AUTHOR'S POINT OF VIEW:
"Sa tingin ko dapat malaman ni Lea" ani ni Ken habang naka sunod kay Stell na patingin-tingin sa paligid, mukang hindi naman nakikinig si Stell sakanya.
"Stell!" Sigaw nya, natigilan naman si Stell sa pag lalakad-Napahinga sya nang malalim.
"Ken, wag ka nang makialam please" mahina nyang ani ngunit parang hindi natinag si Ken.
"asawa ni Josh si Lea at may karapatan syang malaman na nahimatay si Josh-"
"Nahimatay si Josh?"
Agad na natigilan ang dalawa at unti-unti na napalingon sa likod nila. Nag tama ang tingin nila kay Lea, bakas parin ang mga luha nito at kitang kita ang mga pag aalala sa mga mata nito.
Nag tama ang mata ni Ken at Stell, mukang nag iisip kung ano ang sasabihin.
Agad na bumitaw nang tingin si Ken at napatingin kay Lea.
"Nawalan nang malay si Josh pag alis mo" ani nya, napalunok si Lea at mas nag alala.
"Saan sya?"
"May alam ba kayo kung may sakit sya oh ano?" Tanong nang school nurse nila, napa kagat nang labi si Sejun at umiling.
"B-baka...stress? Malapit na kasi ang finals baka nag susunog nang kilay yan" ani ni Justin, napatungo naman ang school nurse at may kinuha sa drawer.
"Normal lang yan bilang college student, marami nang nahimatay dahil sa stress. Ang payo ko sainyo alagaan nyo din ang sarili nyo" ani nya, ngumiti naman si Justin habang hindi parin mawala ang pag aalala ni Sejun. Naupo ang nurse sa kama ni Josh at may pinaamoy dito. Napakunot naman ang noo ni Josh at dahan dahan na dumilat at ang una nyang ginawa ay takpan ang ilong nya.
"Josh!!" Sigaw ni Justin nang makita na dumilat na si Josh.
"Babe!?" Agad silang napatingin sa pinto at tumambad sakanila ang nag aalala na si Lea. Nanlaki ang mga mata ni Sejun at agad na napatingin kay Stell na napa kamot lang nang ulo.
Tumakbo si Lea sa kama ni Josh at agad syang niyakap.
"Babe, I'm sorry" iyak nito, napangiti naman nang marahan si Josh at niyakap ang asawa nya. Lumapit si Sejun sa dalawa na nasa pinto.
"Diba sabi ko dapat hindi ito malaman ni Lea?!" Bulong ni Sejun sakanila.
"Aksidente lang na marinig ni Lea ang pinag uusapan namin" bulong nya pabalik, napatingin si Sejun kay Ken.
Hindi nya kilala ang lalake na to at hindi maganda ang kutob nya dito.
"Dapat nyang malaman" ani nya, sinamaan lang sya nang tingin dito.
"Wala kang alam Mr-" napatingin sya sa I.D ni Ken at tumingin muli sa mga mata nya.
"Mr. Felip Jhon" tuloy nya at bumalik kala Josh.
"Babe, wala to" ani Josh habang hinihimas ang ulo ni Lea na umiiyak parin.
Pakiramdam kasi ni Lea kasalanan nya. Kasi bilang asawa ni Josh dapat inaalagaan nya ito kaso ang ginawa nya ay awayin si Josh.
"It's okey dear, stress for the finals lang yan" ani nang nurse, napa bitaw naman si Lea sa pagkayakap nya kay Josh at humarap sa nurse. Umiiyak parin sya pero pinipilit nyang kumalma at pinunasan ang mga luha nya.
"T-thank you sa pag alaga sa asawa ko" hikbi nya,mukang nagulat naman ang nurse nung narinig nya ang asawa. Akala nya nag bibiro lang ito pero nabaling ang tingin nya sa kamay ni Josh at kamay ni Lea.
"I'm jealous" ani nya, nag taka naman sila.
"I mean, I'm already 35 pero ni-boyfriend wala ako tapos kayo mag asawa na" ani nito, napangiti naman si Lea at umiwas nang tingin.
Alam nya saan pupunta ito, iisipin nanaman nila na nabuntis sya nang maaga kaya sila nag pakasal ni Josh.
