04| 𝙰𝙽𝙶 𝙻𝚄𝙷𝙰

282 10 0
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

"Babe, Hindi! Hindi tayo hihingi nang tulong sa mga magulang mo! Ano nalang sasabihin nila? Na hindi kita kayang buhayin!?" Sigaw ni Josh kay Lea, hindi namang makapaniwala na nakatingin si Lea sa kanyang asawa.

"Ano bang masama sa pag hingi nang tulong!?" Sigaw nya pabalik,napa hawak si Josh sa ulo nya sabay gulo sa buhok nya.

"Lea! Bayad sa kuryente lang naman yan!"

"Lang!? Josh! Ang taas nang bill natin dahil sa lintik mo na computer! Computer ka nang computer mag damag!" Sigaw ni Lea, natigilan naman si Josh sa mga sinabi ni Lea.

"Ako lang ba ang gumagamit nang kuryente? Diba pati ikaw? Hindi lang naman ako ah! Bat parang kasalanan ko to!?" Sigaw pabalik ni Josh, napa kagat nang labi si Lea dahil sa inis.

Hindi naman sila ganito ni Josh, sa katunayan apat na buwan palang silang mag asawa. Masaya naman sila nung una yung wala pa silang pinoproblema pero nung dumating na ang bayarin na yan doon na sila nag aaway. Hindi kasi sumasapat ang pera nila sa di malaman na dahilan.

"Bakit ka kasi laro nang laro eh dapat nag aaral ka na kasi malapit na ang exams? Josh naman"

Umirap lang si Josh sakanya at hindi sya pinansin-sakatuyan nilagpasan lang sya nito.

Mukang napuno naman si Lea at inis na pumasok sa kwarto nila ni Josh sabay kuha sa bag nya. Nagulat naman si Josh kay Lea, dahil nag huhubad si Josh kasi maliligo sya.

"Lea naman" ani nya, napairap lang si Lea.

"Ang oa mo, bahala ka" mariin nyang ani saka iniwan si Josh sa kwarto.

"Lea! Saan ka pupunta!?"

"Josh, may klase ako kung ikaw wala bahala ka na" inis nyang sagot at lumabas na sa bahay. Napailing nalang si Josh saka pumasok sa banyo para maligo.

Sa totoo lang nag sisi sya sa ginawa nya, di nya naman intensyon na mapag salitaan si Lea kaso minsan kasi hindi nya mapigilan tong ugali nya.

Inis na nilapag ni Lea ang bag nya sa kanyang upuan, nakarating lang sya sa unibersidad sakto sa oras. Inis syang umupo dito at nilagay ang muka nya sa desk nya, inis na inis parin sya sa attitude ni Josh kanina umaga.

Stress na nga sya for upcoming exams dumagdag pa tong away nila ni Josh.

"Everyone, take your seat. Meron kayong bagong classmate" ani nang kanilang guro, inangat ni Lea ang kanyang ulo para makita kung sino itong bagong matapang na tao na mag aaral bilang maging Architect. Pumasok ang isang lalake na sobrang gwapo, kapansin pansin ang kanyang matangos na ilong at moreno na kutis.

"Hello everyone, my name is Ken Suson-"

"Mr. Suson, I believe na hindi Ken ang pangalan mo. Diba Mr. Felip Jhon?" Ani nang kanilang guro habang naka hawak sa isang papel, napatawa naman ang mga kaklase nila. Napa irap naman ito sabay kamot sa ulo nya.

"Felip Jhon Suson ang pangalan ko pero I prefer to be called as Ken, pag may tumawag nang Felip saakin uupakan ko" banta nya kaya sinamaan sya nang tingin nang kanilang guro. Mukang nawala naman ang inis ni Lea dahil sa bago nyang kaklase.

Naalala nya tuloy yung unang araw ni Josh sa kanilang paaralan, proud na proud sya sa kanyang pangalan habang itong si Ken naman hiyang hiya sa pangalan nya.

"You may seat besides Mrs. Santos" ani nang kanilang guro sabay turo kay Lea, napatingin naman si Ken sakanya at napakunot ang noo saka nag tungo dito.

Nilapag ni Ken ang kanyang bag sa desk at naupo narin, humarap si Ken kay Lea.

"Bakit ka tinawag na Mrs Santos?" Biglang tanong ni Ken, bumaba naman ang tingin ni Ken sa daliri ni Lea na may singsing.

What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon