AUTHOR'S POINT OF VIEW:
"Pwede mag tanong kung bakit ako andito?" Tanong ni Ken habang naka upo kasama sina Justin sa canteen.
"Dre! Kaibigan ka nila Josh kaya kaibigan na rin kita! Welcome to the clubbbbbb" Sigaw nya, napailing nalang si Josh.
"Sinong nag sabi sayo na pwede mo i-welcome yan?" Taray ni Sejun sabay irap.
"Bakit hindi ka pa maka move na tinawag kitang gay?" Ani ni Ken sabay ngisi.
"Tinawag mo din kaya akong gay, Sejun" ani ni Justin.
Napansin naman ni Josh na mukang sasakalin na ni Sejun si Ken kaya tumayo na sya.
"Guys, kalma okey? Kalma lang" ani ni Josh kaya kumalma din si Sejun at umayos nang upo.
"Anong kaguluhan to?" Ani ni Lea habang may dala na pagkain nang tray at naupo sa tabi ni Josh sabay lapag nang pagkain nya. Napansin nya naman ang tensyon nila.
"Oh? Bakit hindi pa kayo kumakain?" Tanong nya, ngumiti naman si Stell sakanya saka kumain nang strawberry cake nya.
"Ikaw babe, bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong nya sa asawa nya na nakatingin lang sakanya.
Umiling ito at ngumiti.
Napaubo si Justin at tinakpan ang tenga nya, napatayo si Stell habang dala dala ang strawberry cake nya.
"myghad.." bulong ni Sejun at tinapak ang tenga nya habang si Ken walang alam.
"Makita lang kita, busog na ako" banat ni Josh kay Lea, nabilaukan naman si Ken sa juice nya. Napasigaw si Justin habang naka takip ang tenga at nakapikit ang mga mata, nag mura naman si Stell wala sa oras.
Kaya napatingin ang mga tao sakanila.
"Babe, mahal kita pero please stop" ani ni Lea at ngumiti sa asawa nya.
"Ang bitter nyo!" Sigaw ni Josh at kumain nalang. Bumalik naman sa ayos si Justin.
"Kadiri" ani nya, umupo naman si Stell at nilapag ang tinidor na hawak nya.
"Nawalan ako nang gana" sabay tulak sa plato nang strawberry cake.
"Ah talaga? Alam mo ba na tag 150 ang isang slice nyan?" Ani ni Sejun, naalala naman ni Stell at kinuha ulit ang cake.
"Mag volunteer sana ako na kainin yun" saad ni Ken, napatawa naman sila. Nabaling ang tingin nya kay Lea at Josh na ang susubuan at napa ngiwi.
"Parang nawalan na rin ako nang gana" ani nya, napatingin naman si Josh sakanya.
"Bakit ba ang bitter nyo? Palibhasa mga single" ani nya at sinandal ang ulo sa balikat ni Lea na kumakain.
"Duh, hindi single si Justin" ani ni Stell, nagulat naman silang lahat maski si Justin na walang alam.
"Wow, ako nga di ko alam na hindi ako single eh" aniya, ngumisi naman si Stell. Naintriga naman si Lea at tumingin kay Stell.
"Sino? Sino itong babae ni Bujing natin?" Excited nyang ani, tumingin naman si Stell kay Justin.
"May sinabi ba ako na babae yon?" Asar nya, mukang na-gets naman ni Justin kaya napa sapo sya sa muka nya.
"Hindi nga kasi yun ganun! Ang issue moooo" ani nya, napatawa nalang si Sejun sa tabi nya.
"Gay" bulong nito, narinig naman ito ni Justin.
"Lea oh! Si Sejun!?!" Parang bata nya na sigaw.
"Sino?" Dagdag ni Josh, tumawa naman si Stell nang nakakatakot para mas matakot si Justin.
"Ken! Wag ka maniwala!!!" Biglang Sigaw ni Justin sabay hawak sa kamay nito na nasa lamesa. Nagulat naman sila lalo na si Ken.
BINABASA MO ANG
What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 𝐉𝐎𝐒𝐇 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍》 "Bakit nga ba nag propose si Josh sayo after graduation? Anong meron?" ✞︎𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚊𝚗 𝚗𝚊𝚐 𝚢𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚜𝚊𝚕 𝚜𝚒 𝙹𝚘𝚜𝚑 𝚗𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚎𝚗𝚒𝚘𝚛 𝚑𝚒𝚐𝚑 𝚐𝚛𝚊𝚍𝚞𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚗𝚊𝚗𝚐...