Hindi nya maintindihan kung bakit ganyan ang mindset nang mga tao, ang bilis mang husga.
"Ma'am may ice ba kayo?" Tanong ni Ken at nag lakad papunta sa kanila. Tinuro nya naman ang pasa nya sa tabi nang bibig nya kung saan sya sinuntok ni Josh kanina. Napa hawak naman sa bibig ang nurse at agad na pumunta sa refrigerator nang clinic para kumuha nang ice.
"Josh, mag sorry ka kay Ken" ani ni Lea, napatingin naman si Josh kay Ken.
"Dre, sorry. Akala ko kasi kung sino" ani nya, ngumiti naman nang bahagya si Ken.
"Wala iyon, naintindihan ko naman. Kung ganyan ka-ganda ba naman ang asawa ko bakit hindi ako maprapraning" ani nya, mukang nahiya naman si Lea sa sinabi ni Ken at umiwas nang tingin.
"Babe" tawag ni Josh at hinawakan ang kamay ni Lea, napatingin naman si Lea sakanya.
"I'm sorry, patawarin mo sana ako" ani nya, ngumiti naman si Lea. Matitiis nya ba si Josh? Maliit na away lang naman ito. Tumunog naman ang bell para sa susunod na subject kaya napatayo si Lea.
"Uuwi tayo Josh, kukunin ko lang bag mo"
"sasabay na kami Lea, pupunta na kami sa next subject" saad ni Sejun, napatingin naman sila kay Ken na nakaupo sa isa sa mga kama.
"Aantayin ko lang ang ice" ani nya, tumungo naman sila at umalis. Naiwan si Ken at Josh sa loob nang clinic.
(Hmn, laban kayo ulit HAHAH)
Nakatingin lang si Ken kay Josh na nakatulala sa kisame. Hindi nya maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak ni Josh. Una-bat sya sinuntok, pangalawa-bakit nahimatay ito. Aaminin si Ken, hindi sya naniniwala na nahimatay totoo si Josh dahil akala nya nag kukunwari lang ito para mapansin ni Lea.
Wala naman issue si Ken doon, nakikipag usap lang naman sya tao. Mag kaklase kaya sila talagang hindi maiwasan ang pag uusap nila.
"Bakit mo ginawa yon" ani ni Ken, napatingin naman si Josh sakanya at napa kunot ang noo dahil walang alam sa sinasabi nya.
"Ang alin?"
"Yung nag kunwari kang nahimatay-?"
"Hindi ako nag kukunwari Ken. Masama ang pakiramdam ko sa bahay palang" ani nya, napatungo naman si Ken.
"Ngapala, ang sakit nang suntok mo" ani nya, napatawa naman si Josh kaya di rin maiwasan ni Ken na matawa.
"Sorry nga diba? Hindi ko naman alam na ikaw yon. Nag away kasi kami ni Lea galing palang sa bahay kaya mainit na ang ulo ko. Pasensya" ani nya at napa kamot nang ulo. Sakto naman dumating si Lea dala-dala ang bag ni Josh. Sumunod naman ang ice na hinihingi ni Ken.
"Babe, umuwi na tayo para makapag pahinga ka" ani ni Lea, umupo naman si Josh at inabot ang bag nya.
"Paano ang klase mo?" Tanong ni Ken habang naka lagay ang ice sa tabi ng bibig nya.
"Nag paalam na ako sa teacher natin Ken. Sinabi ko may sakit asawa ko, alam mo naman ang responsibilidad bilang asawa ay parang nanay" ani nya sabay tawa. Tumayo naman si Josh sa tabi ni Lea.
"Paano dre, mauna na kami. Sorry uli ah" ani nya, tumungo naman si Ken at ngumiti sa dalawa saka sila lumabas.
Nakatingin lang si Ken sa mag asawa.
BINABASA MO ANG
What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 𝐉𝐎𝐒𝐇 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍》 "Bakit nga ba nag propose si Josh sayo after graduation? Anong meron?" ✞︎𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚊𝚗 𝚗𝚊𝚐 𝚢𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚜𝚊𝚕 𝚜𝚒 𝙹𝚘𝚜𝚑 𝚗𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚎𝚗𝚒𝚘𝚛 𝚑𝚒𝚐𝚑 𝚐𝚛𝚊𝚍𝚞𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚗𝚊𝚗𝚐...