I. First day of school

4 0 0
                                    

Hawak nya ang dalawang tableta ng Poppy Pill at handa ng inumin ang mga iyon upang patunayan sa mga councilors na nakagawa na nga sila ng tunay na antidote. Kaba at pag aalala ang makikita sa mukha ng hari habang nakatitig sa kanyang minamahal, walang ano ano ay ininom ni Ga Eun ang dalawang tableta ng Poppy Pill, nasaksihan ng nakararami ang kirot na naramdaman nito matapos inumin ang lason ngunit sa kabila ng kirot na iniinda nito ay sinunod nyang inumin ang ginawa nilang antidote, pinagmasdan sya ng mga councilors kung eepekto nga ba ang antidote ngunit naglakihan ang mga mata nila ng bumagsak si Ga Eun sa sahig at...

"Alexandra Giselle!" nahugot ang kabang nararamdaman ko ng marinig ang malakas na sigaw ni Mama mula sa labas ng aking kwarto kasabay nun ay ang pagbukas ng pinto. Nabitawan ko ang laptop ng bumungad sakin ang galit na mukha ng aking ina.
"Natulog kabang bata ka?!" pasigaw na sambit nito. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang oras mula sa malaking orasan sa taas ng aking pinto.

OMG! it's already 5 am in the morning!

Nakagat ko ang labi ko habang dahan dahang binabaling kay Mama ang aking tingin. "ah..ahm opo ma, maaga lang po ako nagising" sabay kamot sa batok.

"Tsk! Natulog. Eh kasing laki na nga ng labi mo yang eyebags mo!" paninermon nito "Itigil mona yang panood ng K-Drama at ipahinga mona yang mata mo! First day of school wala kang tulog!" yun lamang ay naglakad na sya palabas ng kwarto.

Ipi-play kona sana ulit ang aking pinapanood ng sumigaw ulit si mama. "IPAHINGA MONA YANG MATA MO!" napasipa nalang ako sa hangin dahil sa pagkabitin.

"Konti nalang eh! Konting-konti nalang!" paghihimutok ko sa aking sarili. "Opooooo!" sigaw ko kay Mama. Malamya akong umalis sa aking kama at nagplay ng music. Dumiretso ako sa wardrobe saka inilabas ang uniform na isusuot ko. Habang hawak ko ang aking uniform ay gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi, humarap ako sa salamin habang pinapatong saking katawan ang uniform.

"This is iiiiit!" nagsasayaw ako sa harap ng salamin habang sinasabayan ang lyrics ng kanta. *knock knock knock* napatigil ako sa pagsasayaw at nilingon ang kumatok. Ngumiti ako at maingat na hinanger ang aking uniform saka naglakad papunta kay Papa. "Good morning Pa!" sinuklian ni papa ng matmis na ngiti ang malambing kong pagbati. Ginulo nya ang buhok ko na syang lagi nyang ginagawa tuwing binabati ko sya. "Pa!" suway ko.

"Good morning anak! excited kana ba? This will be your last year in high school" malambing na aniya. Tumango ako ng ilang beses na syang nagpangiti sa kanya ng lalo. "Ihahatid ka namin ng Mama mo ha. Shhhhh wag kanang kumontra ang Mama mo ang mapilit kaya wala kang magagawa" natatawang sabi nya.

"Hmmm. Oo na po! Can we eat na Pa? nagugutom na yung prinsesa mo oh?" nagpapacute kong wika. Natawa lang si papa at sabay na kaming bumaba papuntang kitchen.

Naabutan namin si Mama na nagpeprepareng breakfast nagtinginan kami ni Papa na tila ba pareho kami ng iniisip. Nagunahan kaming tumakbo papalapit kay mama at sabay namin syang hinalikan sa magkabilang pisngi. Natawa si Mama na animoy kinikilig "Maupo na kayo at ng makakain na maggagayak pa yang anak mo" sabi ni Mama kay Papa. Pinanghila ako ni Papa ng upuan at si Mama naman ay nilagyan ng pagkain ang aking pinggan. Pinagmasdan ko silang dalawa habang patuloy ang pagaasikaso saakin.

'Wala ng mas su-suwerte pa sakin pagdating sa mga magulang Thank you Lord!'

Masaya kaming nagalmusal ng pamilya ko at pagkatapos ay naligo nako at nag-ayus ng sarili para sa unang araw ng klase ngayong taon. Sinuot ko ang kulay black na blazer na may puting blouse sa ilalim tinernuhan ito ng skirt. Naglagay din ako ng konting liptint at konting blush on para kahit papano ay malighten ang mukha ko. Matapos kong magayos ay bumaba na ako na nagulatako ng nakaabang na sila Mama at Papa sa labas ng pinto ng kwarto ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cruelty Of LoveWhere stories live. Discover now