG AKO!"
"ANO NA LEA! SUMAGOT KAAA"
Napalunok naman si Lea, hindi nya naman na matago na totoong ngang gwapo si Josh.
Dahan dahan syang napatungo kaya nag si sigawan at hiyawan ang mga kaklase nila, ang iba nga ay tumayo na sa mga upuan nila.
Napatawa naman nang marahan si Josh, nagugustuhan nya ang mga nangyayari. Akalain mo? First nya palang pero ganito na agad ang nangyari, mukang mag e-enjoy sya ngayong school year.
"Azalea pangalan mo diba?" Ani ni Josh kay Lea na kinagulat ni Lea.
Matamis na ngumiti si Josh kay Lea kaya napatulala sya dito. Sobrang gwapo ni Josh.
"Azalea Natividad" pagpapakilala nya, napa tungo naman si Josh.
"Azalea is a flower right?"
Dahan dahan namang napatungo si Lea. Hindi nya alam kung ano ang tumatakbo si isip nito ngayon.
BINABASA MO ANG
What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 𝐉𝐎𝐒𝐇 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍》 "Bakit nga ba nag propose si Josh sayo after graduation? Anong meron?" ✞︎𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚊𝚗 𝚗𝚊𝚐 𝚢𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚜𝚊𝚕 𝚜𝚒 𝙹𝚘𝚜𝚑 𝚗𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚎𝚗𝚒𝚘𝚛 𝚑𝚒𝚐𝚑 𝚐𝚛𝚊𝚍𝚞𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚗𝚊𝚗𝚐...