03| 𝙳𝙸 𝙼𝙰𝙿𝙸𝙶𝙸𝙻

322 12 2
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

"Ano!? Pakakasalan mo ang anak ko!?" Sigaw nang tatay ni Lea kay Josh na kasalukuyang naka upo sa sofa. Nilapag bang nanay ni Lea ang kape sa lamesa saka naupo katabi nang kanyang asawa.

"Anong pumasok sa isip nyo at mag papakasal kayo?!" Muli nyang sigaw kaya napa kapit mas lalo si Lea sa mga braso ni Josh.

"Anak, ang kasal ay hindi minamadali maliban nalang kung may responsibilidad ka ka dapat panagutan" mahinahong ani nang kanyang ina at uminom nang kape. Natigilan naman ang tatay ni Lea nang may napag tanto sya.

"Hindi mo naman nabuntis ang anak ko Josh diba?" Seryoso nyang ani, halos mabilaukan si Josh sa sarili nyang laway.

"HINDI PO!" Agad nyang sigaw.

"Kung ganoon bakit?"

Napalunok naman si Josh, hinahanda ang kanyang sasabihin.

"Mahal na mahal ko po ang inyong anak at sigurado na ako na sya na ang makakasama ko hanggang sa pag tanda. Bakit ko pa patatagalin kung nasa harap ko naman ang babaeng naka tandahana saakin?"

Napangiti ang nanay ni Lea dahil sa mga salita ni Josh, bihira ka lang makakita nang lalake na seryoso tulad ni Josh.

"Ika nga nila, true love waits-pwede ka namang mag antay iho eh"

Napailing si Josh.

"We only live once, hindi natin alam kung kailan tayo mag e-expire sa mundo. Kaya habang buhay pa tayo gawin na natin ang mga bagay na mag papasaya saatin. Para kung tatawid man tayo sa kabilang buhay masaya tayo atleast nakasama mo ang taong mahal mo" napatingin si Lea sa boyfriend nyang seryosong nakikipag usap sa mga magulang nya. Napangiti sya dahil tama ang lalake na minahal nya.

Napangiti naman ang nanay ni Lea at tumingin sa kanyang asawa.

"Mahal, tama si Josh. Hindi rin natin alam kung kailan tayo mawawala, tumatanda na tayo at gusto ko pang makita na nag lalakad sa altar ang aking anak" kita sa mga mata nang tatay ni Josh na alanganin sya pero tama ang mga sinabi ni Josh, hindi mo alam kung kailan ka mawawala.

Napa buga sya nang hangin at napa ayos sa salamin nya.

"Payag ako, basta Josh patatapusin mo muna nang kolehiyo si Lea bago mo buntisin" ani nya, napatawa naman si Josh habang hiyang hiya naman si Lea sa mga pinag sasabi nang tatay nya.

"Pa, naman!"

"Makakaasa po kayo saakin"

"Patuloy kaming mag bibigay nang allowance kay Lea pati sa tuition nya pero ang ibang gastusin sa bahay ay sainyo na. Bilang asawa dapat kaya mo yan, diba Josh?" Natigilan naman si Josh pero tumungo lang din sya.

"Payag ako sa kasal anak pero ang hindi ako payag ay ang pag tra-trabaho mo, nakakasama to sayo-sa pag aaral mo" ani nang nanay ni Josh.

"Tutal ako nalang man ang mag isa sa bahay wala naman ang masyadong pag gastusan. Every month akong mag lalagay sa card mo Josh, mag papatuloy tong ganito hanggang sa matapos ka nang kolehiyo" napatungo naman si Josh.

"Lea, pasayahin mo ang anak ko hah" matamis na ani nang nanay ni Josh kaya napangiti si Lea at tumungo narin.

Sa loob nang isang buwan, nag handa na sila para sa kasal nang dalawa at sa handaan.

"Hindi ako makapaniwala na ikakasal ka na agad Lea" ani nang kaibigan nya, napangiti naman si Lea habang nakatingin sa mga wedding gown na nasa brochure.

"Kung iniisip nyo na nabuntis ako ni Josh kaya mag papakasal kami agad well nagkakamali kayo hindi"

Napatawa naman ang dalawa nyang kaibigan.

What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon