𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:
"Ma'am?"
Napadilat ang mga mata ni Lea at tumambad sa paningin nya ang isang nurse na may dalang injection at gamot.
Napatingin sya sa tabi nya at nakita si Josh na nakayakap parin sakanya, kumalas sya sa pag kakayakap ni Josh sa kanya at bumaba sa kama.
"Sorry po" mahina nyang ani, ngumiti naman ang nurse sakanya.
"No problem, Ma'am" ani nito, nag simula naman sya gawin ang dapat nyang gawin. Napansin nya yung wedding ring nang dalawa.
"Asawa nyo po ba, Ma'am?" Ani uli nang nurse, referring kay Josh. Tumungo naman si Lea.
"Bago ko lang nalaman na kaya sya nag pakasal saakin kasi may cancer sya" ani nito, mukang nalungkot naman ang nurse.
"hindi nya sinabi sayo na may cancer sya?"
Umiling naman si Lea.
"ma'am, kaya nyo yan, Lakasan mo lang ang loob mo. Hindi nya lang to laban, laban mo din" ani nya, ngumiti naman nang bahagya si Lea at umalis na ang nurse.
Maya-maya, nagising naman si Josh, sakto namang dumating ang mama nya at ang mga magulang ni Lea.
"Anak, kamusta ka?"tanong nang mama nya, ngumiti naman si Josh.
"hindi natin masabi na okey, hindi rin masama" ani nya, ngumiti lang nang bahagya ang mama nya at hinawakan ang kamay nang anak nya.
"kaya mo yan, alam kong kaya mo" ani nang nanay nya.
"Ma, paano pag hindi ko na kaya?" Mahina nyang tanong. Natigilan naman ang mama nya, hindi alam ang sasabihin.
"A-anak, kaya mo.."
Ngumiti lang si Josh at tumungo.
"ma, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita"
Pinipigilan naman nang mama nya ang sarili nya na umiyak, dapat mata-tag sya para sa anak nya.
"isa kang mabait at matapang na ina. Hinding-hindi kita makakalimutan" napayuko ang mama nya para hindi makita ni Josh ang mga luha nya pero pumapatak naman ito sa kama.
"W-wag ka mag salita nang g-ganyan" mahinang ani nang mama nya.
"Mama, papa" tawag ni Josh sa magulang ni Lea.
"Ano yun, anak?" Ani nang mama ni Lea habang naka yakap sakanya ang asawa nya.
"salamat sa pag tanggap saakin, salamat sa pag turing na parang anak nyo rin ako" ngumiti naman nang bahagya ang mama ni Lea.
"Kami ang dapat mag pasalamat sayo, Josh. Salamat dahil inaalagaan at minahal mo si Lea" saad nang papa ni Lea.
"J-Josh...wag ka mag salita na parang nag papaalam ka na.." mahinang ani ni Lea, nanggigilid na ang luha nya. Ayaw nyang isipin na mawawala si Josh—hindi nya kaya.
"Habang kaya ko pa, mag papaalam na ako.."
Napailing naman ang mama ni Josh at niyakap ang anak nya.
"M-mahal na mahal kita anak, nag papasalamat ako sa diyos na naging anak kita" mahinang ani nang mama nya at humikbi.
Nakatingin lang ang mga magulang ni Lea sa mag ina. Alam nila ang sakit na nararamdaman nang nanay ni Josh, sila nga na hindi anak si Josh nasasaktan ano nalang kaya ang mismong ina nito.
Walang magulang ang gustong makita na nahihirapan ang anak nila.
Bumitaw naman sa yakap ang mama nya.
BINABASA MO ANG
What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 𝐉𝐎𝐒𝐇 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍》 "Bakit nga ba nag propose si Josh sayo after graduation? Anong meron?" ✞︎𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚊𝚗 𝚗𝚊𝚐 𝚢𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚜𝚊𝚕 𝚜𝚒 𝙹𝚘𝚜𝚑 𝚗𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚎𝚗𝚒𝚘𝚛 𝚑𝚒𝚐𝚑 𝚐𝚛𝚊𝚍𝚞𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚗𝚊𝚗𝚐...