02| 𝙸𝙺𝙰'𝚈 𝙽𝙰𝙺𝙸𝙺𝙸𝚃𝙰

419 14 4
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Puno nang saya at kilig ang relasyon nila Josh at Lea. Linggo, Buwan at Taon ang dumaan sa kanila at nanatiling matatag ang pag mamahalan nila.

Sa tuwing tumitingin si Josh kay Lea parang ganoon parin ang kanyang reaksyon, parang unang beses nya palang ito nakita.

Napa hawak naman si Josh sa sintido nya at napa pikit. Hawak hawak nya ang mga research paper nya, grade 12 na sila ngayon ni Azalea at mag kaklase parin sila kasama sina Stell.

"Ayos ka lang ba dre?" Nag aalalang tanong ni Sejun sa kaibigan nya. Napailing naman si Josh.

"Siguro stress lang ako sa research natin" ani nya, hinimas naman ni Sejun ang likod ni Josh.

"Wag ka masyado mag overwork Josh" napatungo naman si Josh saka tumingin muli sa mga papel na nasa harap nya.

"tangina naman"bulong nya habang inis na nakatingin sa papel isama mo narin ang iniinda nyang sakit nang ulo nya.

"Tapos alam mo babe na-approve ang research namin! Sulit yung pagod naming lahat, yung mga gabing walang tulog pati yung pancit Canton ni Tanya" kwento ni Lea, Deretsyong nag lalakad si Josh at parang di naririnig ang mga kwento ni Lea sakanya. Mas naka focus kasi sya sa sakit nang ulo nya na parang papatay na sakanya.

Nararamdaman nya naman na parang masusuka sya kaya napa hawak sya sa bibig nya, napatigil si Lea sa pag sasalita at pag lalakad nya. Napatingin sya sa boyfriend nyang napatigil din sa pag lalakad habang naka hawak sa bibig nito.

Naduduwal na si Josh at hindi nya na kayang pigilan ito at biglang nalang sumuka, napa urong si Lea at takot ang bumalot habang nakatingin sa boyfriend nya na nag susuka.

"B-babe ayos ka lang??!" Sigaw nya at lumapit kay Josh at hinimas ang likod nito.

Napapunas si Josh sa bibig nya pati sa mga mata nya dahil naluha sya sa pag susuka. Napa ayos naman sya nang tayo at napatingin kay Lea na nag aalala.

"Anong problema babe?"

"Baka buntis ako babe" biro nya, nawala naman ang pag aalala sa mata ni Lea.

"Gago to oh, nag bibiro pa" ani nya, napatawa naman si Josh.

"Baka epekto nang research medyo na-stress ako" aniya, napa busangot naman si Lea sa boyfriend nya saka ito niyakap.

"Tapos na ang research, pahinga ka na babe" ani nya at akmang hahalikan sa lips si Josh pero napaiwas agad si Josh.

"Babe naman, nakita mo bang nag susuka ako kanina kadiri ka" aniya, napatawa naman si Lea.

"Ako pa ang kadiri, ikaw naman ang nag suka"

"Sejun, pwede mo ako samahan? May pupuntahan ako eh" ani ni Josh kay Sejun na busy sa phone nya, napatingin naman si Sejun sakanya.

"saan naman?"

Napakamot naman nang ulo si Josh.

"Basta"

Nag babangayan naman si Stell at Justin sa tabi habang si Josh ay nakatulala sa malayo, napansin naman to ni Sejun na nag aalala na nakatingin sa kanya.

"Jah, sige na! Pautanggg!!" Sigaw ni Stell habang naka hawak sa braso ni Justin.

"Stell naman wala nga ako pera ngayon! Bibili ka nanaman nang skin care mo eh"

"Pakakasalan ko na si Lea" biglang ani ni Josh kaya napatigil sa pag babangayan ang dalawa.

"Ano!?" Sigaw ni Stell, napalunok naman si Josh.

What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon