11| 𝙼𝙰𝙻𝙸 𝙱𝙰 𝙽𝙰 𝙰𝙺𝙾

169 9 0
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

"Lea! Babe! Mag usap tayo" ani ni Josh habang hinahabol si Lea. Mukang wala namang narinig si Lea at deredretsyo lang ang lakad.

"Josh, hayaan mo muna sya" ani ni Sejun at hinawakan ang braso ni Josh. Napatingin naman si Josh kay Sejun at nang gigilid ang luha.

"Sejun...kailangan magka ayos kami.." mahina nyang ani.

"Alam ko, pero hindi mo sya makakausap hangga't galit sya"

Napakunot naman ang noo ni Josh at napa kurap-kurap. Nanlalabo ang paningin nya, napansin naman sya ni Sejun at hinawakan ang balikat nya.

"Josh? ayos ka lang"

Parang hindi sya narinig ni Josh—biglang nawala ang pandinig ni Josh ang naririnig nya lang ay yung parehas sa mic, yung masakit sa tenga.

Umiling-iling si Josh sabay kurap—talagang lumabo ang paningin nya.

"J-josh...?" Kinakabahan na tawag nya, mukang hindi naman sya naririnig nito kaya agad nya nang hinawakan ang kamay at hinila papunta sa classroom nila.

Napatingin lang si Ken kay Lea na umupo, halata ang pagod at lungkot nito.

"Hindi parin kayo nag ka-ayos?" Tanong ni Ken, nilapag nya naman ang muka nya sa desk nya parang hindi narinig si Ken.

"Sa tingin ko, wala pa nga" ani ni Ken.

Ang daming iniisip ni Lea, hindi nya alam ang gagawin nya.

"What's wrong again Mrs. Santos?"

Inangat ni Lea ang ulo nya at napatingin sa teacher nya.

Yang teacher nya na yan lagi nalang syang pinag iinitan. Ang daming studyante dito na mukang problemado sya nalang ang laging nakikita.

"Ma'am, wala na kayo doon kung anong problema nya. Hindi nyo na yun dapat problemahin, ako nga na kaibigan nila hindi na nahihimasok" napatingin si Lea kay Ken.

Sinamaan lang sya nang tingin nang guro nila na nasa harap.

Kilala kasi ni Ken yang teacher na yan. First subject teacher nila—yung nag chi-chismis tungkol kay Lea at Josh.

Lunch time na nila ngayon at hindi magkatabi si Lea at Josh—sobrang layo ni Lea. Tahimik silang kumakain, sobrang tahimik.

Grabe yung yelo na pumapalibot sa kanila. Napatingin si Stell kay Sejun na tahimik lang na kumakain, nabaling ang tingin nya kay Josh na hindi kumain at naka tingin lang kay Lea.

"Mauuna na ako" ani ni Lea at tumayo.

"Wala pa nga time—"

"May gagawin pa ako" ani nya ulit at umalis, sinundan lang sya nang tingin ni Josh.

"Josh, wag mo i-stress sarili mo. Hindi maganda para sayo" paalala ni Sejun, napa buntong hininga nalang si Josh.

"hindi ko kaya, si Lea kasi yan..mahina ako pag dating sakanya" mahina nyang ani.

"Lea, doon ka pa rin ba sa nanay mo umuuwi?" Tanong ni Ken, uwian nila ngayon.

"Oo, bakit?"

"Ihahatid nalang kita doon. Malapit lang naman din bahay ko doon" ani ni Ken, tumungo naman si Lea saka kinuha ang bag nya at lumabas na sila ni Ken sa classroom.

Asan si Josh? Nag uusap sila ni Sejun.

"hindi to pwede ganito Sejun"

"konting panahon nalang ang meron ako.." mahina nyang ani, huminga nang malalim si Sejun—kahit sya hindi na alam ang gawin. Ito na ata ang pinaka malaking away nang dalawa.

"Hindi ko na pwede antayin na maging okey sya...dapat ko na syang kausapin"

Puno nang pag aalala na nakatingin si Sejun kay Josh.

"Sasabihin mo na ba?" Mahina nyang tanong.

"Siguro...baka mapatawad nya ako pag sabihin ko ang totoo, yun naman ng gusto nya"

8:00 PM

Nakarinig si Lea nang malakas na katok sa gate nila—naka lock ito kaya hindi na maka pasok si Josh tulad nung nakaraan.

"Lea! Kausapin mo ako! Lea, please.."

"Babe! Paki-usap! Kausapin mo ako!!"

Napapikit nang marahan si Lea at naupo sa sofa. Deretsyo lang ang tingin nya sa tv nila na hindi naman naka bukas, malalim ang pag hinga nya habang naririnig ang pag katok ni Josh sa gate nila.

"Sasabihin ko na sayo! Please lang!"

"May dahilan naman ako! Kaso nahihirapan akong sabihin sayo! Ayaw ko naman na pati ikaw mag hihirap din!"

"mahal na mahal kita, Lea!"

Hindi nya naman mapigilan na tumulo ang mga luha nya, inis nya itong pinunasan.

Nabaling ang tingin nya nang abutan sya nang nanay nya nang payong.

"Anak, umuulan at hindi parin umaalis si Josh" ani nang mama nya.

Napalunok si Josh at napatingin sa langit. Biglang bumuhos ang ulan, napailing nalang sya at naupo sa side walk. Iniisip yung mga mali na nagawa nya.

Deserve nya ata ito kasi walang syang kwentang tao at asawa.

Hindi nya na alam ang gagawin nya, bawat oras, minuto at segundo ay importante sakanya at ayaw nyang nasasayang ito nang magka-galit sila ni Lea.

"wala ka talagang kwenta, Josh" bulong nya sa sarili nya at hinayaan ang sarili na mabasa.

Napapikit sya nang mata nya,bakit sya pa? Lagi nyang tanong na hindi masagot.

Nag taka naman sya nang mapansin na hindi na sya nababasa nang ulan, napadilat sya nang mata nya at napansin na hindi parin pala tumigil ang ulan pero hindi na sya nababasa.

Tumingala sya at tumambad sakanya ang itim na payong. Agad syang tumayo at umikot para makita kung sino ang nakahawak sa payong, nag tama ang tingin nila ni Lea.

"L-lea.." mahina nyang ani, bang gigilid nanaman ang mga luha nya.

Nag tinginan lang ang dalawa, kita mo sa mga mata nila ang pinag halong lungkot at saya.

Agad na niyakap ni Josh si Lea–di alintana na basa sya, nabitawan naman ni Lea ang payong nya at bumagsak ito sa daan.

Mahigpit na nakayakap si Josh sa asawa nya at humikbi nang mahina. Sumama sa patak nang ulan ang mga luha nya. Napaiyak na din si Lea at niyakap pabalik si Josh—nag iyakan lang ang dalawa.

"I'm sorryy" iyak ni Josh, umiling naman si Lea.

"A-ako dapat ang mag sorry" ani nya.

"m-mahal na mahal kita, Lea"

Huminga naman nang malalim si Lea.

"J-Josh, hindi ako nag sisisi na p-pinakasalan kita..masaya ako na naging asawa mo ako"

Bumitaw sa yakap si Josh at ngumiti nang bahagya kay Lea.

"Alam ko, alam ko.." ani nya at hinalikan si Lea, napapikit naman si Lea.

What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon