06|𝙼𝙰𝚃𝙰

226 8 0
                                    


✞︎𝔸/ℕ:

So, itong story na to ay hindi mahaba katulad nang Ken ff. 15 chapters lang ata tong Josh ff ko same goes sa Stell Ff.

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Nakatulala si Josh ngayon sa bintana nang taxi, pauwi na sila ni Lea sa bahay nila.

Sa totoo lang alam ni Josh na may problema sila, alam nya na hindi sila nag kakaintindihan at hindi nya to gusto.

Hindi ito yung pinangako nya sa mga magulang ni Lea, lalo na harap nang altar.

Nakarating na sila sa bahay ngayon at binubuksan na nila Lea ang bahay nila. Naka sunod lang si Josh sakanya at malalim ang iniisip. Sumunod lang sya dito hanggang sa kwarto nila, nilapag ni Lea ang bag nya at napaupo sa kama.

Napakunot naman sya nang nakatayo lang si Josh sa may pinto nang kwarto at nakatingin sa sahig.

"Josh? Bakit ka" Tanong nya, napatingin naman si Josh sakanya at nag buntong hininga.

"Babe,I'm sorry" mahina nyang ani, napangiti naman si Lea. Hindi lang yung gusto nya na ayaw na din nang onti sa ugali ni Josh. Grabe mag isip at mag damdam.

"Ano ka ba, nag sorry ka na kanina eh. Okey na yon" ani nya nya, napailing naman si Josh.

"Pakiramdam ko hindi ako naging mabuti na asawa sayo. Puro sakit nang ulo lang binibigay ko sayo...."

"Hindi ito yung pinangako ko sa altar Lea eh"

Napa buga nalang nang hangin si Lea dahil sa sinasabi nang asawa nya. Kahit ano naman ang gawin ni Josh mapapatawad nya lang naman ito.

"Normal lang naman na nag away ang mag asawa eh"ani nya at tumayo papalit kay Josh.

"Kaya wag ka na mag alala dyan, ito tandaan mo Josh. Mahal na mahal kita" ani nya at ngumiti dito, dahan dahan naman ngumiti si Josh.

Tuwing ngumingiti si Josh naalala nya yung year 2016-Grade 10 days nila. Yung nag pakilala sya sa harap nilang lahat.

"Walang nag bago, simula dati hanggang ngayon. Mahal parin kita" dagdag nya.

"Ikaw parin yung Josh na nakilala ko nung 2016"

Andito si Ken sa faculty room, may sinasagutan na mga seat work. Late na kasi sya pumasok this school year kaya para maka habol sya ito ang ginagawa nya.

Hindi nya lang naman napansin yung dalawang guro na pumasok at naupo di kalayuan na upuan.

"Oh, ano? Umuwi nanaman yan si Josh Cullen Santos"

Nabaling ang tingin nya sa mga guro nung narinig nya ang pangalan ni Josh.

"Ano pa, lagi nalang may masakit. Ang drama, papansin talaga"  ani nito sabay iling, napakunot nalang ang noo ni Ken at natigil sa pag sasagot.

"Papansin yan sa asawa nya"

"Yung sa architecture department?"

"Oo, ako ang first subject non tapos laging late naku laging dahilan yung asawa nya daw ganito, ganyan"

"Ginawang baby ang asawa. Mga bata talaga"

"Alam mo pakiramdam ko may kakaiba talaga kung bakit nag pakasal nang maaga yang dalawa"

"Baka nabuntis?"

Napa irap nalang si Ken at nag tuloy sa pag sagot. Kaya siguro hinayaan lang sya nang mga guro dito dahil bagong studyante sya at baka hindi kilala ang pinag uusapan nila.

What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon