08| 𝙻𝙸𝙼𝚄𝚃𝙸𝙽 𝙺𝙰

209 9 3
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

Dumating na sila sa Limpapa Bride. Kulay orange ito at may ilog na yung dulo ay dagat na sa ilalim nito. Agad na lumabas si Stell at Justin sabay takbo sa tabi nang bridge. Mangha na mangha silang nakatingin sa tanawin na nakikita nila ngayon.

"Woahhhhhh" parang bata na sigaw ni Justin habang naka hawak sa railings.

Bumaba naman sila Lea at Josh sa sasakyan. Halos malaglag ang panga ni Lea sa nakikita nya, ang ganda. Napangiti naman si Josh sa reaksyon ni Lea, gaano nya gusto makita yan araw-araw.

"Maganda babe, diba?" Tanong ni Lea pero hindi parin naalis ang tingin sa magandang tanawin.

"Oo, maganda" ani ni Josh pero nakatingin parin kay Lea, napangiti naman si Lea at tumingin sakanya.

"Akala mo uubra pa yang ganyan saakin? Josh naman wala bang bago?" Biro nito, napatawa naman si Josh at inakbayan si Lea at napatingin din sa tanawin.

"SANA MAGING SI JAH AT KENNNN!" Napatingin sila kala Stell na sumisigaw sa bridge. Napatawa lang sila nang sinipa ni Justin si Stell.

"May gusto si Jah kay Ken?" Tanong ni Lea,mas lalo namang natawa si Josh.

"Malay ko ba" tawa nya, nabaling nanaman ang tingin nila nang sumisigaw nanaman ang mga kasama nya.

"Sali tayo" ani ni Josh sabay hila kay Lea doon.

"SANA UMAMIN NA SI STELL NA BET NYA SA SEJUN!" Sigaw ni Justin, sinamaan naman sya nang tingin ni Sejun at tinapunan sya nang bote nang coke ni Stell.

"Ano ginagawa nila?" Tanong ni Lea kay Ken na naka tayo lang habang umiinom nang coke.

"Sinisigaw mga gusto nila isigaw. Hindi ko nga alam bakit nasali ako" ani nya, napatawa lang sila Josh. Bumitaw naman si Lea kay Josh at tumakbo papunta kala Justin. Humawak sya sa railing at tumingkayat habang tumawa kala Justin na sumisigaw nang kung ano ano.

"Sumigaw ka rin Lea, 'sana mag kaanak na kami ni Josh' ganoon" ani ni Stell, sinapak naman sya ni Sejun. Namula naman si Lea dahil sa sinabi ni Stell, pumasok rin yan sa isip nya pero hindi pa sya handa na parang excited rin sya na maranasan maging ina in the future.

Hindi na sya maka antay na mag karoon ng mga makukulit na Josh junior or di kaya Lea Junior sa bahay nila.

"Huy! Lea!" Ani Stell sakanya kaya nabalik sya sa wisyo at napangiti kay Stell.

"Sigaw na"

Napatawa nalang si Lea at hinanda ang sarili para sumigaw.

"MAMAHALIN KITA HANGGANG SA DULO!" Sigaw nya napatingin naman si Josh sakanya at napatawa.

"Naol" ani ni Ken, tumakbo naman si Josh papunta kay Lea.

"MAMAHALIN DIN KITA HANGGANG SA DULO!" Sigaw nya, napatawa naman si Lea at niyakap si Josh. Napangiti nang bahagya si Sejun na nakatingin sa dalawa.

Sana totoo na nakaka galing ang pag mamahal.

Niyakap naman pabalik ni Josh si Lea at napatingin sa tanawin.

Sana....makasama pa kita hanggang sa dulo...

5:00 𝙿𝙼

"Dumidilim na" ani ni Sejun habang nakatingin sa paligid.

"Magpa gabi nalang kaya tayo dito" suggest ni Ken, umirap lang si Sejun sakanya.

"At saan tayo matutulog Felip Jhon?" Taray nya dito.

What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon